Don't know
"Why Etereo would even do that? And who is their target?" sabi ng imbestigador na in-charge sa nangyaring insidente sa restaurant.
"I don't know, but there are lots of possiblity na baka si Lady Iesha ang target nila," sabi ni Yoseph habang nakatingin sa akin.
"Bakit naman ako?"
Huminga nang malalim si Yoseph. "You know that the Duchess of Etereo is also one of the Crown Prince's suitors. Maybe she sees you a strong rival because Principe Richart trusts you a lot," mahinahon nyang sabi.
Nang matapos kaming kausapin ng imbestigador ay hinayaan na nila kaming umalis. Naghihintay sa labas sila Antonio at Charlene.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, natatakot na ako. Pati si Charlene ay takot na takot na rin, ayaw na nga nyang humiwalay sa kanyang kakambal na si Antonio.
"Saan mo gustong sumabay? You want me to take you home?" tanong ni Yoseph habang hawak ang kanyang tahi sa tagiliran.
"Masakit ba iyan? Kaya mo bang magmaneho?"
Ngumiti sya. "It's worth it you know."
Naguluhan ako sa sinabi nya. Anong worth it?
Lumapit sya sa akin ang hinaplos ang aking pisngi.
"It's worthy to catch a bullet for you. I'm glad that I was there. I don't want you to get hurt. I will protect you no matter what."
Naiwan sa akin ang mga salita nyang iyon. Hanggang sa byahe namin pauwi ay pasulyap-sulyap ako sa kanya.
Kandong ko si Alex na mukhang na-trauma rin yata sa nangyari. Nakaramdam ako ng antok habang pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan namin.
"I bet you are really tired. I hope you can still sleep well despite the incident happened. I'm sorry about that."
Nilingon ko sya. "Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo naman iyon kasalanan. Thank you kasi pinrotektahan mo ako."
Ngumiti sya. "When this courting event ends. And when the future king didn't choose you to be his queen..."
Huminga muna sya nang malalim bago sinabi ang kanyang huling pangungusap.
"Can I court you, Iesha?"
Namula ang kanyang buong mukha at hindi makatingin sa akin. Ako naman ay hindi makapagsalita dahil sa gulat.
"I am not a prince like Principe Richart. I have nothing. I know you don't like me but can I have a chance?"
Kinagat ko ang aking labi at ako naman ngayon ang hindi makatingin sa kanya. Hinaplos ko si Alex.
"I-I don't know, Yoseph. You know that I like Principe Richart a lot. If he didn't choose me to be his queen, I will probably go back to my country to continue my life."
Tumango sya at hindi na nagsalita ulit.
I'm sorry, Yoseph. Para rin sa iyo ito.
Nakarating kami sa bahay na wala namang bumabaril sa amin. Hindi na bumaba ng kotse si Yoseph at umalis na kaagad ng makababa ako. Galit siguro sya. I rejected him after catching a bullet for me.
Pumunta ako sa terrace ng aking kwarto nang hindi ako makatulog. Ang dami kong iniisip. Una, yung tangkang pagpatay daw sa akin. Pangalawa, si Yoseph. Pangatlo, ay ang hindi pagtawag ni Richart. Ano na kayang nangyari doon?
Nabalik ako sa reyalidad mula sa pagkakatulala ng may kumaluskos sa ibaba. Tumingin ako roon at wala sa sariling napangiti ng makita si Yoseph na nakatingin sa akin habang may dalang pagkain.
Mabilis akong bumaba. Buti na lang at gising pa si Alen para maihanda ang kusina ng mansyon. Pinapasok ko si Yoseph at sinalubong ko sya ng yakap. Nagulat sya pero niyakap rin ako pabalik.
"Akala ko galit ka sa akin. Hindi mo ako pinansin kanina, kaagad ka na lang umalis."
Nginitian nya ako at kinalabit ang aking ilong.
"Nagtampo lang ako pero naisip ko na baka lalong lumayo ang loob mo sa akin. Naisip ko rin na baka pwede pang magbago ang isip mo."
"Sa tingin mo ba magbabago ang nararamdaman ko?"
Bumuntong-hininga sya. "Bakit ba ito ang pinag-uuspan natin? Kakain dapat tayo, eh! Matutunaw na ang ice cream," sabi nya at nauna ng nagpunta sa kusina.
Pinagmasdan ko syang i-prepare ang pagkain na kaming dalawa lang naman ang kakain. Tulong na ang kambal at ayoko na gisingin.
"Akala ko tulog ka na. Buti na lang at hindi pa kung hindi kakainin kong mag-isa itong mga pagkain na ito."
Binigyan nya ako ng tatlong scoop ng ice cream.
"Mapapagalitan ako ni Charlene kapag nalaman nyang nagpuyat ako. May event pa naman akong dadaluhan bukas. Sa Cordancian Marine Military. Sasamahan mo ba ako bukas?"
Napatingin sya sa akin dahil sa tanong ko. Nagkibit-balikat sya.
"Isasama mo si Alex so, sure na nandoon ako. Ako ang magbabantay sa kanya habang may ginagawa ka."
Bakit parang disappointed ako na sasamahan nya lang ako dahil kay Alex? Iyon naman ang trabaho nya, ah!
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Richart bago sya umalis.
Don't fall in love with someone else while I am away.
I would not let myself fall in love with another man while courting the Crown Prince.
Kinabukasan ay maaga akong hinatid ni Antonio sa dalampasigan ng Cordancia para sa pagpaparangal daw sa mga Marine Military Officer ng Cordancia. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay sinalubong na kaagad ako ni Duchess Isabela na masama ang tingin.
"How dare you to accused my Duchy?" sabi nya sa galit na boses.
Lumapit si Antonio. "We never accused your Duchy, Your Grace. We just found a bullet in the crime scene that we believe belongs to Etereo."
"How sure are you? I will never do such a thing like killing my rival."
Tumango si Antonio. "You can prove that in Cordancian Court."
"I am innocent. Kakapasa lang sa akin ng Etereo kaya hindi gagawa ng ikakasira ng pangalan nito," sabi nya at tinalikuran na kami.
Nagkatinginan kami Antonio.
"Sa tingin mo nagsasabi sya ng totoo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat sya. "I don't know. If she didn't do that maybe she was framed up."
Nagsimula ang ceremony at nandoon ang buong Royal Family maliban lang kay Richart na hindi pa rin nagpaparamdam hanggang ngayon.
Kumaway ako kay Yoseph ng makita syang hawak si Alex. Ngumiti sya.
"As the King of this nation, I am very happy and proud of all of you. May you continue to serve our beloved kingdom as the new king will arrive soon together with his future queen."
Sabay-sabay na sumaludo ang mga Marine Military Officer pagkatapos ay pumalakpak gamit ang Cordancian clap na sila lang ang nakaka-alam.
Lumapit sa akin si Principe Raguel at ngumisi ng nakakaloko pagkatapos ay bumaling sa hari.
"Your Majesty, I think Lady Iesha wants to say something on our Military," sabi nya at ngumisi sa akin.
What? Ano bang ginagawa nya?
Papansin talaga ang isang ito!
"Really? Come here Lady Iesha and spill your words," sabi ng hari at binigay sa akin ang microphone.
Sinamaan ko ng tingin si Principe Raguel na mahinang tumatawa. Nakangiti naman sa akin ang ibang prinsipe. Nakitang kong sinapok ni Principe Rachim si Raguel kaya nahinto ito sa pagtawa.
Dahan-dahan kong tinapat ang mic sa bibig ko. Anong sasabihin ko?!
"Hi? Uhm, I am Iesha Valderama from the House of Lopez. I-I just want to say that you really did a great job. Continue what you are doing and stay what you are. Fighting!!"
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Parang pang-eighteen candles lang.
Pumalakpak ang limang prinsipe.
"Fighting!" sabay-sabay nilang sabi.
Tumango-tango ang hari at reyna at naki-gaya rin.
"Fighting!"
Kaya ang buong Marine Military Force ang napasabi na rin ng Fighting.
Pumalakpak silang lahat. Bumalik na ako sa aking pwesto. Nginitian ako ni Camille.
"Fighting, girl!" sabi nya at pinalakpakan ako.
"Gracias. Akala ko epic fail na yung speech ko."
Nang matapos ang pagbibigay ng medalya sa mga sundalo ay nagkaroon ng konting pagsasalo-salo.
"I don't want to talk about this now but, Lady Iesha?" sabi ng hari.
Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya ako. "Yes, sir?"
"How are you? I can see that you are hurt. How about the two Lopez?"
Pinunasan ko muna ang aking bibig bago sumagot.
"They are fine, Sir. I got a little bruised but I'm okay. Yoseph was shot on the left part of his stomach, though."
Tumango ang hari.
"Where is he? Is he okay now?" tanong ng reyna.
Ngumiti ako at tumango. "Yes, ma'am. Actually, he's over there with Alex," sabi ko at tinuro ang direksyon ni Yoseph.
"I want to thank him, personally. Guard, please call Yoseph Gozun. He's right there," sabi ng reyna.
Tinawag ng isang guard si Yoseph. Umupo sya sa tabi ko at binigay muna si Alex sa isa sa mga prinsipe.
"Yoseph, I personally thank you for your bravery. You protect three people and the Royal Pet, Alex. I want to reward you something special."
Tumayo ang hari at lumapit naman si Yoseph. Binigyan sya ng isang badge na kakulay ng nasa Cordancian Seal.
"Thank you, Your Majesty. It is a great honor." sabi nya.
Bumalik sya sa aking tabi. Nginitian ko sya at pumalakpak ako ng mahina.
"Congrats, Yoseph. You deserve it."
Nang matapos ang salo-salo ay nag-uwian na ang lahat. Si Yoseph ang maghahatid sa akin pauwi pero kausap nya pa ang hari. Pinag-uusapan siguro nila ang nangyaring pamamaril.
Nakaupo ako sa isang bench kaharap ng ang dagat. Kandong ko si Alex at sabay naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Magda-dalawang linggo na rin ako dito sa Cordancia. Bakit hindi ko inisip na baka magtagal ako rito at hindi ko na mabili ang lote?!
Si Richart naman ay tatlong araw nang walang paramdam. Nakakainis sya. Gusto ko syang tawagan pero wala naman akong number nya. Ano kaya ang ginagawa nya roon?
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan ang pagdating at pagtabi sa akin ni Yoseph.
"Ang lalim ng iniisip mo."
Ngumiti ako. "Iniisip ko lang kung nasaan na si Richart."
"Talagang sinabi mo iyan sa akin. Okay lang," malungkot na sabi nya.
Hindi ako nakapagsalita. Huminga sya nang malalim.
"Pwede bang 'wag mo munang isipin si Principe Richart habang wala sya? Pwedeng ako muna?" seryoso nyang sabi.
"Yoseph, you know that this is not right. I am a suitor of your best friend."
"I know, I know, Iesha. But I am desperate. I will make you fall in love with me. I am the first one who saw your beauty. Nang sasabihin ko na sana sa Principe na gusto kita, inunahan nya ako. At dahil sya nga ang prinsipe ay nagparaya ako. Pero nakita ko ngayon na sobrang nanganganib ang buhay mo dahil sa kanya. I will do everything to protect you kahit pa ang ibig sabihin noon ay mag-aaway kami ng prinsipe."
Umiling ako. "Hindi nanganganib ang buhay ko. Ayos lang ako, you don't have to protect me. You can't ruin your friendship with him."
"Believe me I can."
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking bewang.
"Yoseph, let go of me."
"No, I won't." sabi nya bago binaba ang kanyang labi sa akin.
Hinalikan nya ako. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko kaagad sya naitulak palayo. Humagod ang mga labi nya sa akin at nanghina ako roon. Bakit ang sarap nyang humalik?
Wala sa sariling sinusuklian ko na ang halik nya. Hindi ko na alintana si Alex na mukhang naiipit na sa amin.
Bigla kaming naghiwalay nang may humila sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Richart iyon.
Hinawakan nya sa kwelyo si Yoseph at sinuntok ito ng isang beses dahilan para mapadapa sya sa buhangin.
"Richart, stop!"
Nilapitan ko sila at hinawakan ang kamay ni Richart na naka-kuyom at nanginginig.
"Alam ko ng mangyayari ito pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko pa sya ipinagkatiwala sa iyo. Siguro dahil may tiwala ako sa iyo dahil matalik kitang kaibigan. Pero ngayon, hindi na. Isa ka na lang guwardya para sa akin," galit na sabi ni Richart.
Hinila nya ako palayo kay Yoseph. Gusto ko sana syang tulungan pero...
Tinignan ko si Yoseph na nakaupo pa rin sa buhangin at nakangiti sa akin. Huminto si Richart ng tuluyan kaming makalayo.
"Do you want to go with him? I'm giving you your last chance now. Do you want to stay with me or go with him?" malungkot nyang sabi...
I really don't know what to do.