Wise
"Paalam."
Pumasok na ako sa loob ng mansyon ng mga Lopez pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa. Aalis na sya bukas kaya baka hindi na kami magkita. Binilin nyang dalhin ko si Alex bukas sa Royal Palace para makita sya ng Reina.
"Akala ko hindi ka na uuwi," nakangising sabi ni Charlene na nakapangtulog na.
"Bakit naman ako hindi uuwi?"
Nagkibit-balikat sya. "Baka tinanan ka na ni Principe Richart."
Umiling ako at natawa sa sinabi nya. Hindi naman gagawin iyon ni Richart, kung sana ay normal lang syang tao at walang umaasa sa kanya...
Hindi kaagad ako nakatulog ng gabing iyon dahil iniisip ko ang mga nangyari. Inisip ko rin kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Richart.
Napaupo ako sa kama at hinawakan ang puso kong biglang lumakas ang t***k. Yes, I like him. His blue eyes that shine the first time I saw him. That muscular body, his perfect teeth that show whenever he smiles. He's so handsome.
Ang swerte ko na lang at gusto nya ako. Sinubukan kong matulog dahil pupunta pa ako ng palasyo bukas.
Nang makita ako ng mga Royal Guards ay kaagad nilang binuksan ang malaking tarangkahan at pinapasok ang sasakyan namin ni Antonio.
Hinaplos ko si Alex na tahimik sa kandungan ko. Bumaba ako ng sasakyan karga si Alex at nagpaalam kay Antonio. Hindi pa ako nakakaharap sa palasyo ay...
"Alex!"
Kaagad akong napalingon at nakita ako ang anim na lalaki na papalapit sa akin. Ang isa ay tumatakbo at masama ang tingin sa akin kaya napatakbo rin ako.
"You kidnapped our Alex! Give him back to us!" sigaw nito at hinabol ako.
"I didn't kidnap Alex. I am his temporary caretaker! Stop chasing me, please!" sabi ko at patuloy lang sa pagtakbo.
"Stop chasing the lady, Raguel. I know her," sabi ng isa sa limang lalaki na nanonood lang sa amin.
Napahinto si Raguel sa paghabol sa akin at tinitigan ako.
"I know her too, hermano mayor! (Older brother!)" sabi ni Raguel.
Lumapit sa akin ang anim at kaagad akong napayuko ng makilala sila. Ang anim na Principe ang nasa harap ko ngayon.
"Buenas dias, Su Altezas," sabi ko habang nakayuko.
"Buenas dias, Lady Iesha. You can rise your head now."
Sinunod ko ang kanilang sinabi. Anim na gwapong ang sumalubong sa akin. Pare-parehas sila ng suot pwera lang sa necktie.
"I'm sorry for the Sixth Prince, he didn't mean it. He just missed Alex that much. I am the Seventh Prince, Principe Rachim."
Lumapit sya sa akin at inabot ang kanyang kanang kamay. Natulala lang ako sa kanya.
"Ikaw yung nang-iwan sa trono kaya napunta kay Richart este Principe Richart," sabi ko at tinanggap ang kamay nya.
"Yes, that's me."
Bigla syang nawala sa harapan ko nang itulak sya ng isa pang prinsipe.
"Hola, I am the fourth prince, Principe Raviro. Nice to meet you, Lady Iesha, and thank you for taking care of our Alex."
"Nice to meet you too, Principe Raviro and you are welcome."
Sumiksik rin ang tatlo pang principe.
"I bet you already know me."
Tumango ako kay Principe Reynard, nakilala ko sya sa unang grand ball na dinaluhan ko dito sa Cordancia.
"Principe Rafaelle, the fifth prince."
Inabot ang kamay ng pang-limang prinsipe at nginitian sya.
"Principe Reneesh, the third prince."
Tinulak-tulak naman nila ang pang-anim na prinsipe na ayaw lumapit sa akin. Nahiya yata.
Nakasimangot ito at padabog na inabot ang kamay sa akin.
"Principe Raguel, the sixth prince. Nice to meet you, Lady Iesha," sabi nya.
Mabilis lang kaming nag-shake hands at kaagad din syang lumayo. Ang arte naman nito!
May sasabihin pa sana si Principe Rachim nang bigla silang napaayos ng tayo. May sinesenyas sila sa akin na hindi ko naintindihan.
"Ano bang ginagawa nyo?" tanong ko.
Napatalon ako nang biglang may nagsalita sa likod at ng lumingon ako ay nanlaki ang mga mata ko.
"Your Majesties," sabi ko at napayuko kaagad.
"I can see that you are the one that Principe Richart asked to take care of our Alex," sabi ng hari at napatingin sa karga kong pusa.
Binaba ko si Alex at kaagad itong nagpunta sa Reina.
"Thank you, Lady Iesha. You're so generous," sabi ng Reina at hinaplos si Alex na karga na nya.
"It's my pleasure, ma'am."
"I wonder why Principe Richart chose you to be Alex's caretaker while he was away. And some of my guards said that Yoseph, he's Royal Guard, was spotted to the House of Lopez this morning."
Yumuko ako para hindi magtama ang mga tingin namin.
"Maybe because Lord Antonio is Principe Richart's friend and Yoseph was there to make sure that we really take care of Alex. As I see, Alex is so dear to all of you. It's really nothing, Sir." kinakabahang sabi ko.
Tumango-tango lang ang hari.
"Can we invite you for breakfast or tea?"
Naangat ko ang tingin ko at ngumiti.
"Sure, sir. Thank you for your invitation."
Pinapasok nila ako sa loob ng kanilang Royal Palace. Hindi ko masabi na old fashioned ang disenyo ng loob dahil ganoon ang labas, itong loob ay parang pinaghalong modern at old design. Puro gold at marmol ang nakikita ko, halos pwede na akong magsalamin sa sahig. And, wala akong masabi. Mayamang bansa talaga itong Cordancia.
Para akong tangang lingon nang lingon sa paligid. Medyo nahuli na nga ako sa paglakad kaya nilingon na ako ni Principe Raguel.
"Faster, Lady Iesha," nakasimangot na sabi nya at inirapan pa ako.
Binelatan ko muna sya bago ako naglakad sa likod nila. Salbahe naman talaga ng prinsipeng ito.
Nakarating kami sa dinning area ng palasyo at nalula ako sa haba ng lamesa. Parang mapapaupo na rito ang buong baranggay namin.
Dumating rin si Princesa Astra na nakapostura at c-in-areer ang victorian dress.
Hindi na ulit ako magsusuot ng ganyan!
"Buenos días, Rey Reymond, Reina Victoria y siete Príncipes," masayang sabi nya at napatingin rin sa akin.
"You too, Lady Iesha," sabi nya at nginitian ako.
Pansin ko ang tingin nya kay Principe Rachim at pagpula ng kanyang mukha. Hmm, I smell something...
"Let's eat. I'm starving," sabi ni Principe Reynald habang nakahawak sa tiyan.
Pinasa ni Queen Victoria si Alex sa isa sa mga butler at sumunod ng umupo sa hari.
Nagsiupo na kami lahat. Katabi ko si Princesa Astra kaya bigla akong na-insecure. Napaupo ako ng maayos at ginaya ang kanyang postura.
Okay, makaka-survive naman siguro ako dito. Wala pa pala akong alam sa mga ganitong kainan.
Kinabahan ako. Buti na lang at mahilig akong manuod ng video sa Youtube about Royals. Kailangan ay hintaying makasubo ang hari o reyna bago kami magsimulang kumain.
Sumubo na ang reyna kaya nagsimula na kaming kumain. Ang susunod ko namang problema ay ang paggamit sa mga kutsarang ito, sampu yata ang kutsara na may iba't-ibang size.
Pasimple kong tinigan si Princesa Astra at ang kanyang ginagamit na kutsara. Yung pinakadulo ang kanyang ginamit kaya ginaya ko sya.
Napatingin ako kay Principe Raguel na katapat ko. Pigil ang kanyang tawa habang nakatingin sa akin at sumubo na lang nang makita akong nakatingin sa kanya.
Nagtaas ako ng kilay. Anong problema nya?
Nahalata nya kayang hindi ako marunong at nangongopya lang?
Nagtagis ang bagang ko. Nakakainis sya, ah!
Hanggang sa matapos ang breakfast with the Royals ay nangongopya lang ako at panay lang ang tawa ng Principe Raguel na ito. Ilang beses ko pang hiniling na sana mabulunan sya.
Inimbitahan ako ng reyna sa kanyang garden kasama si Princesa Astra.
"How's your first day with Alex, Lady Iesha?" tanong ng reyna.
"He was behave all night. He's a gentle cat, ma'am. I think I will never have any problem with him," sagot ko.
Tumango ang reyna.
"Sorry for bugging you to take care of Alex, I have a strong allergy with cats. I will die if stay too close to him," sabi ni Princesa Astra.
"It's okay, Princesa Astra. You don't have to worry about it. I love taking care of Alex."
Ngumiti sya. Tumagos ang tingin nya sa akin nya sa akin kaya napatingin ako sa aking likuran.
Kaya naman pala, si Principe Rachim ay papalapit sa amin. Gwapo nga sya, actually lahat naman sila. Nakakainis lang yung ika-anim na prinsipe.
Humarap ako sa Reina at yumuko.
"Ma'am, I need to go now, thank you for your company," sabi ko at tumayo na.
Tumayo rin sya. "Okay, I hope you can join us again. Thank you for taking care of Alex. One of the guards is waiting for you in the gate, he will give you Alex and his foods," sabi ng Reina.
Umalis ako at naglakad patungo sa kanilang malaking gate. Binigay sa akin si Alex at ang kanyang mga pagkain.
"Ako na ang magbubuhat."
Napatalon ako ng biglang sumulpot si Yoseph.
"Huwag ka namang nanggugulat. Tsaka wala pa naman si Antonio. Ite-text ko sya, sandali lang."
Pero bago ko pa matipa ang pangalan ni Antonio ay pinigilan na nya ako.
"Ako na ang maghahatid sa iyo. 'Wag mo na syang abalahin at may ginagawa sya," sabi nya.
Tumango ako at tinago na ang aking cellphone. Binuhat nya ang mga dala ko sa loob ng kanyang sasakyan.
Pinagbuksan nya ako ng pinto. Kaagad akong sumakay at nilagay sa lap ko si Alex.
Nagsimula syang magmaneho at nagsimula rin ang sobrang awkward na atmosphere.
Sobrang tahimik naman kasi nitong si Yoseph. Hindi ako sanay na walang kausap.
"Kamusta na daw si Richart?" tanong ko sa kanya.
Nagtagis ang bagang nya bago sinagot ang tanong ko.
"Maayos na nakarating ang Principe sa kanyang pupuntahan. Mamaya raw ay baka tawagan ka nya, Lady Iesha," sagot nya.
Ngumiti ako. Buti naman.
Nasa kalagitnaan kami ng mapunong lugar nang biglang tumirik ang sinasakyan namin.
"Anong nangyari, Yoseph? Nasira ba ang sasakyan?"
Hindi nya ako sinagot at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tinignan nya ang makina nito at may kinalkal roon.
Bumaba naman ako habang karga si Alex. Nakakatakot ang lugar na ito, puro puno at madilim na kung pupunta ka pa sa mga iyon. Itong kalsada lang ang maliwanag at wala pang masyadong dumadaan na sasakyan. Sino kaya ang may balat sa pwet sa amin ni Yoseph?
O baka naman si Alex?
Natawa ako sa naisip. Lumapit sa akin si Yoseph na malungkot ang mukha.
"Kailangan natin ng tulong. Nasira ang sasakyan at hindi ko kayang gawin. Tumawag na ako pero baka matagalan pa daw ng konti. Ayos lang ba iyon sa iyo?" tanong nya.
Bahagya akong natawa nang makita ang itim na dumi sa kanyang mukha.
Tumango ako. Kumunot ang kanyang noo.
"Anong nakakatawa, Lady Iesha?" seryosong tanong nya.
Tinuro ko ang dumi sa kanyang mukha na nasa tuktok ng kanyang matangos na ilong.
"May dumi ka sa mukha," sabi ko at kumuha ng tissue sa aking maliit na bag.
Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang kanyang mukha na hiwa-hiwalay ang dumi. Natigil ko ang aking hininga nang maramdaman ang kanya na tumatama sa aking pisngi. Mabango iyon at bigla akong na-conscious sa amoy ng sa akin.
Nang masigurado kong wala na ay naghanda na ako sa paglayo. Pero bago ko pa iyon nagawa ay hinawakan nya ang palapulsuhan ko at marahang sinandal sa kanyang sasakyan.
Naipit sa pagitan namin si Alex na hindi naman gumagalaw. Sobrang lapit nya sa akin at medyo gulat pa ako sa ginawa nya kaya hindi kaagad ako nakapag-react.
"Yoseph, anong ginagawa mo?" tanong ko habang mahina syang tinutulak.
Lalo nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Kung hindi lang prinsipe si Richart ay baka inagaw na kita sa kanya," sabi nya.
Iniwas ko ang mukha dahil baka mahalikan na nya ako.
"Lumayo ka na, Yoseph."
Imbis na sundin ako ay inilapit nya pa ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Pwede bang akin ka na lang?"
Nagulat ko sa sinabi nya at nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Biglang dinamba ni Alex si Yoseph dahilan para mapalayo sya sa akin. Doon lang ako nakahinga.
"Siguro ay iniwan ka ng amo mo para hindi ako makalapit sa kanya. Really a wise prince, huh?!" kausap nya kay Alex na tumahimik ulit sa pagkaka-karga ko.
****
Cordancian Fact:
The Seven Princes have different mothers. Find out in the following chapters who have a similar mother and who are the sons of Reina Victoria.