chapter eight

1826 Words
Its's Wednesday afternoon. Tulad ng ipinangako ni Suther ay sinundo niya ako dito sa bahay. Nagpaalam na din ako kay lola na pupunta kaming dalawa sa Maynila. Nabanggit ko na din kina Emily at Guia tungkol kagabi, I mean, tungkol sa panloloko sa akin ni Ricky. Ilang beses na nagmura si Guia sa kaniyang nalaman na kulang nalang ay gusto niyang sumama sa amin para sugurin ito. Buti nalang ay pinakalma siya nina Emily at Tepan. "Mag-iingat sa mga lakad ninyo, ha? Suther, inaasahan kita sa apo ko." Nakangiting paalala ni Lola Loreta sa kasama ko. Ibinaling niya sa akin ang kaniyang tingin. "Lalo ka na, apo ko." Mapait akong ngumiti saka tumango. "Opo, lola. Aalis na po kami." "Let's go?" Masuyong aya na sa akin ni Suther. Tumango lang ako sa kaniya at hinayaan ko lang na dumapo ang kaniyang palad sa aking bewang. I don't mind it by the way. Parang wala akong gana sa lahat. Kahit na makipagtalo pa kay Suther ay wala akong lakas para doon. Ang tanging iniisip ko lang ay kung papaano ko haharapin si Ricky. Kung anong aksyon ang gagawin at mga salita na bibitawan ko. Hindi ko na kailangan pa ng kumpirmasyon. Ang tanging gusto ko lang ay personal ako makikipaghiwalay sa kaniya. Ayaw ko sa text o sa chat man lang, balewala lang iyon. Kahit kami pa nga ay hindi siya masyado nagpapakaramdam sa akin, sa ganitong sitwasyon pa kaya? Kaya mas mabuti pa nga talaga sa personal nalang! At least, formal at malinaw na iyon para sa aming dalawa. "My kitty, hindi ka pa daw kumakain ng lunch." Rinig kong sabi ni Suther habang nagmamaneho.  "Wala akong gana..." Mahina kong tugon ngunit nanatili akong nakadungaw sa labas. "Kinakabahan ako, Suther." "For...?" "Kapag nakaharap ko na siya. Actually, this will be the first time to break up with him." Sabi ko't sumulyap sa kaniya na may lungkot sa aking mga mata. "Hindi ako marunong magkipagbreak." "Just tell you want to break up with. If he asks you what's the reason, then tell what's your reason. That's it." Paliwanag niya. "And don't worry, I'm here. I won't leave you, no matter what."  Tumango ako na ibig kong sabihin ay nagiging malinaw sa akin ang advice niya. "Pero ang pinakaimportante kung gusto mong makipagbreak sa kaniya, magpakatatag ka. Panindigan mo. Iyong tipong wala ka nang dahilan para balikan ka niya." He added. "Hindi ko sinasabi sa iyo ang mga bagay na ito bilang manliligaw mo, Laraya. Gusto ko lang iparealize sa iyo kung desidido ka na ba talaga?" Muli akong tumango bilang sagot. "Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos, gigisingin kita kapag nasa condo na tayo kung nasaan ang gago mong boyfriend." Mariin niyang sabi. Isinandal ko ang aking ulo sa head rest ng passenger's seat. Tinagilid ko ng kaunti ang aking ulo para tinginan siya."Thank you, Suther." I heard him chuckled. "Wow, napapadalas na ang pagpapasalamat mo, my kitty. Para saan naman ang pagpapasalamat mo this time?" "For helping me out in this hell. Sinasamahan mo ako." "It's my pleasure, my kitty. Anything for you. Ayaw mo ba talagang kumain?" "Kapag okay na ako. Don't worry, sasabihin ko din sa iyo kapag gutom na ako." Then I drew a small smile, kahit hind niya masisilayan iyon dahil nakatuon ang atensyon niya sa daan. "Alright. Just sleep there, my princess." Pagkamulat ko ay sakto ang pagtigil ng pagtigil ng sasakyan ni Suther sa isang matayog na gusali sa harap namin. Nasa Parking Lot na yata kami. Bahagya akong gumalaw. Napatingin sa akin ang kasama ko na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Oh, gising na ang prinsesa ko." Bungad niya sa akin. "We're here." Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. "Hindi ito ang condo ni Ricky..." Namamaos kong sabi. "Yeah, but he's here." Sabi niya bago siya lumabas mula sa sasakyan na ito. Umikot siya sa harap hanggang sa pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon at tuluyan akong nakalabas. Muli ako napatingala sa gusali. It's a luxury condominium! Ganoon ba kayaman si Ricky? Parang hindi naman. "Let's go." Mahina niyang aya sa akin at talagang pinulupot pa niya ang kaniyang braso sa bewang ko habang papasok na kami sa loob. Ganoon ang posisyon namin kahit sa pagpasok namin sa elevator. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang sinita si Suther ng guard. Sa halip ay parang sumaludo pa ito sa kaniya. Ibig sabihin, kilala siya nito! Hanggang nasa harap na kami ng pinto ng unit. Mas ipinagtataka ko kung bakit alam ni Suther ang passcode ng unit. Nakasunod lang ako sa kaniya pagkapasok namin. Halos malaglag ang panga ko nang tumambad sa akin ang organize at malawak na loob ng naturang unit. "This is my condo unit, my kitty." Sabi niya nang humarap siya sa akin. "Ito ang sinasabi ko sa iyo na ipapahiram ko sana sa iyo." Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Parang sinisink-in ko pa sa isipan ko ang mga sinasabi niya. "W-what?!" Bulalas ko! My gulay, ganito kalaking unit, ipapahiram niya lang sa akin?! Seryoso ba siya?! Mahina siyang tumawa. "Yes, my kitty. It is." May pumukaw ng atensyon namin. May nagbukas ng isang pinto na marahil ay kuwarto iyon. May lumabas doon na isang lalaki na hindi ako pamilyar. Hindi ito singkit kaya paniguradong hindi ito isa sa mga pinsan ni Suther na binabanggit sa akin ni Guia kagabi. Pinapanood ko sila kung papaano magfist bump at nagbatian sa isa't isa. "Hey, brad. Nabantayan na namin ang pinapabantay mo." Sabi nito kay Suther. Ano daw? "Thanks, brad. By the way," Bumaling siya sa akin at marahan niya akong hinawakan sa kamay at pinalapit pa para ipakilala. "This is Laraya, the queen who made that bastard cry." Lumetrang O ang bibig ng lalaki. "Oh! Siya na pala iyan, Suther? Hindi mo sinabi na diwata pala iyang kinahuhumalingan mo. Buti wala din ang mga pinsan mo, pare." Tumawa siya. "By the way, nice meeting you, Laraya. I'm Dedrick, Suther's friend." Tipid akong ngumiti. "Likewise, De...Drick." "Gising na ba siya?" Naging malamig niyang tanong kay Dedrick. "Yeah, kagabi pa nagwawala. Dahil sa maingay, pinatulog muna namin." Nakangising sagot nito kay Suther. "Pwede mo nang puntahan. Nasa loob din si Kyler." Sumeryoso ang mukha ni Suther. Tumango siya at marahan niya akong hinila palapit sa kuwarto kung nasaan daw si Ricky. Nang nakapasok na kami ay may isang lalaki na tumayo mula sa kinuupuan nitong high stool. Lumapit siya sa kinaroonan namin para batiin kami. Hindi ako nag-abalang tingnan siya sa halip ay napatingin ako kay Ricky na nakatali sa upuan. Halos hindi ko na siya makilala dahil sa hitsura niya ngayon. Bugbog-sarado siya! Putok pa ang labi niya. "L-Laraya?" Hindi makapaniwalang tawag niya sa akin nang nasa harap na niya ako. I clenched my fist. Bumuhay ang galit sa aking puso. Wala akong maramdaman na awa para sa kaniya. Nanumbalik sa aking isipan ang mga litrato na ipinadala sa akin ni Mel. Lihim ko kinagat ang aking labi dahil sa iritasyon. Nabubwisit ako dahil mukha siya nagmamakaawa sa akin pero kapag wala ako sa harap niya, wala siyang awa sa akin! Lakas pa ng loob niyang kumalantari ng iba! Hindi na nahiya! "T-tulungan mo ako, Laraya... Babe..." Humakbang pa ako ng isa. Ginawaran ko siya ng isang malamig na tingin. "Bakit kita tutulungan kung ikaw naman ang gumawa ng paraan para malagay ka sa ganyang sitwasyon?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Tila nagulat siya sa aking sinabi. "L-Lara..." Ngumiti ako na may kasamang panunuya. "Ang akala mo ba, hinding hindi ko malalaman ang mga gaguhan mo?!" Tumaas ang tono ng pananalita ko. Tila sumiklab ang apoy sa aking dibdib. Sinugod ko siya. Pinagsasampal ko siya. Wala akong pakialam sa daing niya. "Ang kapal ng mukha mo, Ricky! Halos kalabanin ko na ang pamilya ko! Mula sa akusa nila na tingin ko ay hinding hindi mo magagawa sa akin, totoo pala! Pinagtakpan pa kita! Binulag ako sa paniniwala mo! Ang akala ko, iba ka, gago ka!" Sigaw ko sa kaniya kasabay na kumawala na naman ang mga luha ko. "Wala kang awa, Ricky! Wala kang awa..." "Laraya..." Tawag sa akin ni Suther. Inawat niya ako mula sa p*******t ko kay Ricky. "Bitawan mo ako, Suther." Humagagulhol kong sabi. "Kulang pa iyan! Kulang pa ang mga sugat at pasa na iyan!" "Ang usapan natin ay makikipagbreak ka sa kaniya ng pormal. Hindi para sampalin siya." Kalmadong sabi niya. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha. Pilit kong punasan ang mga luha at buong loob kong tingnan ang lalaking sumira ng tiwala ko. "Let's break up, Ricky." Kahit sa pananlita ay pilit kong magmatigas. "H-huwag, Lara... Huwag..." Pagsusumao niyang sabi. Agad akong umiling. "Kahit anong paliwanag mo, hinding hindi ako maniniwala. Tapos na tayo." Sabi ko at tinalikuran ko na siya. Pinili ko na lumabas na ng kuwarto hanggang sa nakalabas na ako ng unit. Napasandal ako sa pader. Nagsisimula na naman mamuo ang mga luha. "Laraya..." Nag-aalalang tawag sa akin ni Suther nang nasa harap ko na siya. Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata. "Ang sa-kit, Suther..." Basag ang aking boses sabay turo ko sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. "Ayaw ko na siyang makita pa..." Pumikit ako ng mariin at tumulo na ang mga luha. I feel his getting more closer to me. I feel his palms on my cheeks. Pinunasan niya ang mga luha ko. Ramdam ko din na idinikit niya ang noo niya sa noo ko kahit na patuloy pa rin akong humihikbi. "I know, I know..." Namamaos niyang sambit. "What do you want me to do to forget the pain, my kitty?" Dumilat ako. "Hindi ko alam... Kung saan ako mag-uumpisa." Basag ang boses ko nang sagutin ko iyon. He plant a kiss on my forehead. Nagtama ang mga tingin namin ngunit nanatili pa rin ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. "Just come and stay with me, my kitty. Tutulungan kitang makalimutan siya. Is that okay?" "Papano, Suther? Papaano?" Tanong ko na akala mo ay kakapusin na naman ng hininga. Kita ko kung papaano siya pumikit na parang dinadama niya ako. "Let me catch you from your downfall, I'll always here to support you even your pain, hurt and sadness. I love you, Laraya. Be mine and I don't care if I'll be your rebound this time. I'll make sure that you will fall for me in the end, big time." Tila may humaplos sa aking puso nang bitawan niya ang mga salita na iyon. "Suther..." Nanghihina kong tawag sa kaniya. Nagtama ang mga tingin namin. "Kahit hindi ko muna kunin ang sukli kung papaano ka magmahal, hayaan mo lang ako na ibuhos ko ang meron ako. Pagbigyan mo lang ako ngayon." Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para tumango bilang sagot sa kaniyang gusto. Kita ko ang pagngiti niya. Muli niyang idinikit ang kaniyang noo sa noo ko. "Damn, Layara. I'm getting crazy for you. I don't know why, all I know is... Everytime I see you, my heart becomes warm. I love you, my kitty. I love you..." Pumikit ko. "I love you too." Tatlong salita na pinakawalan at kusang lumabas sa mga labi ko na dahilan para maramdaman ko ang mga malalambot niyang labi sa aking mga labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD