Kabanata 8

2199 Words
Etereo Ano bang sinasabi nya? May tama na yata sa ulo itong si Yoseph. Hindi na nya ulit ako kinausap pagkatapos ng nangyari. Ang weird talaga nya. Ilang minuto kaming naghintay hanggang sa dumating ang maghihila ng sasakyan. Isang tow truck iyon at nakasunod ang sasakyan ni Antonio. Lumiwanag ang mukha nya nang makita ako. Hininto nya ang sasakyan sa likod ng sasakyan ni Yoseph. Mabilis syang bumaba at dinaluhan ako. "Hindi ka ba nasaktan o nasugatan?" tanong nya at pinaikot ako. "Wala! Hindi naman kami naaksidente. Tumirik lang ang sasakyan." Tumango sya at nilapitan si Yoseph na nakikipag-usap na sa driver ng tow truck. Sumakay na lang ako sa sasakyan ni Antonio habang sya ay nagsimula nang ilipat ang mga pagkain ni Alex mula sa sasakyan ni Yoseph. Ang akala ko ay sasabay sa amin si Yoseph, hindi pala. Mas nauna kaming umalis, nakita ko pa ang titig ni Yoseph sa akin habang umaandar ang sasakyan. Bigla akong kinabahan? Totoo kaya ang sinabi nyang iyon? "May pupuntahan pala kayo ni Charlene, medyo huli na nga daw kayo kaya aligaga na sya doon sa bahay. When Yoseph called me, nagmadali kaagad ako dahil bubuga na ng apoy si Charlene kapag hindi ka pa dumating." Natawa ako sa sinabi nya. Kawawa talaga itong si Antonio sa kapatid nya. Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kami ni Charlene na kakaiba ang suot. Okay, hindi naman kakaiba, normal pa nga yung suot nya eh. Kakaiba lang na hindi sya naka-victorian dress ngayon. Nainitan na rin siguro! "Iba pormahan natin ngayon, ah! Bagay na bagay naman pala sa iyo ang mga modern dress, bakit ngayon mo lang t-in-ry?" sabi ko pagkababa ko. "No one pushed me to dress like this before. When I saw you wore a dress like this, parang gusto ko na rin tuloy. And this is it. It's so comfortable," sabi nya at umikot pa para makita ko ang kabuuan ng kanyang suot. "Ang ganda! Teka, saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko. Biglang dumilim ang kanyang mukha. "Oo nga pala, kanina pa kita hinihintay! Bakit ang tagal mo?" Lumayo ako sa kanya dahil nakakatakot sya. Tama nga si Antonio, parang bubuga sya ng apoy. "Nasiraan nga kami ng sasakyan. Hindi ko naman inaasahan iyon." Huminga sya nang malalim at pinakalma ang sarili. "Okay, tara na. Wala na akong magagawa," sabi nya at hinila ulit ako papasok ng sasakyan. Ang moody! "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Kandong ko pa rin si Alex dahil wala akong alam na pag-iwanan. Mahirap na, baka mawala ito. "Basta, it's a surprise." Kalahating oras din siguro kaming bumyahe bago hininto ni Antonio ang sasakyan. "We're here, ladies," anunsyo ni Antonio. Mabilis na bumaba si Charlene, sinalubong sya ng isang mestisang babae. Bumaba na rin ako. "Be nice to your Etiquette Teacher," bulong sa akin ni Antonio at ngumisi sa akin. "Ano? Etiquette Teacher?" Tumango sya. "Hindi kasi kayang ituro lahat ni Charlene ang mga dapat mong gawin kaya she hired her former Etiquette Teacher na sikat dito sa buong Cordancia." Sinenyasan ako ni Charlene na lumapit kaya sumunod ako sa kanya. Tinitigan ko pa lang ang teacher ay kinakabahan na ako, mukhang strikta. "Hola, Señorita Iesha Valderama. I'm Amita Domingo, your Etiquette Teacher for two weeks. Nice to meet you," sabi nya at inabot sa akin ang kanyang kamay. "Nice to meet you too, Amita," sabi ko at tinanggap ang kanyang kamay. Lihim akong napa-daing dahil sa sobrang higpit ng kanyang paghawak sa aking kamay. "Call me Ami," sabi nya at pinisil pa ulit ang kamay kong may pilay na yata bago pinakawalan. "Vamos, entremos. (Come on, let's go inside.)" sabi ni Ami. Minasahe ko ang aking kamay at bumulong kay Charlene. "Grabe syang makipagkamay, ah! Ang sakit!" Dinala nya kami sa loob ng isang malaking ballroom. Walang kalaman-laman ang buong lugar. "It's still the same when I first entered this place. I'm just seven years old back then. This place bring back some memories of my childhood," sabi ni Charlene at nakangiting nilibot ang tingin sa buong lugar. "Seven years old ka lang ng pumasok ka sa isang Etiquette Class?" "What do you expect? All wealthy families make their children enter the Etiquette Class at an early age. That is the norm here at Cordancia," sabi nya at nagkibit-balikat. "Miss Iesha Valderama, welcome to my Etiquette Class. For your first lesson, I will teach you the proper posture, walk and attitude." Tumango ako. "Okay, I'm ready." Ngumisi si Ami. "Really ready?" "Yes, yes, yes!" "Okay, then..." sabi nya at pumalakpak ng tatlong beses. Pumasok ang dalawang babaeng may dala-dalang makakapal na libro. 'Wag nyong sabihing mag-aala-Disney princess ako dito. Yung may librong nakabalanse sa ulo habang naglalakad. "Kung ano man ang iniisip mo, young lady ay totoo. We will start on the easiest part. One thin book only," sabi ni Ami at kumuha ng isang manipis na libro at ipinatong iyon sa ulo ko. Nag-slide lang iyon pababa at sinundan ko pa ng tingin. "You are supposed to balance it on your head. The book slides down because you let it slide. Now..." sabi nya at itinuro ang librong nalaglag. "Okay." Pinulot ko iyon at ipinatong ulit sa ulo ko. This time, I balance it. "Good, now walk. Follow that red line in front of you." sabi ni Ami. Sinunod ko ang sinabi nya. Akala ko madali, hindi pala. Hindi ko alam kung ano ang pagtutuonan ko ng pansin, yung paglalakad ba ng tuwid o pag-balanse sa libro sa ulo ko? Ilang beses kong inulit iyon. Namulikat na nga ang paa ko, eh! Pumalakpak si Charlene ng matapos ko ang paglalakad ng hindi nalalaglag ang isang libro. "Good, at last, you made it. As I said earlier that was the easiest part. Now, we need to add one thick book." sabi ni Ami at kumuha ng isang makapal na libro na mukhang mabigat rin. "Pwedeng magpahinga muna? Ang sakit na ng paa ko," reklamo ko. Sinamaan nya ako ng tingin at umiling. Naka-simangot kong binalik ang isang manipis na libro na dinagdagan pa nya ng isang makapal na libro. Mas mahirap nang magbalanse ngayon dahil ang bigat na at dalawa pa sila. Habang naglalakad ako ay sinusundan ako ni Ami na may hawak na mahabang stick. "Chin up, Lady Iesha." sabi nya at itinaas ang baba ko kay muntik ng malaglag ang mga libro. Pinalo nya ang kamay kong naka-buka sa ere para tulungan akong bumalanse. "Your hands should be at your side. Don't spread it. You will look like an idiot if you do that." Napadaing na lang ako! Pwede bang mag-quit na lang? Ang hirap namang ligawan ni Richart! Inabot ako ng hapon kakabalense ng mga librong iyon. Pagkatapos ay ang tamang pag-curtsy naman. Hindi ko naalalang ginawa ko iyon sa harap ng hari at reyna. "Step one foot forward..." Ginawa ko iyon. "Good, then bend both of your knees. Then bow." Ginaya ko ang ginawa nya at gusto ko na kaagad tumayo dahil nakaka-ngawit sya, bes! "Remember that the longer and the lower your curtsy shows more respect," sabi ni Ami. "Mga ilang minutes naman kaya ako nakaganito. Pwede naman na siguro ang ten seconds?" sabi ko. Bumuntong-hininga sya at pinatayo na ako ng maayos. "Next is to sit like a sovereign. Royals don't cross their legs while sitting. First, leave three inches between your back and the chair. Second, cross your feet at the ankle. And lastly, slide it on the side." Nagawa ko naman iyon kaso nga lang, ilang beses rin akong muntik mahulog sa upuan. "Bakit hindi pwedeng sumandal?" curious kong tanong. "Because you will lose your posture if you rest your back. And for your final lesson for today, a few table manners." Umupos kami sa isang sa isang upuan na may magarang lamesa. Ang pinggan ay nasa left side, nakapatong doon ang table napkin na nakatupi at ang fork at knife. "Place the knife and fork at both sides of your middle. Then get the napkin, unfold it first and then fold it in half then place it on your lap." Bakit kailangan pang i-unfold tapos tutupiin rin pala? Sinunod ko na lang dahil baka mapagalitan na naman ako. "Next is, you need to remember that Royals don't stab their food when they eat. Instead, they need to balance it on the back of their fork and eat it. And don't get rid of your fork after cutting the food by your knife." And to be honest, it's not easy. Nadurog ko na ang pagkain na hindi man lang nai-balanse sa likod ng tinidor. Hindi naman ako tinigilan ni Ami hangga't hindi ko nagagawa iyon. "We will not meet tomorrow because you're going to your next event. Always remember this lady Iesha, your courting not only the Crown Prince but also the people of Cordancia. If you please the people of the Crown then you have a big chance to be the future queen of Cordancia. I can sense that you are a good person. You are not after the power you will get once you become a queen. Do you like the Crown Prince?" Tumango ako at nahihiyang ngumiti. "Then fight for love and you will always win." Nagpasalamat kami ni Charlene sa kanya at umalis na. "Nagugutom na ako, Charlene. Pwedeng kumain?" sabi ko habang hinahaplos si Alex. Buti pa ito ay kumain na at ngayon ay tulog. Ang sarap talaga ng buhay ng pusang ito. "Si Yoseph ba iyong nasa likod ng sasakyan natin?" sabi ko at nilingon ang sasakyan na kanina sumusunod sa amin. "Ah, oo. Kanina dumating sya. Hindi mo napansin?" sagot ni Antonio. Umiling ako. "What if we go to the downtown and eat some snacks there? What do you think?" biglang sabi ni Charlene. "'Yan ang pinakamagandang sinabi mo Charlene. I'm in!" sabi ko at nagtaas pa ng kamay. Kumain kami sa isang sikat na kainan dito sa Cordancia. Hindi ko alam kung sikat ba talaga ito? Halos wala ngang kumakain. Nang tignan ko ang menu ay naglaway kaagad ako pero ng makita ko ang presyo ay nalunok ko ang laway ko. Ang mahal! Kaya naman pala walang katao-tao rito. Hindi affordable ang mga pagkain. Afford siguro ng mga mayayaman. Umupo sa tabi ko si Yoseph at kinuha si lap ko si Alex. "Ako muna ang bahala sa kanya para makakain ka ng mabuti." sabi nya at nginitian ako. "Salamat." Dumating ang order namin at bigla nagwala ang tiyan ko ng maamoy ang masarap na amoy ng iba't-ibang pagkain. "They are all expensive but taste so good, Iesha." sabi ni Charlene at maarteng sinubo ang pagkain! Ako din! Ginawa ko ang natutunan ko sa Etiquette Class ko kanina. Kita ko ang pagngiti ni Charlene. "You're learning, very good," sabi ni Antonio. "Mukha na ba akong reyna?" tanong ko. "Pwede na at bias iyon," tumatawang sabi ni Antonio. Hinagis ko sa kanya ang aking table napkin. "I bet the queen never gonna do that." sabi ni Yoseph. Napatingin ako sa kanya pero bago pa ako makapagsalita ay nabasag ang isa sa mga salamin ng restaurant. Sabay kaming napatingin roon. Nakarinig ako ng putok ng baril. "Duck, everyone!" malakas na sabi ni Yoseph at hinila ako padapa. Pero bago ko pa iyon nagawa ay sunod-sunod na nabasag ang mga malalaking bintana pati na mga baso sa lamesa namin. Natamaan ako ng mga lumipad na basag na salamin sa may noo. Kaagad akong dinaluhan ni Yoseph. "You're bleeding, Iesha! Are you alright?" Tumango ako. "Si Alex ang alalahanin mo. Ayos lang ako," sabi ko at niyakap si Alex. "Iesha! Yoseph, what's happening?!" sabi ni Charlene na halatang kabado sa nangyayari. "I don't know!" sagot ni Yoseph at kinasa ang kanyang baril at gumanti ng putok sa kung sino man ang bumabaril sa amin. Nahinto lang ang pamamaril sa amin ng dumating ang Cordancian Cops. Nilikas kami sa loob ng restaurant na parang sinalanta ng bagyo sa sobrang gulo. May dumating rin na mga medics para sa mga nasugatan. Unang ginamot si Yoseph na natamaan ng bala ng baril sa kanyang bandang tagiliran ng tiyan. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang inaalis ang bala sa kanyang tagiliran. "Bakit ka naiiyak?" natatawang tanong nya. "Kasi naman, eh! Natakot ako! Ngayon lang nangyari sa akin iyon. Salamat kasi niligtas mo ako," sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay na may dugo pa. "Kailangan mo ring magamot," sabi nya at hinawakan ang noo kong may sugat. "Bakit ba ako ang inaalala mo? Mas malala ang sugat mo. Ayos lang ako tsaka si Alex," sabi ko. Ngumiti sya. "Then, I did my job well." Pinalayo na ako ng mga medics sa kanya at ginamot na rin ang aking sugat. Matagumpay na naalis ang bala sa tagiliran ni Yoseph at tinatahi naman ngayon ang kanyang sugat. "Ayos ka lang ba, Charlene?" tanong ko sa katabi kong pinagmamasdan ang restaurant. "Oo. Shock lang ako," sagot nya at ngumiti. "Si Antonio?" "Kasama sa mga nag-iimbestiga." Tumango ako at nilingon si Yoseph na nakakunot ang noo habang pinapakita sa kanya ang balang nakuha sa kanya. Lumapit ako para marinig ang kanilang usapan. "It's a bullet from the gun used by Etereo's Guards," sabi ni Yoseph... Etereo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD