chapter eleven

2009 Words
Lumabas ako sa kuwarto kinagabihan din iyon. Tinawag na kasi ako para sa dinner. Sinalubong ako ni Guia na malapad ang ngiti. Nakilala na din kasi niya ang mga pinsan ni Suther, sumama pa talaga sila para maghatid sa akin dito pauwi. Alam ko kung ano ang magiging reaksyon niya—she dumbfounded. Pakiramdam niya kasi ay umaapaw sa kaguwapuhan at kagandahan ang magpipinsan. Naikwento ko din sa kaniya ang buong pangyayari, kasama na din na naging kami na ni Guia na kulang nalang ay magcelebrate na! 'Yong tipong handa na siyang magpainom. "Kamusta naman ang pagiging boyfriend ni Suther, hm?" Usisa niya habang naglalakad na kami papunta sa Kusina para kumain na. "Yiee, ang swerte mo, 'day!" Patili na iyon. "Ang ingay mo." Natatawa kong sabi. Tumigil siya sa paglalakad, ganoon din ako. Tumingala siya sa kisame sabay inangat niya ang kaniyang mga kamay. "Sa wakas, nadinig din ng kalangitan ang aking panalangin! Nauntog na ang aking pinsan sa katangahan niya!" "Hoy! Manahimik ka nga!" Suway sa kaniya. "Gising na pala ang prinsesa ko." Isang boses na papalapit sa amin. Sabay kaming napatingin sa lalaking paparating. Awtomatiko akong napangiti. Oh, oo nga pala, sadyang nagpaiwan si Suther dahil gusto niya dito maghapunan. Siya din daw ang magluluto kaya pinaunlakan ni Lola Loreta iyon. Sa katunayan pa nga ay tuwang-tuwa pa siya. Gusto din daw niya makabonding ang pamilya ko habang tulog ako. Umakbay siya sa akin, napahawak naman ako sa kaniyang bewang. Ginawaran niya ako ng halik sa sentido na siya naman ang pagtili bigla ni Guia. "Dyosmiyow! Ang tames! Tama naaa!" Sabi niya habang pinapaypayan pa niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay. "Nakakabitter kayo!" Then she walked out. Natawa kaming dalawa ni Suther sa kaniyang inakto. Bumaling ako na saktong nakatingin na siya sa akin. Nakapagat ako ng labi. Grabe, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito kasaya, parang umaapaw ang saya sa sistema ko. Habang tumatagal, mas nadadagdagan pa ang saya. "Ang sabi sa akin ni Guia at ni Lola Loreta, paborito mo daw ang pininyahang manok. Iyon ang niluto ko para sa iyo." Sabi niya. Mas lalo lumapad ang ngiti ko. "Talaga? Wow, makakatikim din ako ng luto mo." Sabi ko na tuwang tuwa. "Of course, my kitty. So, let's go?" Agad akong tumango at tinungo na nga namin ang kusina kung saan naghihintay sina Lola, Guia, Emilty at Tepan. "Oh, maupo na kayo para makakain na tayo." Masayang sabi ni Lola Loreta sabay turo niya sa mga bakanteng upuan na katapat lang nina Emily at Guia. Medyo nagulat ako nang hinila ni Suther ang isang upuan at doon niya ako pinaupo. Rinig ko ang manunukso ng mga pinsan ko. Pilit ko itinago ang kilig ko sa mga gestures na ipinapakita ni Suther. "Salamat," Sabi ko. "Anything for my princess." Malambing na sabi niya nang umupo na din siya sa tabi ko. "Ano ba iyan! Hindi pa tayo nag-uumpisang kumain, sinusubuan na tayo ng panghimagas!" Bulalas ni Guia. Natawa lang si Emily sa kaniyang sinabi. "Suther, baka naman... May single pa sa mga pinsan mo? Pakilala mo naman sa akin." "Guia!" Malakas kong suway sa kaniya. Kaloka, nakakahiya! "Ano iyon? Ikaw lang may happy ending? Kainis, eh. Kainggit kayo." Pagmamaktol pa niya kungwari. "Dadating din iyon, Guia. Hintay lang." Kumento ni Emily. Panay kwentuhan namin. Pero nagtataka ako kung bakit hindi man lang nagtatanong si Lola Loreta tungkol sa pamilya ni Suther? Like, sino ang mga magulang ng mga ito, kung anong klaseng pamilya na meron sila. Mga ganoon ba, pero mukhang wala pa sa isip ni Lola na tanungin niya ang mga bagay na iyon. "Siya nga pala, apo... May sasabihin sana ako sa iyo." Biglang sambit ni Lola Loreta sa akin. Tumingin ako sa kaniya at nag-aabangan sa mga susunod niyang sasabihin. "Nakausap ko kanina ang mama mo, nagsabi ako sa kaniya kung ayos lang na dito ka na muna mag-aral, apo." Doon ay natigilan ako. Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong napatingin sa akin si Suther na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Dumapo ang tingin ko sa pagkain na nasa aking harap. "Apo..." Lihim ko kinagat ang aking labi. Pakiramdam ko kasi parang gumuho ang mundo ko nang nalaman ko na hindi ako makakapasok sa Centro Escolar... Ang pinapangarap kong Unibersidad. Hindi ko makukuha ang pinapangarap kong kurso. Bumaling ako kay Lola at ginawaran ko siya ng isang mapait na ngiti. "Hm, okay lang po sa akin, Lola..." Sagot ko. Kahit mabigat ang pakiramdam ko. Bumaba ulit ang tingin ko nang maramdaman ko ang marahan na paghawak ni Suther sa isang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya na nakaukit pa rin ang mapait na ngiti sa aking mga labi. Sa mapapagitan ng aking mga mata ay sinasabi ko sa kaniya na magiging maayos din ako. - Pagkatapos namin kumain ay nagpasya muna akong pumunta muna sa bakuran para magpahangin. Umupo ako sa duyan na yari sa rattan. Nakatali ang magkabilang dulo nito sa puno. Ipinatong ko sa aking kandungan ang throw pillow. Tumingala ako sa kalangitan. I was torn, seriously. If I stay here, I won't be able to reach my dreams. I really wanted to be a pharmacist, so bad. Kung itutuloy ko man at ipinagpilitan ko ang kagustuhan kong mag-aral doon, dalawang mahalaga sa akin ang maiiwan ko. Si Lola Loreta at si Suther. "Laraya..." Napatingin ako sa kaliwa ko. Tumambad sa akin na nakatayo doon si Suther. May lungkot sa kaniyang mga mata. Humakbang pa siya palapit sa akin at tumabi dito sa duyan. "Are you alright?" Malumanay niyang tanong. Dumapo ang tingin ko sa damuhan. Inilapat ko ang mga labi ko ng ilang segundo bago man ako sumagot, "Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko, Suther. Kung isusuko ko ba ang pangarap ko para masamahan si Lola dito o tutuloy ako..." Bumuntong-hininga ako. "May part din na ayaw kong umalis dahil nag-aalala ako para kay Lola, although my cousin was here... Ayaw ko din na iwan ka..." Inakbayan niya ako at pareho kaming sumandal sa duyan. I lean my head on his chest. Sabay kaming napatingin sa kalangitan. Tanaw namin ang mga bituin. "Kung ano ang magiging pasya mo, doon ako. Susuportahan kita. Kung iniisip mo na maiiwan mo ako dito. Gagawa pa rin ako ng paraan para makita ka. Balewala sa akin kung gaano kalayo ang Maynila mula dito." Bahagyang iginalaw ko ang aking ulo para tingnan siya. "Suther..." "You want me to sing a song, my kitty? Para gumaan ang pakiramdam mo? I don't want to see my girlfriend feeling down." "Can you sing?" Hindi makapaniwalang tanong ko. He smiled. "I'll try... I have a song that is so dear to me." "Parinig ako," Sabi ko. "First, you should close your eyes. I'm easily distracted if someons's looking at me." Saka mahina siyang tumawa. Sinunod ko ang sinabi niya. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Before he start to sing, inugoy niya ang duyan.  "Who knows how long I've loved you, you know I love you still, will I wait a lonely life time... If you want me to, I will... For if I ever saw you, I didn't catch your name, but it never really mattered, I will always feel the same... Love you forever and forever, love you with all my heart... Love you whenever we're togtether, love you when we're apart... And when at last I find you, your song will fill the air, sing it loud so I can hear you, make it easy to be near you, for the things you do endear you to me, ah you know I will... I will..." Then I heard him humming at the end of the song at makes me smile. Damang dama ko ang gusto niyang iparating ng kinanta niya. Kahit walang musika, ayos na sa akin. It sounds more lullaby to me kahit na love song pa iyon. Hindi ko rin akalain na marunong pala siya kumanta. "Feel better?" Malambing niyang tanong nang natapos na niya ang kanta. Dumilat ako at muling tumingin sa kaniya. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. "Thank you, Suther..." Mahina kong sabi. He plant a kiss on my temple. "It's my pleasure, my kitty." - "Laraya? Tapos ka na ba?! Bilisan mo, naghihintay na si Suther sa baba!" Rinig kong malakas na boses ni Guia mula sa labas ng kuwarto. "Oo, palabas na!" Malakas na din pagkasagot ko pagkatapos kong izipper ang bag ko. Tumayo na ako't isinabit ko na iyon sa aking balikat. Dinaluhan ko ang pinto saka pinihit ang pinto. Ang akala ko pa naman ay wala na ang pinsan ko pero narito pa rin siya, hinihintay ang paglabas ko. "Kanina pa ba siya?" Nakangiting tanong ko. Ngumisi siya pabalik. "Nope, kakarating lang niya." Tumango ako. Nauna siyang bumaba ng hadgan, sumunod lang ako. Mula dito ay tanaw ko siyang nakaupo sa sofa habang nakikipagkwentuhan siya kay Lola. Pero mukhang malakas ang radar ng boyfriend ko kaya naman napatingin siya sa direksyon ko. Nagpangiti kami sa isa't isa. Tumayo siya. "Narito na ang prinsesa mo, Suther!" My cousin giggled. "Thank you, Guia." "Basta ikaw!" "Mag-iingat kayo, mga apo." Sabi ni lola sa amin. "Yes po, lola." Sagot namin ni lola saka humalik kami sa kaniyang noo bago man kami umalis. Si Tepan ang magbabantay sa kaniya buong umaga, mabuti nalang ay panghapon ang klase niya. Ako, si Suther, Guia at Emily ang lumabas sa bahay. Sabay kaming dumiretso sa kotse. Talagang pinagbuksan pa ako ni Suther ng pinto sa front seat. Inaalalayan pa niya akong sumakay na siya naman tili ng mga pinsan ko. Dahil d'yan ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. Nahihiya ako! "So... Ready?" Nakangiting tanong ni Suther sa amin. "Ready!" Sabay naming sagot. Binuhay niya ang makina ng sasakyan saka umusad na kami papunta sa Cavite State University. Yep, nagdecide na dito na ako mag-aaral sa Cavite. Tinalikuran ko ang pangarap ko, pero hindi naman ibig sabihin iyon ay hindi ko na makukuha iyon. For now, I'm taking up BS Food Technology. Samantalang sina Guia at Emily ay kukuha ng Education at Office Administration. Sinamahan din kami ni Suther na mag-enroll dito. Naglibot-libot na din para maging pamilyar ako sa Unibersidad na papasukan ko. Hindi ko akalain na malaki pala ang school na ito. Malawak. May mga nakikita pa akong plantation ng dragon fruit, marahil sa Agriculture department iyon. Hanggang sa tumigil ang kotse sa gate two ng University. "Thanks, Suther!" Masayang pasasalamat ng dalawa kong pinsan sa kaniya nang tumigil ang sasakyan sa tabi ng gate. "You're welcome, ladies. Please take care, especially my princess." "Walang problema, Suther!" Si Guia ang sumagot bago sila nakalabas. "Thank you," Nakangiting sabi ko sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at dinampian niya ng halik ang likod ng palad n'on. "This is your first day of school, my kitty. You can talk to other guys, but please, don't ever fall for them. Please?" Tumawa ako. "Naman! Ikaw lang ang boyfriend ko. Okay?" Kita ko ang pagkagat niya ng labi tila pinipigilan ang sarili niyang matawa din. "Kitty naman..." Ikinulong ko ang kaniyang mukha gamit ang magkabilang palad ko. Nagtama ang mg tingin namin. "Kung lalapit man sila sa akin na iba ang intensyon, ako na ang kusang lalayo, Suther. You don't worry about that, aright? And you, please take care while you're driving. Sa La Salle pa ang school mo. Medyo malayo." "I don't mind how far is your school from mine. Kung tulad mo man ang sunduin ko, it's worth it." Kinagat ko ang aking labi. Dumapo ang tingin niya doon. Naniningkit ang mga mata niya. "Ano iyang nasa labi mo? Bakit masyadong mapula?" Ngumuso ako. "Kiss proof lipstick..." Isang makahulugan ngisi ang umukit sa kaniyang mga labi. "Kiss proof? Talaga?" "Oo. Bakit?" Wika ko na nagtataka. "Try nga natin kung kiss proof nga." Nanlaki ang mga mata ko. "Suther!" Suway ko sa kaniya kasabay na binitawan ko ang mukha niya. Siya naman ang natawa. "I'm kidding, my kitty. I love you." Then he give me a peck on my lips. "Always wear the anklet when I'm not around." He said. Tumango ako kahit na namumula na mukha ko. "Sige na, papasok na ako sa klase, baka malate pa ako." "Text me if you are available." He reminding me. "Yes, boss." Saka lumabas na ako ng sasakyan. Yumuko pa ako. "Ingat sa pagdadrive." Tumango siya na nakangiti. Sinara ko ang pinto at nagmamadali na akong pumasok sa University. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD