Kabanata 6

2158 Words
Trust Habang hinihintay ko si Antonio na sunduin ako ay hinayaan ako ng mga Guardias Reales (Royal Guards) na maghintay sa loob ng bakuran ng palasyo. Tahimik ang buong paligid, hindi ako sanay. Parang ang lungkot. Naglakad-lakad ako sa harap ng palasyo. Hindi ka pwedeng pumasok kung hindi ka inimbitahan. Mabilis akong napatingin sa paanan ko ng may maramdamang mabalahibo na dumikit sa akin. Isang mabalahibong pusa na kulay abo ang sumisiksik sa pagitan ng mga paa ko. Umupo ako para makita sya nang mabuti. Ang cute! "Hola!" bati ko sa pusa. Hinaplos ang mabuhok nyang katawan. Tinignan ko ang kanyang collar na may pangalan. "Alex. You are Alex. Hello, Alex." Sumagot ang pusa na para bang naintindihan ang sinabi ko. Masyado akong nalibang sa maamong pusa kaya hindi ko napansin ang pagdating ni Richart. Nagulat pa ako ng makihaplos rin sya sa pusa. "Glad you already met Alex," sabi nya at ngumiti sa akin. "He's a good cat. Hindi nya ako kinarmot." Tumango sya at kinarga si Alex.Tumayo sya kaya tumayo na rin ako. "How's the future queen of Cordancia, Alex? Isn't she beautiful? Do you like her, huh?" kausap nya sa pusa. Sumagot ang pusa kaya natawa ako. "How sure are you, Prince Richart, that I will be the future Queen of Cordancia?" nakangiting tanong ko. "Because I will choose you. The events are just a waste of time, I already pick one on my suitors," taas-noong sabi nya. Biglang akong nalungkot at nangamba sa lahat. Sa pagsisinungaling ko sa pagkatao ko, sa babalikan kong buhay sa Pilipinas kung sakaling hindi man ako ang piliin ni Richart. "Bakit naging ganyan ang mukha mo? May nasabi ba akong mali? You don't want to be my queen?" nag-aalalang sabi nya at lumapit sa akin. Bumuntong-hininga ako. "I'm just worried, Richart. What if someone found out my true identity? What will happen to me? To the Lopez? We will get punished, right?" Huminga sya nang malalim at dahan-dahang tumango. Nag-iwas ako ng tingin. "But don't worry, my lady. When I become the King of Cordancia, I can hold anything. I will change the rules," sabi nya at inabot ang braso ko. Hinila nya ako patungo sa sulok ng hardin at binaba si Alex. Sinundan ko ng tingin ang pusa ng maglakad ito palayo. "What rules are you talking about?" tanong ko. Hinuli nya ang tingin ko at hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay. "There are two rules about how to choose the right bride for a king. The first one is, the King should not marry a commoner." Tumango ako. I'm a commoner, tindera nga lang ako sa palengke at hindi man lang nakatapos ng pag-aaral. Iniwas ko lalo ang tingin ko. "Iesha, please don't be like this. The second is, the King should not marry a Filipino Citizen." Tuluyan nang tumakas ang mga luha ko sa aking mga mata. Double strike na iyon. Pinapaalala ng mga rules na iyon na hindi talaga kami pwede. "I'm a commoner and a Filipino, Richart. I think I am not suitable to be a Queen." Iniwas ko ang mukha ko nang subukan nyang punasan ang luha ko. "Yes, you are. You are to me, Iesha. You're my queen for me. Please." Inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin. "But how about the people of Cordancia? Hindi nila ito matatanggap, Richart. They will get angry kapag nalaman nila ang mamumuno sa kanila ay isang babaeng galing sa Pilipinas. Hindi nila matatanggap kahit kailan." Napaupo ako sa my ugat ng malaking puno ng peach. Umupo rin sya para mag-pantay ang aming tingin. "How about me? Malulungkot ako, Iesha. Hindi ko kayang makasama araw-araw ang isang babaeng ayokong maging reyna ko. Paano ako? I want you, Iesha." Matalim ko syang tinignan. "Forget being selfish, Richart. You are a future king, you should think about what is good for your people. Not for yourself. You should marry Princess Astra for the good alliance." Nahampas nya ang katawan ng puno dahil sa inis. "You don't tell me what to do, Iesha. Yes, I am the future king and I can do everything. Watch and I will make you mine," sabi nya at tinalikuran na ako. Naiwan akong nakanganga. Nababaliw na sya at pati ako nababaliw na. Bakit masaya pa yata akong lalabagin nya ang batas ng kaharian nila para sa akin? Dumating si Antonio na malaki ang ngiti nang makita ang hairpin na nasa buhok ko. "I know that hairpin. Its symbolizes honor, the Queen honors you," sabi nya. Umuwi kami at gaya ng inaasahan ko ay tuwang-tuwa si Charlene. Kaya lang... "Paano kapag nalaman nila ang totoong ako? Anong mangyayari sa inyo?" tanong sa kalagitnaan ng pag-sasaya nila. Nagkatinginan silang magkapatid at sabay ding tumingin sa akin. "We're over. Siguradong malaking kaparusahan ito pero dahil malakas ang impluwensya ng mga Lopez sa Royal Council baka ipa-deport ka lang tapos hindi ka na makakabalik dito at ban lang kami ng isang taon sa mga Royal Gatherings. So don't worry," sabi ni Charlene. Tumango ako, mas mabuti iyon. Kapag hindi na ako makabalik rito, makakalimutan rin ako ni Richart at babalik ako sa dati kong buhay sa Pilipinas. "Eh, paano naman kapag hindi ako ang napili? Anong mangyayari sa inyo at doon sa problema nyo?" Sumagot si Antonio. "We need to look for another solution. Hindi ko hahayaang mawala lahat ng pinaghirapan ng mga ninuno namin. At promise ko iyon sa daddy namin bago sya mamatay." Tinapik ni Charlene ang balikat ng kapatid. Now I understand how desperate he is. Akala nya siguro may something sa akin si Richart noon kaya naisip nya siguro na kapag nanligaw ako ay malaki ang tsansa kong mapili. But this is wrong... Kumatok sa nakabukas na pinto ang head butler. "The Principe Heredero has arrived, Lord Antonio," sabi nito. Kaagad kaming nagpunta kung nasaan si Richart. Nagtama ang tingin namin pero kaagad ko rin iyong iniwas. "Buenas Noches, Principe Richart. It's our pleasure that you are here. What can we do for you?" sabi ni Charlene. Naagaw ang atensyon ko ng kanyang kasama. Tumalon iyon mula sa pagkakahawak nya at lumapit sa akin. Kinarga ko si Alex at hinaplos ang kanyang malambot na balahibo. "I just want to talk to Lady Iesha. I want to apologize, I said something that I think got her mad," sabi ni Richart habang nakatingin sa akin. "Sure, you can talk to her. We will give you some privacy," sabi ni Charlene at hinila palabas ang kanyang kapatid. Inaya nya akong umupo sa kanyang tabi pero mas pinili kong umupo sa tapat nya para may distansya pa rin kami. "Okay, I get it. You are mad. Sorry for the harsh words earlier. I'm just upset. Do you really want me to choose Princess Astra? Do you really mean it?" Nakatulala lang ako at hindi sumagot. Gusto ko ba talagang piliin nya si Astra? This is my first time to feel this feeling kaya hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Dapat bang itulak ko sya palayo dahil yun ang dapat? O kailangan kong pakinggan kahit isang beses lang ang puso ko? Napatingin ako kay Alex na nakatingin rin pala sa akin. Hinihintay rin siguro ang sagot ko. Huminga nang malalim si Richart ng hindi mahintay ang sagot ko. "Alex is the Royal Pet. He was a gift from the King and Queen of Qardosh. The fifth Prince was the one who gave him a name. He is a British Shorthair cat. A very tame cat." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo sya sinama?" "The Queen asked me the bring him far away from the palace for a while. Princess Astra is allergic to cats. But I love Alex, can you take care of him for me?" Tumingin ako kay Alex na nakatingin pa rin sa akin. "Do you want me to take care of you, Alex?" tanong ko sa pusa. Mas lalo syang sumiksik sa katawan ko parang sinasabi nyang gusto nya sa akin. "Okay, I will take care of him. Ano ba ang mga kinakain nya?" tanong ko. "Don't worry about it, I will send cat foods and milk for him. Thank you, I just need someone to look after him once I leave." Napatangin ako sa kanya. "Saan ka pupunta?" "The King sends me to the International Royal Kingdom Meeting as a representative of Cordancia. I will be gone for a week. You are the first person that came to my mind to take care of Alex. You can bring him to the Royal Events if you want, he's a very good cat." sabi nya Tumango ako at natahimik ulit. "I know it's a little late for a date but can I ask you to go with me tonight with Alex? I just want you to show something." Biglang tumayo si Alex at pumunta sa kandungan ni Richart. Natawa ako. "Looks like Alex wants to come. Then I'm in." Napangiti ng malaki si Richart. Tumayo sya habang hawak sa isang kamay si Alex at inabot sa akin ang isa. Nakangiti ko iyong inabot. Dumaan ang kami sa mapunong lugar sakay ng kanyang sasakyan na minamaneho ni Yoseph. Naging matarik ang daan at mukhang paakyat na kami sa bundok. Huminto ang sasakyan nang hindi na nito kinaya ang taas. "Your Highness, mukhang hanggang dito na lang po ang sasakyan," sabi ni Yoseph. "It's okay, it's near, by the way. We can walk there from here," sabi ni Richart at binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaba na rin ako at muntik pang matumba ng hindi kaagad ako nakabalanse. Buti na lang at nahawakan kaagad ako ni Yoseph. Ang bilis naman nito. "Be careful, Lady Iesha," mahinang sabi nya at binigay sa akin si Alex. "Thank you." Tumikhim si Richart kaya kaagad inalis ni Yoseph ang pagkakahawak sa akin at mabilis na lumayo. Lumapit sa akin si Richart at hinawakan ang beywang ko habang nakatingin pa rin kay Yoseph. "Where are we going?" tanong ko kaya napatingin sya sa akin. "Come on, you'll see it's beautiful," sabi nya at giniya ako paakyat ng burol. "Wow!" nasambit ko na lang ng makita ang night view ng Cordancia. "Come here, my lady." Napatingin ako kay Richart na nasa ilalim ng puno na may puntod? "This is my grandfather's grave. He wished to be buried here so he can still see the whole Cordancia. He loves this kingdom so much that he will do anything to protect it. He's one of the good kings Cordancia used to have," sabi nya habang inaalisan ng mga tuyong dahon ang puntod ng kanyang lolo. "You're going to be a good king, too. You love your kingdom, you do the right thing for it." "But what if I do things that make the Kingdom weak? What if I disappoint the people because of my decisions? You know that this is not the life I wanted. I never got a chance to prepare myself. One day, I just woke up that I am the future king. All my life I wished to be a normal person, I once wished that I can do anything that I want without being criticized. But this title always reminding me that I can't," malungkot nyang sabi. Binaba ko si Alex at walang sinasabing niyakap sya. He needs it. He was pressured. "Stop doubting yourself, destiny didn't bring you here for nothing. Because God knows that you will be a great leader. No one knows why your older brother abducted the crown, but look at the brighter side. You will be a king because He wants you to do something that your brother cannot do. You will become a king that makes history. Believe me, because I already feeling it." He hugs me tighter. "Thank you for believing in me. This is one of the reasons why I want you in my life. You always believe in me." Kumalas sya sa aking yakap at hinawakan ang mga kamay ko. "I will be gone for more than a week. There's this rumor that spreading in the whole kingdom that I always favor you which is kinda true. So, many eyes are watching you now, some will threaten you but don't be afraid. Even I am far away I will ensure your safety." Tinawag nya si Yoseph na nasa malayong sulok. "Yoseph will not come with me. He will your guard for the meantime." Umiling ako. "You don't have to do this. I have the Lopez, they will protect me I'm sure." "No, in this way I will be at peace. So let me do this, please." Humarap sya kay Yoseph na nakayuko. Mas matangkad pala sya kay Richart. "I give you my trust to protect her no matter what. When I come back, give her back to me unscratched." "It's my honor, Your Highness," sabi ni Yoseph at nag-bow. Bumalik sa akin si Richart at bumulong sa aking tenga. "Don't fall in love with someone else while I am away."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD