chapter twelve

1624 Words
Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo dahil magkakaiba kami ng mga building namin. Hawak-hawak ko ang registration form ko habang ginagala ko ang aking mga mata sa paligid. Hinahanap ko kung nasaan ba ang building kung saan ang unang klase ko. Naku, mukhang naliligaw pa nga ako. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking hawak na papel. Patuloy pa rin ako naglalakad nang may nabangga ako! Mahina akong dumaing dahil doon. "Sorry po!" Rinig ko isang boses ng lalaki. Tumingin ako sa kaniya. Isang lalaki na tingin ko ay kasing edad ko lang siya. Nakasuot ito ng salamin na medyo makapal ang frame. He's wearing short sleeves polo shirt na nakatuck-in iyon sa kaniyang pantalon. He's also wearing sneakers. Good thing is, hindi naman malakas ang pagkabangga sa akin kaya hindi ako bumagsak sa daan. "Okay lang," Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Pero pansin ko bakit parang nakatulala siya sa akin. "Okay ka lang ba, kuya?" Tila nanumbalik ang ulirat niya dahil sa tanong ko. He slowly shook his head. Mas humigpit ang pagkahawak niya sa strap ng kaniyang back pack. Kita ko pa ang paglunok niya. "O-okay lang ako." He said and he looked away. "Uhmm..." I trailed off. "Magtatanong sana ako kung alam mo ba kung saan building ito?" Mas inilapit ko pa sa kaniya ang hawak ko papel at itinuro ko sa kaniya ang nakasulat na kung saan ako dapat magpunta. Tiningnan niya ang papel ko. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala. "K-kaklase pala kita dito...?" Napangiti ako. "Talaga? Pwede bang sabay na tayo pumunta?" Agad siyang yumuko ng ilang saglit tapos tumango. Nauna siyang naglakad. Inayos ko ang pagkasabit ng aking bag at sumunod lang sa kaniya. Buti nalang may makakasabay na ako sa pagpasok. Sa dinami ng buildings at estudyante dito, medyo nalilito ako. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Paniguradong maliligaw ako. - Pagpasok ko sa building ay hindi ko maitindihan kung bakit sa akin napunta ang atensyon ng mga taong nadadaanan ko. Bigla tuloy ako nakaramdam ng ilang. Oh gosh, hindi kaya nararadar nilang hindi talaga ako taga-Cavite instead ay galing pa akong Maynila? What the... "May panlaban na tayo ng Miss Cavsu nito." Rinig kong boses ng isang lalaki sa gilid ko. Ano daw? Miss Cavsu? If I'm not mistaken, it sounds like a pageant or something. Pero wala akong balak sumali sa mga ganyan. Ayaw kong makakuha ng atensyon o anuman. Bahala sila d'yan! Muli ako napatingin sa lalaking sinusundan ko. Tumigil siya sa isang room at binuksan niya ang pinto. Humarap siya sa akin pagkatigil ko. "Dito ang first class natin." Sabi niya. Tumango ako at ningitian ko. Pinauna niya akong pumasok. Pero ang akala ko sa Hallway lang ako makakaencounter na pagtitinginan. Maski dito din! Ano ba 'yan!  Sinundan ko ng tingin ang lalaki. Umupo siya sa tabi ng bintana. Inilapat ko ang aking mga labi. Agad ako naghanap mauupuan. Mabuti na lang may bakante pa sa may bandang likuran. Hinubad ko ang shoulder bag ko at pinatong ko iyon sa arm chair bago ako umupo. Dinukot ko ang cellphone ko, itetext ko si Suther ngayon habang wala pang prof. Para mabawasan din ang ilang na nararamdaman ko ngayon dahil sa paligid ko. TO : SUTHER Nasa school ka na po? Then I hit send. Tinaob ko ang cellphone ko. I slowly tapped the table while waiting for his text. At hindi nga ako nabigo. Agad kong binuksan iyon. FROM : SUTHER Nasa Gen Tri palang ako, my kitty. Nasa classroom ka na? TO : SUTHER Yes po. Nasa classroom na po ako. Oh sige,  mamaaya ka na magreply, please? Kapag nasa University ka na din to avoid accident. I love you. Pagkatapos kong isend ang mensahe na iyon para sa kaniya ay siya naman pagpasok ng prof sa classroom. I immediately turn my phone into silent mode. Ibinalik ko na iyon sa loob ng aking bag. Umayos ako ng upo. Pinapanood ko lang ang professor hanggang sa ipinatong na niya ang kaniyang gamit sa mesa. "Good morning, freshmen!" Maligayang bati niya sa amin. "Good morning, ma'm..." She gave a short message for us. Then nagpakilala na. Medyo nahihilo ako, ang daming magkakapangalan, ang mas nakakahilo, ang dami namin sa isang section. Freshmen lang kami pero may dalawang section pa na ka-year level lang namin! Ibig sabihin, napunta ako sa star section! "Bryant Gomez..." Pakilala ng lalaking nakausap ko kanina at nakasabay ko para makarating ako dito sa first subject. Tapos ko na din ipakilala ang aking sarili. May mga sinabi pa siya but he looks timid kaya hindi ko masyado maitindihan. It takes one and half hour ang first subject. May binigay na agad na assignment ang prof at magrereview ng ilang pages. Mag-uumpisa na daw magsunog ng mga kilay. Hays. As a product of private school, medyo bago sa akin ito. Hindi ko akalain na ganito pala kapag State University. Malaking adjustment para sa akin ito. Paglabas ko ng classroom ay napukaw ng aking atensyon si Bryant. Ngumiti ako at nilapitan siya. Tinapik ko ang kaniyang bagat medyo nabigla siya sa ginawa kong ito. "Hello! Thank you pala sa tulong mo kanina, ha?" Sabi ko. Muli siya umiwas ng tingin sa akin. "W-walang anuman..." He sound nervous. "Una na ako." Paalam ko sa kaniya saka iniwan ko na siya. Maghahanap kasi ako ng pwedeng mapagtambbayan. One hour ang vacant ko. Hanggang sa napadpad ako sa oval. Buti na lang, wala masyadong tao doon... Maliban nga lang sa mga lovers. Keribels ko naman na mag-isa, hindi ko pwedeng istorbohin ang mga pinsan ko dahil sa mga ganitong oras ay may mga klase pa sila. Umupo ako sa isang tabi at binuklat ko ang syllabus na binigay sa amin ng prof. After noon ay nagsagot ako ng assignment. Thank you so much, internet, hindi ka mabagal sa phone ko at may naisagot ako! Ibinalik ko ulit sa aking bag ang mga gamit ko. Ngayon ko lang napagtanto na ayos ang hangin dito. Parang sariwa. Feel na feel mo talaga na probinsya nga ito ng Cavite. Napatingin ako sa oval. Kumunot ang noo ko nang may natatanaw akong hindi inaasahan na tao sa kabilang oval. Si Bryant... Pinapalibutan siya ng grupo doon. Kita ko pa kung papaano tinulak-tulak ng mga ito! Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para puntahan siya. I immediately grab my bag. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niya. "Pambihira naman, Bryant, parang wala tayong pinagsamahan niyan." Rinig ko mula sa lalaking nakangisi habang tinulak-tulak pa niya ito. "Wala na nga akong pang-inom, oh. Tinatago mo lang yata iyang pera mo't ayaw mo kaming bigyan." "Wala naman talaga ako maibigay..." Mas lalo ko binilisan ang lakad ko palapit sa kanila dahil hinawakan si Bryant ng dalawang lalaki sa magkabilang braso nito. Balak siyang batuhin ng bola ng soccer! "Hoy!" Sigaw ko sa kanila. Napatingin sila sa kinaroroonan ko. "Bitawan ninyo nga siya!" Singhal ko sa kanila sabay bawi ko sa kay Bryant pero bigla nahuli ng isang lalaki ang isang braso ko. "At sino ka naman?" "Kaibigan ko iyang inaaway ninyo!" Bigla silang tumawa na parang talagang may nakakatawa sa sinabi ko. Pinagdilatan ako ng parang leader nila. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Talaga ba? Kaibigan mo ang kulelat na ito?" Sabay turo niya kay Bryant. "Oo. Ano ngayon?" Angil ko pa. Ngumisi siya sa akin na mala-demonyo. "Hindi mo man lang sinabi sa akin, Bryant na may chicks kang tropa? Eh kung pinakilala mo ako sa isang ito eh di sana tahimik na ang buhay mo ngayon?" "Umalis ka na..." Utos ni Bryant sa akin. Magsasalita pa sana ako nang bigla ako kinaladkad ng lalaki palayo! Bigla ako ginapangan ng kaba. "S-saan mo ako dadalhin?!" Sa wakas ay nagawa kong magsalita. "Sa dorm ko, papaligayahin mo ako." Oh s**t. "Bitawan mo nga ako." Pagpupumiglas ko pa. "Bitawan mo siya!" Rinig ko mula kay Bryant. "Ugh!" Daing niya dahil bigla siyang sinikmurahan nang wala sa oras. "Let me go!" Patuloy ko pa rin kumawala mula sa kaniya. "Sino ka para hawakan mo iyan, hm?" Natigilan kami nang may nagsalita sa may harap namin. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang hindi inaasahan na lalaki sa harap ko! Hindi lang siya, may apat na lalaki pa siyang kasama. "K-Kal..." Mahina kong tawag sa kaniya. Humalukipkp siya ngunit bakas sa mga mata niya ang galit. "Nasabi sa akin ni Suther na dito ka daw mag-aaral, Laraya. So dahil schoolmates tayo, bilin sa akin ay bantayan ka..." "I-ikaw..." Sabi ng lalaking nakahawak sa akin. "Bitawan mo siya, o ako mismo ang puputol ng kamay mo, Tobey?" Mariin na tanong ni Kal, may bakas doon ang galit. Walang magawa ang lalaki kungdi bitawan ako. Animo'y parang natatakot siya sa banta ng pinsan ni Suther. Umatras ito kasama ang mga kasamahan niya. Nagawa din nilang bitawan si Bryant. Agad ko ito dinaluhan. "Ayos ka lang ba?" "Hindi mo dapat ginawa iyon! Muntik ka pang napahamak dahil sa akin!" Hindi niya mapigilan ang sarili niyang pagtaasan ako ng boses. "Sino ba iyan, Laraya?" Galit na din si Kal kay Bryant. "Siya na nga ang tinulungan mo, siya pa ang galit. Putakte iyan." "Kaklase ko siya, Kal... Sorry. Pero salamat din sa pagtulong mo." Bumuntong-hininga siya. Nilabas niya ang kaniyang cellphone. May tinipa siya doon saka idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. "Oh, Suther! Busy ka ba cous? I have a report..." Bumaling siya sa akin na seryoso pa rin ang mukha. "May bumastos sa girlfriend mo dito. Kakaladkarin niya dapat ito sa dorm ng mga lalaki." Napalunok ako. Inilayo ni Kal ang kaniyang telepono at niloudspeaker niya iyon. Bigla bumilis ng t***k ng aking puso nang marinig ko ang boses ni Suther sa kabilang linya! "SINO ANG PUTANG INANG IYAN, KAL?" "His name is Tobey Aguirre. Anong gusto mong gawin ko?" "Dalhin mo sa akin para maturuan ko ng leksyon! Walang sinuman ang babastos sa prinsesa ko, Kal dahil hinding hindi ko magawa iyan sa kaniya!" "I know." Sagot ni Kal na nanatili paring seryoso. Kahit hindi ko nakikita ay naiimagine ko na kung ano ang histura ni Suther kapag nagalit. Mas lalo ako ginapangan ng takot! Oh, shit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD