Principe
Nasampal ko ang sarili ko nang makita ang isang malaking private plane na may kakaibang seal na ngayon ko lang nakita.
"Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip?"
Umiling si Antonio. "This is real, Iesha. This aircraft is owned by our house. House of Lopez."
Manghang-mangha ako. Kung sasakay ako dito ay ito ang unang beses ko. Bigla akong kinabahan na na-excite.
"Ang yaman nyo siguro," sabi ko.
Umiling sya ulit. "Not really, mas mayaman pa rin ang royal family. The truth is..."
Lumapit sya sa akin at bumulong. "We are bankrupt."
Pagkatapos noon ay tinulak na nya ako papasok sa magarang eroplano. Ang ganda talaga! Hindi ko alam kung swerte ba itong matuturing o malas...
Nang makaupo kami at nakapag-seatbelt na, binalingan ko si Antonio na malaki ang ngiti. So weird!
"Sandali nga! Ano namang mapapala nating pareho kapag ako ang naging sa asawa ng prinsipe? Ano magagawa noon sa problema nyo?"
Tumingin sya sa akin. "Magiging reyna ka at magkakaroon kami ng pera dahil doon," sabi nya at ngumisi.
Nalaglag ang panga ko.
Ano?
Reyna?
"Teka, wala naman sa usapan ang pagiging reyna. Ang sabi mo, manliligaw lang ako ng prinsipe. Ayokong maging reyna ng kung ano mang bansa 'yan! Bababa na ako," sabi ko at tatanggalin na sana ang aking seat belt nang mag-anunsyo ang piloto na hindi ko naintindihan.
"El vuelo 3906 de Cordancian está despegando. Por favor, abróchese el cinturón de seguridad"
Parang mexicano o Portuguese?
"Ano raw sabi?" tanong ko kay Antonio na ngiting tagumpay.
"Ang sabi, you're too late."
Pagkasabi nya noon ay may kakaiba akong naramdaman na ngayon ko lang naramdaman sa buhay ko. Lumilipad na ba kami?
Diyos ko!
Napa-sign of the cross ako nang wala sa oras. Tawa lang nang tawa si Antonio sa tabi ko. Gusto ko syang sapakin.
Nang maging payapa na ang buong eroplano ay nasapak ko na rin sa wakas ang lokong lalakeng ito.
"Ouch, how dare you hit Lord Antonio Lopez y Martinez?" sabi nya at minasahe ang parte ng ulo na sinapak ko.
"Wala akong pakialam kung anong panginoon ka pa. Naiinis ako sa iyo!" sabi ko at tumingin sa bintana ng eroplano.
Teka! Ang ganda! Puro blue na tubig ang nakikita ko. Hanggang sa makarating kami isang isla na maraming nakatayong bahay at parang isang palasyo ba iyon?
"Welcome to the Kingdom of Cordancia. Your future home."
Lumapag ang eroplano at kaagad ako nagtatakbo palabas para makita kung totoo talaga itong Cordancia na ito. Kasi naman, hindi naman ito tinuturo sa Philippine History at sa iba pang history subject. Kahit naman hanggang second year college lang ako ay may ibubuga naman ako sa academics.
"It's so beautiful here, right?" sabi ni Antonio at nauna na sa paglalakad.
Hindi naman kasi sa airport lumapag itong eroplano ni Antonio, parang tuktok yata ng bundok ito.
Sumakay kami sa isang Limousine. Feeling ko ang yaman ko na. Ganito pala ang itsura ng limo sa loob. Cool!
"Bakit may flag sa harap ng limo na ito? Ang pangit tignan," sabi ko.
Sumagot ang matandang driver. "Señora, ang mga flag na iyan ay nagbibigay sa atin ng daan tuwing may traffic at para na rin sa parking."
Tumango ako. "Ganoon ba? Ang pangit kasi talaga, eh."
Pumasok ang limo sa loob ng isang malaking itim na gate na may letter na 'M' at 'L'.
"Ano yung 'M''L'? Mobile Legends?" tanong ko kay Antonio. Natawa naman ang driver.
"Martinez at Lopez, anong mobile legends?"
Nag-peace sign ako. "Sorry naman. Malay ko ba? Bahay nyo ito?" turo ko sa malaking bahay nang huminto ang limo.
Bumaba ang driver at pinagbuksan kami ng pinto.
"Thank you po," sabi ko sa driver.
Nginitian nya ako at nag-bow. "De nada, Señora."
Ngumiti na lang din ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Mga nag-e-alien talk!
Sinalubong kami ng mga babaeng magkaka-parehas ang damit pang-maid at mga lalakeng naka-americana. Wow!
"Buenos días, Joven Maestro Antonio. Bienvenido. (Good morning, Young Master Antonio. Welcome back.)," sabi ng isang matandang babae.
"Muchas Gracias, Alen. (Thank you so much, Alen.)," sabi ni Antonio.
Malapit nang dumugo ang ilong ko sa mga sinasabi nila. Pwedeng bang mag-tagalog na lang sila?
May binulong si Antonio kay Alen at tumango lang ang matanda.
"Magandang umaga sa iyo, Señora. Ako si Alen ang mayordoma ng mansyon ng mga Lopez. Nice to meet you. Anong pangalan mo, hija? Ikaw ba ang representative ng mga Lopez?" masayang sabi ng babae.
Ngumiti rin ako. "Opo, ako nga po siguro 'yong sinasabi nyo. Iesha Valderama po ang pangalan ko. I'm from Philip--mmm!"
Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil tinakpan ni Antonio ang bibig ko. Hinila nya ako papalayo sa mga tao.
Pumiglas ako sa hawak nya. "Bitawan mo ako! Ano bang problema mo?"
Binatawan nya naman ako.
"Listen, hindi mo pwedeng sabihin na galing ka sa Pilipinas. We are both dead by the end of the day if they found out that you are from the Philippines." mahinang sabi nya.
"Bakit naman?" bulong ko pabalik.
"Basta, kasama ito sa mga law ng Royal Council na hindi pwedeng labagin dahil mapaparusahan ka."
Pinaghahampas ko sya.
"Eh! Bakit mo ako dinala rito?! Gusto mo ba akong makulong o mamatay? Nakakainis ka!" sabi ko.
"Sandali!"
Hinawakan nya ang kamay ko. "Hindi naman kasi dapat ikaw ang pipiliin para maging representative namin. Kaya lang, someone suggested you to me," sabi nya at itinaas-baba ang kilay.
Umiling na lang ako. Ang weird ng mga tao rito. Nagtatagalog pero ayaw sa Pilipino! Bahala sila r'yan!
Pumasok kami sa kanilang magarang mansyon. Nilapitan kami ng isang babaeng naka-postura. Naka-gown sya na parang noong Victorian Era tapos may hawak na cellphone.
Parang ang lugar na ito ay pinagsamang past and future!
Niyakap nya si Antonio. "Bienvenido de nuevo, mi querido hermano! (Welcome Back, my dear brother!)" sabi nito.
Ayan na naman po sila! Nag-e-alien talk!
Napatingin sa akin ang babae at nagtaas ng kilay. Head to foot talaga ang tingin!
"¿Mi querido hermano, es la chica de la que hablas? (My dear brother, is this the girl you're talking about?)" sabi ng babae.
"Si, hermana. (Yes, sister.)," sagot ni Antonio.
Napakamot ako sa ulo ko. Anong klaseng pag-uusap ito?! Wala akong maintindihan!
Tumikhim si Antonio. "Charlene, this is Iesha Valderama. Iesha, this is my older sister, Charlene."
Inabot sa akin ni Charlene ang kanyang kamay na may gloves pa talaga! Tinanggap ko iyon at nakipag-handshake.
"Nice to meet you, Charlene," sabi ko.
"Yo también. (Me too.)," sabi nya at ngumiti.
Bumitaw sya sa akin at inikutan ako.
"Ahm, pwede bang bawasan nyo pag-e-e-alien talk. Hindi ko kasi kayo maintindihan, eh!" nahihiyang sabi ko.
Nagulat ako ng paluin ni Charlene ang balakang ko. Ano ba naman ito? Kababaeng tao, eh!
"Mukhang marami pa tayong kailangang ayusin sa kanya. Dapat hindi mahalatang galing sya sa Filipinas," sabi ni Charlene kay Antonio.
Bumaling sya sa akin. "Kailangan mong matutong mag-Español. Matutong manamit ng tama ayon sa Cordancian Code. Kailangan mong matutong pomustura at kumilos na parang isang tubong Cordancian Lady. At kailangan mong matutunan iyon hanggang bukas," seryosong sabi ni Charlene na parang kakainin ako ng buhay kapag hindi ako sumang-ayon.
Tumango na lang ako. Bukas kaagad?! Kararating ko lang dito, hello?! Baka naman pwedeng tour muna.
Pumunta kami sa ikalawang palapag ng mansyon at dinala ako sa isang kwarto. Pinaghalong Victorian at modern ang style ng kwarto. At yung kama mukhang malambot.
"Dito ang kwarto mo, Iesha. Bibigyan ka kita ng panahon para magpahinga at pagkatapos ng lunch ay magsisimula na ang mga lessons mo. Be ready," sabi ni Charlene at umalis na.
Nagkatinginan kami ni Antonio. Nahihiyang syang ngumiti sa akin.
"Sorry, sa kapatid ko. Perfectionist lang talaga sya, kaya ganoon. Magpahinga ka na. Mamaya siguradong mapapagod ka. Adios!"
Tama nga sya!
Sa tanghalian pa lang ay panay na ang sita sa akin ng kapatid nya tungkol table manners. Para ngang nilait na nya ang kanunu-nunuan ko dahil hindi ko magawa ng tama ang mga sinasabi nya.
"You have to sit up straight. Hindi dapat nakasandal ang likod mo sa upuan," sabi ni Charlene at pinalo nang mahina ang likuran ko.
"Eh, ano pang silbi ng sandalan na ito kung hindi rin gagamitin?"
Napairap sya sa tanong ko. Inayos ko na lang ang sarili kasi baka mabigwasan na ako.
Pagkatapos ng tanghalian na parang hindi naman ay pinapunta nya ako sa kanyang kwarto na puno ng iba't-ibang klase ng damit pambabae.
"Wow! Collection mo ba ang mga ito?"
Umiling sya. "Mga damit pang-araw-araw ko. Pahihiramin kita ng ilan simple at isang pang-ball."
Tinawag nya ang dalawang kasambahay at pinalapit sa akin.
"Hubaran nyo na sya," sabi ni Charlene.
Sumunod ang dalawa at inalis isa-isa ang mga damit ko. Nanlaki ang mga mata ko at pinigilan sila.
"Ako na lang mag-aalis ng damit ko!"
Good thing at lumayo ang dalawa. Dahan-dahan kong inalis ang saplot ko at tinira lang ang underwear.
Inabot sa akin ni Charlene ang isang puting damit na parang pantulog at isang pantyhose.
"Isuot mo ito. Ito ang chemise at stockings na magiging base ng iyong susuoting damit."
Sinunod ko ang gusto nya. Sunod nyang pinasuot sa akin ang corset daw ang tawag.
Tinawag nya ang dalawang kasambahay at tumulong sa paghila ng tali ng corset sa likod ko.
Pinigil ko ang hininga ko ng humigpit iyon.
"Pwede na siguro 'yan," pigil ang hininga kong sabi.
Umiling si Charlene. "Hilahin nyo pa, masyado pang malaki ang kanyang tiyan."
Napadaing ako nang lalong humigpit.
"Sige pa! Higpitan nya po! Humihinga pa ako, oh," sarkastikong sabi.
Tumango si Charlene at mas lalo pang humigpit ang corset.
"Aww! Hindi na talaga ako makahinga, promise," sabi ko.
Ang hirap naman pa lang maging manliligaw ng prinsipe. Parang gusto ko ng umatras.
"Sunod mong isuot itong crinolette."
Inabot nya sa akin ang isang palda na may mga unan sa bandang pwetan!
"Pampalaki ba ito ng pwet?" natatawang sabi ko.
"Pwede rin."
Sunod na isinuot sa akin ang petticoat. Grabeng init naman nitong damit na ito!
"Itong camisole ay kailangan mong isuot para matanggal ang linya ng corset," sabi nya at sinuot nila sa akin ang isang puting blazer.
Pinasuot nya na sa akin sa wakas ang skirt na sobrang kapal. At isang patong na skirt din na puno ng ruffles at pang-itaas na puno rin ng ruffles.
Mahi-heat stroke ang magsusuot nito sa Pilipinas!
"Ayan! For the finishing stuff, a beautiful victorian cap."
Oh my gosh! Buti na lang tapos na! Isang oras yata kaming nandito.
"Next na ituturo ko sa iyo ay ang magsalita ng Catalan. Dahil bukas ipapakilala ang mga kalaban mo sa pagiging reyna at ang iyong prinsipe,"
Napahiga ako sa kanyang kama at pumikit.
Ano ba itong pinasok ko?