Halik "Yoseph!" Tinawag ko sya ng magka-salubong kami sa harap ng palasyo. Iba ang itsura ngayon, nakapang-guard na syang uniporme at bakas sa mukha nya ang pasa mula sa suntok ni Richart kahapon. Huminto sya at nginitian ako. Lumapit ako sa kanya. "Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan na ang suot mo?" malungkot kong tanong ko. Huminga sya ng malalim bago ako sinagot. "This is Principe Richart's way to show our differences in status. I am just a guard and he is the future king. Pinaparating lang na hindi ko dapat sya kalabanin." This is not happening. I just ruined their friendship. Nagsimula na syang maglakad paalis pero nilingon pa ako ng isang beses. "Hindi nya dapat tayo makitang nag-uusap. Ayokong pag-initan ka nya." Gusto ko pa syang pigilan sa pag-alis kaya lang baka magal

