Ilang beses na ako nangungulit kay Kal kung totoo ba ang sinasabi ni Suther kanina. Kung talagang bubugbugin niya ito. Sa halip ay "Ibabalik lang ni Suther kung saan dapat ilagay si Aguirre" ang isinagot niya sa akin. Parang hindi na ako mapakali sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko na rin makausap si Bryant dahil d'yan.
Sa totoo lang ay buong araw na akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung itetext ko ba si Suther para pigilan siya sa kaniyang binabalak o ano...?
Argh, ang hirap naman nito. Kinakabahan kasi ako na baka magalit siya sa akin lalo na't narinig ko kung papaano siya magalit kanina. Papaano pa kaya kapag nasa harap ko na siya?
Nasa gate two na ako, kinakagat-kagat ko lang ang hinlalaki kong daliri habang nakatayo. Naghihintay kasi ako sa pagdating niya. Actually, mauuna pa akong uuwi sa mga pinsan ko. Maaga kasi ang uwi ko mula Monday to Wednesday. Sila kasi mamayang gabi pa ang uwi.
Bumilis ang kabog ng aking dibdib nang natatanaw ko na ang pamilyar na sasakyan pagawi dito kung saan ako nakapwesto. Napalunok ako. Umayos ako ng tayo hanggang sa tumigil ang sasakyan sa mismong harap ko. Bumaba ang salamin sa may gilid ng front seat. Bumungad sa akin ang nakangiting si Suther na parang balewala lang sa kaniya ang nangyari kanina. Parang wala akong makitang bakas na galit na galit siya.
"Hop in, my kitty." Masaya siyang sabi sa akin.
Tahimik akong tumango at lumapit para makasakay na ako sa sasakyan.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong niya.
"H-hindi naman..." Naroon pa rin ang kaba ko.
Taka niya ako tiningnan. "Hey, are you alright?" He asked and he hold my hand. "Bakit ang lamig ng kamay mo? May sakit ka, my kitty?"
Nakapagat ako ng labi. "I... I'm sorry." I said breathlessly. "Kung hindi ako nagtangka iligtas o ipagtanggol si Bryant kanina, hindi ka magagalit ng sobra... Sorry."
Humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko saka dinampian niya iyon ng halik. "Wala naman problema sa akin na ipagtanggol mo siya, Laraya." Sambit niya but oh f**k, he called me by my name! It means, he's getting serious, right? "Ang hindi ko lang matanggap ay muntikan kang mapahamak. Na babastusin ka. If they do, they will face Hell."
Pumikit ako saka humarap sa kaniya habang nanatiling nakaupo. "I'm so sorry talaga, Suther."
"My kitty, wala ka kasalanan, alright? Please stop apologizing. I hate to see you like this." Ikinulong niya ang mukha ko sa mapapagitan ng magkabilang palad niya. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "It's not your fault. I swear, I'm not mad at you. I love you." Saka hinalikan niya ang tungki ng aking ilong.
Tahimik akong tumango.
"I guess my kitty is already hungry. You want to eat somewhere?" He asked.
Ngumuso ako. Napahawak ako sa aking tyan. Inilapat ko ang aking mga labi ng ilang segundo at bumaling sa kaniya. "I forgot to eat, actually." Pag-amin ko.
"What?"
"Sa sobrang pag-iisip ko kung pati sa akin, galit ka, hindi ko na naisip na kumain..."
Pumikit siya at napabuntong-hininga. "Alright, it's my treat today." Then he smile. Inabante na na niya ang sasakyan at pupunta na kami sa lugar kung saan pwede kumain.
Halos malaglag ang panga ko nang tumigil ang sasakyan ni Suther sa Parking Lot ng isang Bar and Resto. Papa Dom's ang pangalan ng resto. It was located in Tagaytay. Kahit na medyo madilim ay tanaw ko ang isang grupo na nagkukumpulan dito. Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. Isang ngiti ang isinagot niya sa akin bago man siya lumabas hanggang sa pagbuksan na niya ako.
"Oh! Here they are!" Nangingibabaw ang boses ni Fae nang makita niya ako.
Ang lahat ay napatingin sa amin. Sabay silang lumapit para batiin kami. Medyo nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Fae. Binati din ako nina Naya at Pasha. Binati ko din sila pabalik na malapad ang ngiti.
Lumapit si Archie kay Suther saka nag-fist bump sila. "Kumilos na ang mga bata ko, don't worry. Sila na bahala sa kumag na iyon." Seryoso niyang sabi.
Bumungisngis si Kal. "Kupal kasi, binangga ka pa."
"Hala, anong meron?" Biglang sumingit si Naya.
Inakbayan siya ni Keiran saka hinalikan sa sentido. "Don't mind it, baby." Malambing niyang saad.
"Seryoso, Finn. Nakakaintriga." Dagdag pa ni Pasha.
"Uhm, it's all about Ho. It's not a big deal, don't worry." Sagot ni Finlay saka pinulupot niya ang kaniyang braso sa bewang ni Pasha. "Guys, let's go?"
Nasunuran na kami. Nakahawak sa kamay ko si Suther hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng naturang Bar & Resto.
"Ang akala ko ba, kakain tayo?" Bulong ko kay Suther nang nakaupo na kami.
"I forgot to mention it, my kitty."
Sa halip ay ngumiti lang ako. Naku, kung nalaman lang ni Guia ito, paniguradong magpupumilit na sumama iyon. Nakilala na niya ang magpipinsan ito, eh. At malamang ay isa sa mga ito ay crush na niya. Well, Guia is Guia, hindi ko rin masisisi ang isang iyon.
Pinili nila pwesto ay sa may bandang balkonahe. Para daw mafeel namin ang lamig dito. Pati na din ang makakain kami ng dinner bago daw inuman. My goodness! Bakit ko nakalimutan na mga party goer pala ang magpipinsan na ito?!
"Hoy! Chill lang tayo ngayon. Bawal muna hard!" Suway ni Fae habang nag-iingay dito sa may bandang mesa namin. Grabe!
Ano ba kasing meron bakit bigla sila nag-aya ng inuman?
"Wooh! Celebration para sa first day of school!" Natatawang sabi ni Vladimir.
"Game, order na!" Malakas na pagkasabi ni Kal. "On the way na si Flare dito. Bilis, bago man siya makarating dito, wala na siyang maabutan!"
Nagtawanan ang lahat. Parang familiar sa akin nag pangalan na iyon.
Ilang bucket ng beer ang inorder nila. Pati na din pulutan tulad ng sisig, buffalo wings, pati na din crispy pata. Madami, hindi ko alam kung mauubos namin ang mga ito.
"Kamusta ang first day mo, Laraya?" Tanong sa akin ni Archie.
"Okay naman. Tambak agad ng assignments."
"Wengya! Dapat pala hindi muna tayo nag-inom! May assignment pala si Laraya!" Bulalas nina Fae at Kal.
Ngumiti ako at naiiling. "Hindi, okay na. Nagawa ko an din naman siya kaninang vacant ko." Giit ko pa.
"Nga pala, Suther! Bakit hindi mo isama si Laraya sa racing sa Montecarlo?" Sabat ni Vlad saka nilagok ang isang bote ng beer.
"Kapag maluwag na ang oras." Sagot ni Suther.
"Nagre-race ka?" Usisa ko.
Ngumiti siya sa akin at bahagya niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Kaunti lang naman. "That was before, my kitty. For now, I'm busy and you are one of my priorities."
Pinipigilan kong ngumiti dahi sa totoo lang ay kinikilig ako. Shete.
Ilang saglit pa ay dumating na ang tinutukoy nilang Flare. Nalaman ko na bestfriend daw ito ni Keiran. Nag-aaral sa Lyceum sa Gen. Trias. Hindi tulad sa magpipinsang Ho, pinaghalong caucasian at asian si Flare. Ang akala ko ay suplado ang isang ito, pero hindi, nakipagsabayan siya sa kaingayan ni Kal!
"Suther?"
Natigilan kami nang may tumawag sa boyfriend ko sa bandang likuran namin. Base sa boses niya ay babae ito. Ang mga magpipinsan na nasa harap ko ay napatingala at umukit ang pagkabigla nang makita nila ang babae. Rinig ko ang iba sa kanila ay napamura, ang iba naman ay halos malaglag ang panga. Dahil sa curiousity ay nilingon ko ito. Kumunot ang noo ko nang tumambad sa akin ay isang chinita, maputi at balingkinitan ang katawan. Naka-crop top ito at high waist shorts.
"Jenna...?" Tawag ni Suther sa babae. Napataas-kilay ako. So, kilala niya pala ito.
Ngumuti ang babae. "What a coincidence! Narito ka rin pala..." Tiningnan niya ang mga kasamahan namin. "Kasama mo pala ang mga pinsan mo."
"Ang his girlfriend, of course." I heard Fae added.
Umaawang ang bibig ni Jenna saka tumingin sa akin. Tinititigan niya ako saglit saka bumaling kay Suther. "May girlfriend ka na pala. Ngayon ko lang nalaman." Saka mahina siyang tumawa.
Bakit parang nakakainsulto naman ang tawa ng babaeng ito?
Mas lalo pa niyang inilapit ang kaniyang sarili kay Suther. Literal nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang niyapos si Suther mula sa likuran. Like, what the f**k?!
"Damn it." Mariin at mahinang sambit ni Fae.
"Do you mind to join me at the next table?" Tanong niya kay Suther at talagang may pang-aakit pa sa boses niya!
Kita ko ang pagngiwi ni Suther. Alam kong gusto na niyang kumawala doon pero mukhang ayaw pa siya pakawalan nito. Dahan-dahan kong kinuyom ang aking kamao. Nanginginig ang kalamnan ko. Hindi ko masikmurahan ang aking nakikita. Nandidilim ang aking paningin.
"Sige na, Suther, please...?"
"I'm sorry, Jenna. I can't. Can you see? May girlfriend ako so..."
"Ano naman ngayon kung narito ang girlfriend mo?"
"Oh shit..." This time, ang mga pinsan na lalaki ni Suther ang narinig ko.
"Suther--" Hindi na niya matuloy pa ang sasabihin niya nang tumayo ako at pwersahan kong kinalas ang mga braso niya sa leeg ni Suther! "What the hell--" Bigla ko siyang tinulak at bumagsak siya sa sahig. "Ano sa palagay mong ginagawa mo, ha?!" Singhal niya sa akin.
Rinig ko ang tili at singhap sa paligid ko. I don't care, this b***h started it.
Walang sabi na tinapakan ko ang sikmura niya para hindi siya agad makatayo. Humalukipkip ako't taas-noo ko siya tiningnan. "Eh ikaw? Ano sa palagay mong ginagawa mo? Harap-harapan, lalandiin mo ang sa akin?"
Matalim niya akong tiningnan. Nanggagalaiti siya sa galit. "Let me go."
"No!" Matigas kong sabi. "Tell me, being a slut is your profession or are you just gifted?"
Napaawang ang bibig niya. "W-what? Ako? Slut?" Tumawa siya na panunuya.
"Bakit? Hindi ba? Eh anong ginagawa mo kanina? Hindi ako bulag!"
"I'm not a slut! I'm his ex-girlfriend!" Malakas niyang sabi.
I smirked. "So you're a chinese ex-girlfriend. Oh, you remind me of my chinese friend... Ug Li."
"What?!"
I rolled my eyes. "Hindi ka lang pangit, bingi pa." Bumaling ako kay Suther. "Seriously, naging girlfriend mo ito?"
"Bawiin mo ang sinabi mo!"
"Ayoko."
"Laraya..." Nag-alalang tawag sa akin ni Suther pero hindi ako nagpatinag.
"Remember this, b***h. I am his girl. You can touch everything but not my boyfriend." Then I flipped my hair. "Hate me, envy me, rate me, bottom line, you aren't me." Tinalikuran ko na siya.
"How dare you!"
Nilingon ko pa siya pero natigilan siya. "Mas matanda ka sa akin, hindi ba? Act according to your age, not your shoe size." Binawi ko ang aking tingin saka bumalik sa inuupuan. Sumipol si Kal at Vladimir. Natawa naman ang iba maski ang ibang costumer.
"Argh!" Rinig ko pa mula sa kaniya. Siguro naman umalis na siya.
"Woah. Ang fierce din pala!" Natatawang sabi ni Fae na pumapalakpak pa.
Tumingin ako kay Suther. Dinuro ko siya na ikinagulat niya. "Layuan mo ang babaeng iyon. Ang landi, eh."
Ngumiti siya ng matamis saka hinalikan ang aking sentido. "Understand, my kitty."