Kabanata 5

2048 Words
Enough After lunch na ako nakauwi. Hindi na ako nasamahan ni Richart dahil hinahanap na sya sa palasyo. Sinalubong ako ni Charlene na malaki ang ngisi. "How's your date with the Crown Prince?" tanong nya habang naglalakad kami papasok ng kanilang mansyon. "Okay lang, marami syang sinabi sa akin na makakatulong para ma-impress ang reyna," sabi ko at ngumiti. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng Principe na ako gusto nyang maging reyna nya. Pero syempre hindi ko sasabihin iyon kay Charlene. Kahit mamayang 3pm pa ang Royal Tea Party ay maaga pa rin akong ginising ni Charlene para makapag-rehearse daw kami. "Kung ano man ang sinabi sa iyo ni Principe Richart na sa tingin mo ay makakatulong, siguraduhin mong nakasunod sa sinasabi ng Reyna." Tumango ako. "Oo naman, hindi naman ako magsasabi-sabi doon." Bigla akong kinabahan nang makita ang sarili kong nakabihis at handa na sa party. "Sana lang ay magustuhan ng Reina ang suot mo. Siguradong mangingibabaw ka dahil kakaiba ang suot mo. Pero ang ganda at mukhang komportable. I must try that some time," sabi ni Charlene habang iniikutan ako. Hinatid ako ni Antonio sa Palacio Real Cordanciense (Cordancian Royal Palace.) Sa Jardín Real de la Reina (Queen's Royal Garden) gaganapin ang Royal Tea Party. Maaga pa at mukhang ako pa lang ang nandoon. Buti na lang at nadala na ako ni Richart dito, at least hindi na ako parang ewan na naghihintay dito. May isang mahabang kulay puti na tea table na may magandang mantel. That nice wide umbrella gives the setting a shade. Maganda ang klima rito sa Cordancia. Hindi masyadong mainit o malamig, pero sa tingin ko ay mas nangingibabaw ang lamig kaya komportable silang isuot yung victorian dress na iyon. Napatayo ako ng tuwid nang dumating si King Reymond kasama si Richart at Yoseph. Marami pa silang alalay na kasama kaya mukhang crowded ang buong garden. Napatingin sila sa direkson ko kaya kaagad akong napayuko. Naramdaman kong naglakad sila papalapit sa akin. Humigpit ang hawak ko sa aking dalang purse. Shemay! Hindi ako handa rito. "Buenas tardes, jovencita. Debes ser uno de los pretendientes del príncipe heredero. (Good afternoon, young lady. You must be one of the Crown Prince's suitors.)" sabi ng hari. Naangat ko ang tingin ko. Patay na, hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Tumingin ako kay Richart na tumatango. Sinubukan kong itindihin ang buka ng kanyang bibig. Tumango ako nang maintindihan. "Sí, Su Majestad," sabi ko. Nakita kong ngumiti ang hari kaya napangiti rin ako. "What's your name?" tanong ulit ng hari. "Iesha Valderama y Martinez, from the House of Lopez, Sir." Tumango ang hari at kumunot ang noo pagkatapos. "You kinda popular with the Principes. I always hearing them talking about you. Where are you from?" Pinigilan ko ang panginginig. "I am from Portuguese but I was raised in America." "I see America and the United Kingdom on how you dressed. I'm impressed that someone wants to stand out by wearing half modern and half vintage dress. Keep it up and nice to meet you, Lady Iesha." Ngumiti ako. "Me too, Sir. It was so nice to meet you." Tumango ang hari at nagsimula ng maglakad paalis pero napahinto rin nang hindi makita si Richart na sumusunod. "Come on, Principe Richart," sabi nya. Humarap sa kanya si Richart at yumuko. "Can I have a second, your Majesty?" Tumingin sya sa akin pagkatapos sa anak nya. Tumango-tango sya. "Okay," sabi ng hari at umalis na kasama ang kanyang mga alalay. Naiwan si Richart habang si Yoseph naman ay nasa malayong dulo ng garden. Tumingin ako kay Richart na malaki ang ngiti. "Hi!" bati ko. "Hello, you look very pretty on that dress," sabi nya at yumuko at hinalikan ang likod ng kamay ko. "Ganyan ka rin ba sa ibang babae, mahal na Principe?" Ngumisi sya. "No, I'm just showing this on one particular lady." "And who's that lucky lady?" Lumapit sya sa akin at hinawakan ang beywang ko. Luminga ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Pero swerte yata kami ngayon dahil ang mga kaninang nag-aayos sa tea table ay wala na. "Can I kiss you, my lady?" Pinagdikit nya ang aming noo. Naamoy ko na hininga nya na sobrang bango. Ganito pala ang amoy ng hininga ng isang prinsipe. "Richart, what are we? Are we friends?" mahinang tanong ko. "I think we are more than friends." At bago pa nya maibaba ang labi sa akin ay narinig na namin ang mga boses ng ibang manliligaw. Kaagad kaming naghiwalay ni Richart at lumayo sa isa't-isa. Naunang dumating si Prinsesa Astra na sa mula sa loob ng palasyo. Doon sya nakatira dahil isa syang Royal Guest. Sunod na dumating si Duchess Clarita kasabay si Duchess Isabela. Magkasunod namang dumating si Sheriyle at Camille. "Mukhang tapos na ang alone time natin," sabi ko kay Richart. "Yeah, kahit hindi kita nahalikan ay masaya na akong nakausap ka. I have one more thing to say so you can impress the Reina. If she asks what another thing that symbolizes the Kingdom except for its flag. You should answer its Royal Seal," sabi nya at inabot sa akin ang isang pin. "That is Cordancia's Royal Seal. I have one too in my suit. It represents the Kingdom's wisdom, Paz, Verdad, and Amor. The dove symbolizes Paz which means Peace. The torch symbolizes Verdad which means Truth. And this ancient symbol symbolizes Amor which means Love. The pink symbolizes the Cordancian Fruit Gem, the Peach. Only a few knew the meaning of the Royal Seal." Tumango ako at ngumiti. "Thank you for this." "Good luck," sabi nya bago tuluyang umalis. Kita ko ang pagsalubong sa kanya ni Prinsesa Astra. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil Espanyol ang pag-uusap nila. Ang sabi sa akin ni Charlene ay mas malaki ang tsansa ni Prinsesa Astra dahil magandang alliance iyon para sa parehong bansa. Kung titignan ko sila ngayon ay bagay na bagay nga sila. Pareho silang pinalaki sa loob ng palasyo. Kung si Astra ang magiging reyna ni Richart ay siguradong magkakaintindihan kaagad silang dalawa. Pero more than friends daw kami sabi ni Richart, anong ibig sabihin nya roon? Nagpaalam na si Richart kay Astra. Tumingin pa sya sa akin ng isang beses bago tuluyang umalis. Lumapit na ako sa limang babae. Tinabihan ko si Camille. Ngumiti sya kaagad ng makita ako. "Hola, Lady Iesha!" masaya nyang sabi. "Hola!" bati ko pabalik. "I feel so nervous, you know. This is my first tea party with the Reina. I hope it will end in a good way," sabi nya habang nakahawak sa dibdib. Napatingin sya sa suot ko. "That's a lovely dress. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng pumunta sa Royal event na ganyang ang suot. Mostly kasi victorian dresses na sobrang hirap isuot. Did you know that I woke up early para lang masuot kong mabuti ang damit na ito." Ngumiti ako. Buti na lang at hindi ako nag-iisa na naiirita sa damit na iyon. "Ako rin kaya, n-irequest ko sa mga Lopez na ganito ang ipasuot sa akin." Tumango sya. "I should try that some time." "Buenas tardes. At any minute the Reina will arrive. Please be prepared," sabi ng isang naka-formal dress na babae. Bumulong sa akin si Camille. "Do you know her?" Umiling ako. "Hindi, sino ba sya?" "She's the Queen's most trusted assistant. I heard that she is also the Queen's best friend from England." Parehas kaming napatayo ng tuwid nang i-announce na paparating na ang Reina. "Ladies, Reina Victoria of Cordancia, Duchess of Consuegro." Yumuko kaming lahat at sabay-sabay na bumati. "Buenas tardes, Su Majestad." Ngumiti ang Reina at naglakad na patungong tea table. Sumunod kami. Umupo ang Reina sa pinakadulo ng lamesa. Sa left side nya ay si Princess Astra at sa right naman ay Duchess Clarita. Katabi ni Princess Astra si Duchess Isabela. Katabi naman ni Clarita si Lady Camille na katabi ko. Katapat ko si Lady Sheriyle. "It's so nice to meet you, young ladies. One thing that I noticed first is how you dress, Lady Iesha. I like your pink pastel dress." Ngumiti ako. "Thank you, ma'am. I like how you dress too." Ngumiti sya pabalik. Lumapit sa amin ang pitong royal maid at nilagyan ng peach tea ang aming teacup. "Muchas gracias," sabi ko sa maid. Nagulat sya pero kalauna'y ngumiti rin. Nang matapos uminom ng isang higop na tsaa ang Reina ay sumunod na kami. Nilagyan ko ng gatas at asukal ang sa akin pagkatapos ay ininom. Inapply ko na lahat ng natutunan ko sa lesson namin ni Charlene. "Ma'am, the King of Nydonia wants to send you some invitations for Royal Fashion Week in our Kingdom," sabi ni Princess Astra at inabot ang isang magandang invitation. "Say to the King that I will definitely go. This is so nice. Thank you, Princess Astra." "It's Nydonia's pleasure, ma'am." Tumikhim si Clarita kaya naagaw nya ang atensyon ng reyna. "I brought something from Perene. It's our own recipe using Cordancian Fruit Gem," sabi nya at tinawag ang kanyang assistant. Lumapit ito na may dalang maliit na basket. Nilapag iyon ni Clarita sa mesa at binuksan. Nilabas nya mula sa basket ang cookies na nakabalot sa isang magandang tela. "This is the Perene's specialty the Peach-flavored cookie. Made by our finest chef." Binigyan kami ng mga maid ng tig-isang piraso. Tinikman ko iyo at napatango. Masarap nga! "Thank you for this, Clarita. I miss going to Perene," sabi ng reyna. "You can visit anytime, ma'am. Anytime you want, you are always welcome there." Ngumiti ang reyna at tumikhim. "By the way ladies, I have a special question for all of you. The lady who answers correctly will receive this special hairpin. This hairpin will recognize by the Royal Guards and Maids, like a tiara, it has power. So answer wisely." Tinignan ko ang hairpin na may disenyo kagaya ng sa kulay ng Royal Seal. Ito na siguro ang sinasabi ni Richart. "What is the question, ma'am?" tanong ni Duchess Isabela. "Okay, what is the thing that represents the Kingdom except for its flag?" tanong ng reyna. Unang sumagot si Princess Astra. "I think its people, ma'am." Sumunod si Clarita. "Its food, ma'am." "It's the way that people dress there." sagot ni Isabela. Sunod ay si Sheriyle. "It's King and Queen." "Its land itself, ma'am." sagot ni Camille. Tumingin sa akin ang lahat pati na ang reyna inaabangan ang sagot ko. Huminga ako ng malalim. "It's The Royal Seal, ma'am," sagot ko. Natigilan ang lahat na parang hindi inaasahan ang sagot ko. Pumalakpak ang reyna at ngumiti sa akin. "I'm not expecting it from you, Lady Iesha. You got the correct answer. It's the Cordancia's Royal Seal. Very good." sabi ng Reyna at tumayo. "Go to the Queen, Iesha. Congratulations," bulong sa akin ni Camille. Tumango ako at ngumiti. Tumayo ako at lumapit sa reyna. Ngumiti sya sa akin. Binaba ko ang sarili ko para maisuot nya ang hairpin. Pumalakpak ang lahat. "Thank you, ma'am." Bumalik kami sa aming kanya-kanyang pwesto at tinapos ang pagkain. Nagbigay ng regalo ang ibang suitors. Puro magagara at mukha mamahalin. Nahiya naman ako bigla sa ibibigay ko pero alam kong magugustuhan ito ng reyna. Nilabas ko ang isang basket na may lamang apple. Bawat isang apple ay may nakadikit na inspiring message. Mayroong thirty apples ang basket kaya magtatagal ito ng isang buwan. Mahinang natawa ang dalawang duchess sa regalo. "Why are you giving me apples, Lady Iesha?" tanong ng reyna. "Because an apple a day keeps the doctors away. I want you to be healthy everyday, ma'am. This basket has thirty apples that you can eat for a month." nakangiting sabi ko. Inabot ng reyna ang isang apple. "You know what, I really love apples. I love it than peaches," sabi ng reyna. I know, your Majesty. "Very well, I think the party is over. Congratulations to you, Lady Iesha and thanks to all of you. I hope the future king can choose what is the best for the Cordancia. Adios!" sabi ng reyna at tumalikod na sa amin. Sumunod sa kanya si Princess Astra at masaya pa silang nagkwentuhan. Nalungkot ako. It's clear that the Queen wants him to choose Princess Astra. Although I know that I impress the Queen, it will never be enough.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD