Kabanata 10

2120 Words
Mistress Si Richart na ang naghatid sa akin sa mansyon ng mga Lopez. Pareho kaming tahimik simula pa kanina hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon. "Mas masarap ba syang humalik kesa sa akin?" walang emosyon nyang tanong. Tinignan ko sya. Hindi sya nakatingin sa akin at magkasalubong kanyang mga kilay. "Richart naman--" "Oo o hindi lang ang sagot, Iesha." Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay pero mabilis nyang inilayo sa akin iyon. "Richart, nagkamali ako. Hindi ko dapat iyon ginawa. I'm sorry." Nag-u-unahang tumulo ang mga luha ko pero hindi ko iyon pinansin. I just want him to forgive me. "This is the last time you will call me by my name, Lady Iesha. Next time you will properly address me or else you will get your punishment for disrespecting a Royal Family member," matigas nyang sabi na hindi pa rin ako tinitignan. "I-I thought we're friends, Richart. Gusto mong kasama ako kasi gusto mong maging normal, ayaw mo na ba iyon?" Huminga sya nang malalim. "And that was a stupid dream of mine before I realized that I don't need that. I am the Principe Heredero and the future king of Cordancia. Hindi ko dapat hinihiling na maging isang normal na tao dahil isa iyong katangahan." Nakagat ko nang mariin ang labi ko at sinubukang pigilan ang luha ko. Umupo ako ng maayos at tumikhim. "Kung iyan ang gusto, Principe Richart. I'm sorry kung nakagulo ako." Tumango sya at kinuha si Alex sa kandungan ko. "Kukunin ko na rin si Alex. Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa kanya. At tungkol doon sa sinabi mo na hindi dapat kita piliin na maging reyna ko, 'wag kang mag-alala dahil tama ka. Dapat piliin ko iyong makakatulong sa kaharian hindi iyong makakagulo lang. I was so stupid to make such decisions like that." Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa higpit ng pagkaka-kuyom nito sa aking kandungan. Stop, Richart! You're hurting me! "You can also quit this courtship and return to your country. Wala namang maapektuhan kapag nawala ka. Ang problema mo sa pera ay 'wag mo ng alalahanin--" Mabilis kong binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at mabilis na lumabas. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Diretso lang ang lakad ko patungo sa mansyon. Hindi ko na sya nilingon nang marinig kong umalis na sya. Hindi na ako nakaabot kahit sa pinto man lang ng mansyon, hindi ko na kayang pigilan ang emosyon na nagpapasakit sa puso ko. Ang sakit naman kasing magsalita ni Richart. Habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko ay napatingin ako sa langit. Nag-iisa lang ang buwan at walang kasamang mga bituin. Parang ako, mag-isa. Nang kumalma ako ay pumasok na ako sa loob ng mansyon. Sinalubong ako ni Alen at iginiya sa dining area ng mansyon. Kasalukuyang kumakain sila Antonio at Charlene. Napahinto sila ng makita ako. "Ginabi ka? Nasaan si Yoseph?" tanong ni Charlene. Umiling ako at umupo sa tabi nya. "Sinong naghatid sayo?" tanong ni Antonio. "Si Principe Richart," tipid kong sagot. Alam kong alam na nila na wala ako sa mood para sa interview kaya pinabayaan na nila akong kumain. Tahimik silang dalawa at patingin-tingin sa akin. Mas una pa akong natapos kumain sa kanilang dalawa. Tumayo na ako at nagpaalam ng matutulog. Sobrang drain ako ngayong linggong ito. Parang wala pa akong tulog. Saktong pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nabasag ang isa sa mga bintana sa loob. Napasigaw ako at napadapa dahil sunod-sunod ang putok ng baril. "Iesha!" rinig kong sigaw ni Antonio na mabilis akong dinaluhan. Nanlalambot pa ako at hindi ako makatayo nang maayos dahil sa takot na baka may susunod pa. "It's okay. Hinahanap na ng mga gwardiya kung saan galing iyon. Uminom ka muna ng tubig, namumutla ka." Pinaupo ako ni Charlene sa sofa at inabutan ng tubig. "Sino na naman kaya ang may pakana nito. This time it's clear na ikaw talaga ang target. Wala ka pang limang minuto sa kwarto mo ay umulan na ng bala sa loob. Sinira pa ang mga mamahaling gamit at salamin," naiinis na sabi ni Charlene habang pabalik-balik ang lakad. "I'm sorry sa mga nasira. Kasalanan ko," mahina kong sabi. Nanginginig pa nga ang boses ko. Tumabi sa akin si Charlene at niyakap ako. "Hindi mo naman iyon kasalanan. Marami lang inggetera sa paligid, sila ang may kasalanan." Kaya ng gabing iyon ay pinuno ng gwardiya ang buong paligid ng mansyon hanggang loob. Nakitulog ako sa kwarto ni Charlene. May mga Cordancian Cops pa sa labas at sinusuri ang buong kwarto ko. Tulog na tulog na si Charlene habang ako, gising na gising pa ang diwa. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Paano kung dito naman sa kwarto ni Charlene mangyari iyon? Paano kapag hindi na ako magising kinabukasan? Kaya ang ending, gising magdamag at ang laki ng eye bags kong pupunta sa palasyo para sa pagdating ni Principe Richart. Tinakpan naman ni Charlene ng concealer kaya nawala ng konti pero panay naman ang hikab ko. "Are you okay, Iesha?" tanong ni Camille. "Ah, oo. Okay lang ako," sabi ko at humikab ng isang beses. "Nabalitaan ko ang nangyari sa bahay ng mga Lopez. Grabe naman iyon! Kaya ka siguro hindi nakatulog." Tumango ako. Nakakahiya dahil ang daming media sa paligid at eto ako, sabog. "Lady, Iesha? Can I ask you about what happened last night in the House of Lopez?" Nagulat ako ng lumapit sa akin ang isang reporter. Naagaw nya ang atensyon ng iba na kanina ay na kay Princesa Astra at Duchess Clarita. "Do you already know who's the culprit of that incident?" "Lady Iesha, what's the real score between you and the Crown Prince?" What? Tinakpan ko ang mga mata ko dahil nasisilaw na ako sa mga flash ng kanilang camera. Hindi sila huminto sa kakatanong sa akin. "¡Silencio! (Silence!)" Nahinto at natahimik ang buong paligid. Lahat kami ay napatingin sa nag-salita. Umayos ang mga media ng makita ang Crown Prince na iyon. Lihim akong nagpasalamat sa pagdating nya. Medyo sumakit ang ulo ko sa mga reporter na iyon. "Sometimes, reporters are annoying," sabi ni Sheriyle. Nagsimulang magsalita ang Prime Minister at nagsimula na rin akong antukin ng sobra. Grabe ang pigil ko sa mga hikab ko. "Lady Iesha." Napaupo ako nang maayos nang may bumulong sa likod. Nilingon ko iyon. "Bakit po?" May inabot sa akin ang lalaki na isang maliit na candy. "Pinabibigay po ni Principe Raguel. Kainin nyo daw para hindi kayo antukin," Nilingon ko si Principe Raguel na napatingin rin sa akin. Binelatan nya pa ako bago tumingin ulit sa nagsasalita. Magpapasalamat sana ako sa lalake pero wala na sya sa likod ko. Nagkibit-balikat ako at kinain na lang ang candy na lasang peach! In fairness, effective sya tsaka masarap. Matapos magsalita ng Prime Minister ay ang Crown Prince naman ang nagpunta sa harapan para mag-salita. "People of Cordancia, two weeks from now I will be your new King and you are expecting your new Queen. In my three days with different leaders of different nations, I learned how to be a real king that uses his mind to think about the safety of his kingdom. A good king should be selfless and not bias. Your expectation will be fulfilled and promise that I will not disappoint the future of Cordancia. Muchas Gracias, Cordancia!" Bumaba sya sa entablado at kinamayan ang ilan sa mga Royal Council. "That's my father," turo ni Camille sa matandang lalaki na kinamayan ni Richart. Tumayo silang lima para puntahan ang mga magulang nila na kinakausap ngayon ng Royal Family. Si Princess Astra ay kasama ang kanyang Inang Reyna. Si Clarita ay kasama ang pareho nyang magulang, ganoon rin sila Isabela, Sheriyle at Camille. "Boo!" Napasigaw ako at nabatukan ang kung sino man ang gumulat aa akin. "Ouch! Ang bigat ng kamay mo," Napatayo ako at kaagad syang dinaluhan ng si Principe Reynard pala ang nasapok ko. "Sorry, ikaw naman kasi!" Tumawa sya. "Ayos lang. Nakita kasi kitang mag-isa rito. Sabi ko sa sarili ko 'kawawa naman ang babaeng ito' kaya pinuntahan kita. Bakit hindi ka magpunta doon?" Bumalik ako sa pagkakaupo at bumuntong-hininga. "Wala naman akong pupuntahan roon," Gusto ko sanang magpapansin kay Richart kaya lang baka mapahiya ako. Ouch 'yon! "Kung ganoon sumama ka na lang sa amin." sabi nya at hinila na lang ako bigla. Nilagpasan namin ang palasyo at ang garden ng reyna. Pumasok kami sa maraming puno ng peach. Napanganga ako ng makitang lawa pala ang nasa dulo ng pader ng palasyo. "Reynald, bakit kasama mo iyan?" tanong ni Principe Raguel na masama ang tingin sa akin. "Wala syang kasama doon kaya inaya ko na lang dito. Boring doon, hindi ba Iesha?" Tumango ako. Inirapan pa ako ni Raguel bago tumalikod. Bading yata ang prinsipeng ito. May mga pagkain sa isang mahabang lamesa. Lumapit ako doon, sinundan naman ako ni Reynard at Rachim. "May nangyari ba sa inyo kahapon ni Richart? Sobrang badtrip sya kahapon pagkauwi nya." Yumuko ako. "Nag-away kami kahapon. Hindi na kami magkaibigan." Nagkatinginan sila. "At baka huminto na rin ako sa panliligaw sa kanya dahil iyon ang sabi nya." Hinawakan ni Rachim ang balikat ko ang hinarap ako sa kanya. "'Wag kang makinig sa kanya. Joke nya lang 'yon. Mamaya lang ay hindi na iyon galit sayo." Inalis ko ang pagkakahawak nya. "Sana nga po, mahal na prinsipe. But I did something very bad. At alam kong hindi nya ako mapapatawad kaaga-agad." Pinagsiklop nya ang kanyang mga braso at naniningkit ang mga matang tumingin sa akin. "At ano naman iyon? Nakapatay ka ba?" tanong nya. Huminga ako ng malalim. "I kissed Yoseph." Pare-pareho silang tumingin sa akin ng nakanganga. As in silang anim. Natahimik si Rachim at Reynard. "Oh, ano? Kinausap na nya ako at ang sabi nya hindi na daw nya ako kaibigan at hindi nya rin ako pipiliin bilang reyna nya. Kaya siguro next week baka umuwi na ako," malungkot na sabi ko. Lumapit si Raguel na nakanguso. "Hindi ka pwedeng umuwi," sabi nya. Ngumiti ako. "Bakit naman? Mami-miss mo ako, no?" tukso ko sa kanya. "Oo, tsaka ikaw ang gusto kong piliin ni Principe Richart. Hindi ko gusto yung iba." Niyakap ko sya. Sa anim na prinsipe ay si Raguel ang kaedad ko. "Salamat pero na kay Richart pa rin ang desisyon. Susundin ko kung ano ang gusto nya, kung gusto nyang umalis na ako, aalis na ako. Pero kapag sinabi nyang kailangan nya ulit ako, I will stay." Tumango sila. Pinagmasdan ko silang anim. Mukhang magkakaedad lang sila. "May kambal ba sa inyo? O triplets?" tanong ko. Tumawas si Reneesh. "Kami ni Raviro ay kambal, anak kami sa ibang babae ng hari." "Ako naman ay anak sa pangalawang babae," sabi ni Reynard. "Si Rachim at Rafaelle ay anak sa unang babae. Kami ni Richart ay anak ni Reina Victoria," sabi ni Raguel. Babae? Nambababae ang hari? "Bakit may mga babae ang hari?" tanong ko. "Ang mga babae nya ay ang mga nanligaw rin sa hari noon. Pero pinili nya si Reina Victoria dahil maimpluwensya ang pamilya nito. Ang nanay ko at ang mga nanay ng ibang prinsipe ay ginawa nyang mga babae nya," sabi ni Rachim. Lumapit sa akin si Reynard. "Kaya ikaw pwede kang maging babae lang ni Richart kung hindi mo gagalingan sa panliligaw." Sunod namang bumulong sa akin si Raguel. "At hindi ka pwedeng makapag-asawa hanggang hindi pumapayag si Richart. Tapos pwede ka nyang ipatawag kahit kailan nya gustuhin at doon ka nya titirahin sa kwarto ng mga kabit sa palasyo." Tumatawa syang lumayo sa akin. "Ganoon ba talaga iyon? Bakit hindi ako na-inform?" Lumapit sa akin si Rafaelle at binigyan ako ng isang baso na may lamang wine. "Kaya nga galingan mo kung ayaw mong matulad sa nanay namin. Mas magandang maging reyna kahit maraming responsibilidad keysa maging kabit. Hindi mo pwedeng makita ang anak mo na kinilalang prinsipe o prinsesa. Malungkot iyon." Tumango silang lahat kahit si Raguel. "Cheers to Lady Iesha! Fighting!" sigaw ni Raguel. "Fighting!" sabay-sabay naming sabi at ininom ang wine. "Peach wine," nakangiting sabi ko. Tumango silang lahat. "What's the meaning of this?!" Napatingin kami sa kararating lang na si Richart. Matalim nya akong tinignan. "Bakit ka nandito, Lady Iesha? Bawal ka dito?!" malakas nyang sabi. Nilapitan sya ni Reynard. "Ako ang nagdala sa kanya rito. 'Wag kang magalit sa kanya." "Kung ganoon, kailangan na nyang umalis. She's overstaying." Tumango ako at binaba na ang baso ko. "Aalis na ako. Maraming salamat sa inyo," sabi ko sa anim na prinsipe. Naglakad na ako paalis at huminto sa tapat ni Richart. "I don't want to be one of your future mistresses. I will be your queen," sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata bago sya tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD