Nang mahimasmasan na ako ay pinili na namin ni Suther na kumain na. Ginutom ako sa kakaiyak. Hindi ko rin namalayan na maggabi na dahil lang sa pag-iyak ko. Ang pinili naming lugar ay ang Mall Of Asia. Sa isang fine dining kami napunta. Ang sabi ng kasama ko, siya na daw ang bahala kaya hinayaan ko nalang. May tiwala naman ako sa taste niya.
"Salamat talaga, Suther." Sabi ko nang umalis na ang waiter para asikasuhin na ang mga inorder.
Humingi siya sabay inabot niya ang isang kamay ko. "Anything for you, my kitty." Masuyo niyang sabi.
Hindi ko na rin mapigilan na mapangiti.
"There, finally, you can able to smile." Aniya.
Pinili ko nalang na yumuko ngunit hindi mabura sa aking mga labi ang ngiti.
Ilang saglit pa ay dumating na ang order namin. Nagkukwentuhan kami kung anu-ano lang. Pero nakakaloka lang kasi si Suther pa ang palaging nagtatanong sa aming dalawa. Maliban lang sa kung anong ayaw at gusto ko sa isang lalaki, Pakiramdam ko napakagentleman niya sa part na iyan.
"Suther," Tawag ko sa kaniya.
Tumigil siya sa paghihiwa sa chicken at tumingin sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Yes, my kitty? May gusto ka pang kainin? Mag-oorder pa tayo kung gusto mo."
Agad ako umiling. Inilapat ko ang aking mga labi. "Feel ko uminom..." Sinadya ko pa talagang hinaan ang boses ko.
Kita ko na natigilan siya sa sinabi ko. Parang sinisink in pa niya iyon. "Are you sure?"
Dahan-dahan akong tumango. "I just want to seize the night," Hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko nang bigla siya nagsalita.
"Alright, as your wish, my kitty."
Napalunok ako't umawang ang aking bibig. Ang bilis naman pumayag ang lalaking ito--I mean, boyfriend ko. Kadalasan kasi, may mga boyfriend na grabe kung magbawal sa mga girlfriend nila. "G-ganoon lang iyon?" Tanong ko pa.
Tumango siya. "Yep, kasama mo naman ako kaya ayos lang. Mas mababantayan kita." Sabi pa niya. "Afte we ate, we're going to look for a dress for the club. I'm sure, Chaos will be open very soon." Wika pa niya.
Naspeechless ako. My goodness! He's like a perfect boyfriend!
So pagkatapos namin kumain ay naghanap na kami ng clothing store kung saan daw kami bibili ng damit na susuotin ko para sa club na sinasabi niya.
Sa Maldita kami pumasok. May lumapit sa aming sales clerk.
"Yes, ma'm? Sir?"
Inakbayan ako ni Suther. "Please find a perfect dress for her." Utos niya dito.
"Okay, sir. Dito po tayo, ma'm." Nakangiting aya sa akin ng sales clerk. Sumunod ako pero nagawa ko pang lumingon kay Suther na nakangiti sa akin.
Tatlong dress ang ipinakita niya sa akin. Pero 'yung puting halter dress ang pumukaw ng atensyon ko. Iyon ang pinili ko. She lead the way at the fitting room. Nakaupo lang sa couch si Suther para ipakita ko sa kaniya ang damit na napilit ko.
"What do you think?" Nakangiwing tanong ko nang humarap na ako sa kaniya.
Mas lumapad ang ngiti niya. "Perfect, my kitty." He commented. "Do you like it? Are you comfortable in that dress?"
Ngumuso ako saka tumango.
Tumayo na siya at sinabi niya sa sales clerk na kukunin na namin ang damit na napili ko. Siya din ang nagbayad n'on. Sunod namin pinuntahan ay VNC kung saan bibili naman kami ng sapatos. Isang itim na heels ang napili ko. Sinukat ko din iyon, ang mas nakakaloka pa ay si Suther pa tumulong sa akin para suotin iyon. Tulad ng tanong niya sa akin kanina ay ganoon din ang naging sagot ko.
"Saan ba 'yong Chaos na sinasabi mo, Suther?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami patungo sa Parking Lot.
Sumulyap siya sa akin habang hawak niya ang isang kamay ko. Siya din ang nagdala ng mga pinamili niya. "City of Dreams, my kitty." Malumanay niyang sagot sa akin.
Napaawang ang bibig ko. Kilala ang City of Dreams. Kahilera lang niya ang mga kilalang Hotels and Casino! Ang sosyal mo na kapag nakatapak ka sa mga hotel na iyon!
"Doon din tayo magchecheck in. Pinaalam ko na din sa lola mo 'yon." He added. "Tuwang tuwa si Lola Loreta dahil para daw makarating ka daw kung saan-saan. I mean, makapagbakasyon ka daw ng maayos. Kahit pa daw na dalhin pa kita malayo, ayos lang daw."
Hindi ko mapigilang mamangha nang nakapasok na kami sa lobby ng City of Dreams. Nobu Hotel naman ito. Kahit namang first timers ay ganito din ang magiging reaksyon nila kapag napasok nila lugar. Ang ganda ng pagkainterior. Modern na modern! Ang dami ding guest at busy ang mga attendant sa pagpasok ng mga bagahe sa elevator. Meron ding mga nakaupo sa mga couch at inaabala ang kani-kanilang sarili.
"Dito ka muna, my kitty?" Tanong niya sa akin. "Magchecheck in lang tayo."
Tahimik akong tumango. Ako na ang humawak ng mga paper bags at nilapitan ko ang espasyo ng couch at doon umupo. Tahimik ko lang iginala ang aking paningin sa paligid. Feeling ko nasa ibang bansa ako. May mga natatanaw din akong mga foreginer na kakapasok lang, kahit mga pinoy. Still, hindi pa rin ako makapaniwala, isang Suther Ho, he can afford this? Sobrang yaman ba ang pamilya niya para makacheck in kami sa ganitong hotel?
Ilang saglit pa ay bumalik si Suther. May dala siya na ano... Parang susi ng magiging kuwarto yata iyon.
Nakadapo ang palad niya sa bewang ko habang punta na kami sa kuwarto. My goodness, para akong inosente na ignorante. Lahat yata ng nadadaanan namin ay napapansin ko! Parang ako pa ang laking-probinsya sa aming dalawa ni Suther! Diosmiyow!
Isang executive room ang kinuha ni Suther!
Masarap sa paningin ang kabuuan ng kuwarto dahil siguro sa ganda ng interior at organize ang mga gamit dito. Dinaluhan ko ang kama. Ang lambot!
Sunod ko naman pinuntahan ang bintana. Sumilip ako doon. Umaawang ang ibig ko nang makita ko ang pool area. Ang ganda dahil sa mga ilaw na pumalibot dito. Ang ganda nito kapag gabi na.
"My kitty, magpalit ka na ng damit." Sabi niya sa akin.
Humarap ako sa kaniya. "Ay, oo nga pala!" Malakas na pagkasabi ko. Agad kong kinuha ang mga paperbag at pumasok sa banyo. Naghinaw ako ng katawan at naglagay ng kaunting make up. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Sunod kong ginawa ay sinuot ko na ang halter dress pati na din ang sapatos.
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin na nakadikit lang sa pader. Napangiti ako dahil ang ganda at tugma sa katawan ko ang damit. Parang party talaga ang pupuntahan ko!
"My kitty?" Rinig kong katok ni Suther mula sa labas. "Are you done?"
"Matatapos na po!" Sabi ko. Kinuha ko ang cologne ko mula sa bag at nagspray. Inayos ko lahat bago man ako lumabas. "Ready na ako." I announced once I open the door. Pero natigilan ako nang tumambad sa akin ang isang guwapong Suther Ho na nasa aking harap! Semi-formal ang suot niya.
Kita ko ang paglapad ng ngiti niya. "Beautiful, as always." Sabi niya nang mas lalo siya lumapit sa akin. "Are you ready to heal your heartache?"
Lumunok ako saka tumango.
"Alright. You may cry out loud. Don't worry, I'm here." Then he plant a kiss on my forehead.
Awang ang bibig ko nang nakapasok na kami sa loob ng Chaos. May mga tao na doon. Puros may mga grupo ang mga naririto. Nakaakbay lang sa akin si Suther samantalang ako ay nakahawak sa kaniyang bewang hanggang sa nilapitan namin ang isang couch doon. May lumapit na waiter sa amin.
"Don Julio Reposado, one bottle and truffle fries." Malakas na utos niya sa waiter dahil na din sa malalakas na musika ang umaalingawngaw dito sa buong club.
Tumango ang waiter at umalis sandali para asikasuhin ang order.
"Isang bote talaga?" Namimilog ang mga mata ko nang tanungin ko siya.
"Baka mabitin ka pa, my kitty. Mabuti nang sigurado." Saka inakbayan niya ako. "Welcome to my world, Laraya."
Kinagat ko ang aking labi. Oo nga, iba ang mundo ni Suther. Now I know, he's living in a luxury life!
"Okay lang ba talaga na mag-inom tayo?" Natatawang tanong ko sa kaniya.
Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. "Of course. Basta kasama mo ako. Wala tayong magiging problema. Pagbibigyan kita kung saan ka masaya."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Kaya pumayag din ako for a celebration."
Kumunot ang noo ko. "Celebration?"
Siya naman ang tumayo. "Yeah, you're now my official girlfriend." Saka hinalikan niya ang noo ko. "I love you, Laraya."
I pressed my lips. Sinisikap kong pigilan ang aking ngiti ngunit mukhang mabibigo pa ako. I admit, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasaya. Hindi ko mapigilan na maikompara si Ricky kay Suther. Masasabi ko na halos perpekto na si Suther. Iyong tipong nariyan lang siya sa isang tabi. Isang tawag mo lang, nariyan na agad. Hindi mo na kailangan mangapa sa dilim o sumigaw for asking a help by your boyfriend.
Bakit ba hindi ko siya nakilala agad than Ricky, instead?
Dumating na ang waiter na may dalang tray. Yumuko siya para ilapag sa mababang mesa ang mga inorder ni Suther. Then sinimulan na namin uminom. Nalaman ko na tequila pala ang inumin na inorder niya!
Ilang lagok ko palang ay halos hindi na madrawing ang mukha ko dahil sa pait ng alak! Agad ako inabutan ng sliced lemon ni Suther. Kagatin ko daw para mabawasan ang pait na nalasahan ko. Panay asikaso niya sa akin. Grabe siya!
Hindi ko na rin namalayan kung ano nangyayari sa paligid pero iisa lang ang nararamdaman ko ngayon--medyo nahihilo na ako. Medyo nag-iinit na din ang sistema at magkabilang pisngi ko dahil sa epekto ng alak.
Walang sabi na ikinulong ko ang magkabilang pisngi niya sa mga palad ko. Medyo nagulat siya sa ginawa ko. "Sayaw tayo?" Nakangiting aya ko sa kaniya kahit na namumungay na ang mga mata ko.
"Are you sure? Kaya mo pa ba?"
Ngumuso ako saka tumango-tango. I give him a puppy eyes. Bigla siyang tumawa. He lean his forehead into mine. "I can't resist my kitty. Sasamahan kita sa dance floor."
Agad akong tumayo. Ako pa ang humila-hila sa kaniya patungo sa dance floor. Maganda ang musika ngayon na para gusto kong sumayaw. When I found a good spot, humarap ako kay Suther. I started to sway my body na tila sumasabay sa indak ng musika.
"Come on, my handsome boyfie!" Masigla kong sabi sa kaniya.
Kita ko ang pagkagat niya ng labi, pinipigilan niya ang kaniyang sarili na mapangiti o matawa man. But in the end, she started to move his body too. He snake his arm into my waist while we front each other. He's getting closer into me, I don't mind it.
"This is the second time I saw you drunk, my kitty." Anas niya. Sa mga binigkas niyang mga salita na iyon ay parang nawawala ang mga nakakaindak na musika. Parang tumahimik ang paligid. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin na kulang nalang ay halikan na niya ako. He brushing the tip of his nose into mine. Amoy ko ang kaniyang hininga, kahit na amoy alak siya, I still find it... hot. "Can you please stop being so hot, my kitty? It's really distracting..."
Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang ngiti. "What? Me? Hot?" Sabay yapos ko sa kaniyang leeg. "Alam mo bang napapaisip ako? Sa dinami-dami ng babae na mundo, bakit ako ang pinili mo? Tapos sinabi mo sa akin na na-love at first sight ka... Kahit na alam mo na may boyfriend pa ako..."
"Laraya..."
"Suther, if you want me falling for you, then you have to give me something worth tripping over..." My voice cracked. Umagos ang butil ng luha sa aking pisngi.
Bahagyang nilayo ni Suther ang kaniyang mukha sa akin. Marahan niyang pinunasan ang takas kong luha. "There are so many things I would love to tell to you. So many thing I would love to share with you. Just take my hand, leave the rest to me. Look into my eyes, Laraya and don't be afraid to fall for me... For I have already fallen for you."