Lungkot
"Good Morning!"
"Buenas Dias!"
"Good Afternoon!"
"Buenas Tardes!"
Tumango si Charlene. "Buti at mabilis kang matuto. Ngayon naman ang Royal Family naman ang dapat mong matutunan. Magsimula tayo sa Rey de Cordancia o Hari ng Cordancia."
Binigay nya sa akin ang litrato ng isang matipunong lalaki na may katandaan na.
"He is King Reymond II, the son of King Reymond I and Queen Lizein. Sya ang nag-iisang anak kaya obviously sya ang pinamanahan ng trono. Next is..."
Inabot naman nya sa akin ang isang picture ng babae may katandaan na rin, palagay ko ito ang asawa ng hari.
"This is Queen Victoria, she is the former duchess of Perene (Permanent), still part of Cordancia. They had seven sons which are seven princes."
Tumango ako.
"You can acknowledge the King and Queen using English or Spanish. You can say Sus Majestades or Your Majesties, while the princes, Su Alteza Real or Your Royal Highness."
Tumango ako ulit at sinulat ang mga sinabi nya.
"How about the seven Princes. Anong mga pangalan nila? At sino sa kanila ang nagpapaligaw?" tanong ko dahil pito pala sila.
"That is what you will know tomorrow. Bukas ipapakilala ang Príncipes at officially ipapakilala ang Príncipe heredero o ang Crown Prince. Alam mo naman siguro kung ano ang Crown Prince?" Naningkit ang mga mata nya sa akin.
"Oo naman, ang hinirang na taga-pagmana ng trono at soon to be king," sabi ko at ngumiti.
Tumango sya. "Good. Ang liligawan mo ay ang Crown Prince at kapag napili ka nya bilang kanyang Reina ay napakasuwerte mo at of course, kami rin. But you need to remember one thing..."
Napatingin ako sa kanya. "Ano 'yon?"
"You cannot introduce yourself as a Filipino, you are a Spanish and our far relative from Portuguese. Do you understand me, Iesha Valderama y Martinez?"
Mukhang ito na ito. Huminga ako nang malalim bago tumango.
Tumayo na si Charlene. "Magpahinga ka na. Magiging busy ka bukas. At galingan mo. Buenas noches (Good night)," sabi nya at umalis na ng aking kwarto.
Isa-isa kong inalis ang patong-patong na damit na isinuot nila sa akin kanina. Naginhawaan ako lalo na nang naalis ko ang corset na iyon. Binuksan ko ang malaking pinto na gawa sa salamin papuntang terrace ng kwartong ito.
Sa wakas, fresh air. Medyo nalamigan ako kasi panloob lang na manipis ang suot ko. Napatingin ako sa madilim na langit na maraming stars. Wala ng ganito sa amin, natatakpan na siguro ng mga usok ng sasakyan.
Itong Cordancia, hindi ko talaga akalaing nag-e-exist. Ang ganda ng lugar na ito. Parang kahit simpleng mamamayan ka lang ay para kang parte ng Royal Family dahil sa mga suot nila.
Nababa ko ang tingin ko nang may kumalukos sa damuhan. Napangiti ako nang makitang si Richart iyon kasama si Yoseph.
"Buenas Noches, mi señora," bati nya sa akin.
"Buenas Noches, Señor."
Ngumiti sya. "It looks like you have already adapted our language. You're so good in speaking Catalan."
"Thank you, Richart."
Tumikhim si Yoseph. "And it looks like you forgot that I am here. I'm leaving, lover boy," sabi ni Yoseph at umiiling na umalis.
Tumango lang si Richart kay Yoseph at pagkatapos ay binalik ang tingin sa akin.
"Can I take you out tonight?" tanong nya.
"Pero gabi na. Baka magalit si Charlene. May pupuntahan pa kami bukas, yung ipapakilala 'yong Crown Prince."
Tumawa sya. "I think Charlene wouldn't mind a minute."
Nagkibit-balikat ako at bumalik sa kwarto para makapagbihis. Hindi yung victorian dress na iyon, baka hating-gabi na ay hindi pa kami nakakaalis. Buti at nag-impake ako ng mga damit ko.
Dinungaw ko ang bintana at nakitang wala na roon si Richart. Bumaba ako at naabutan syang kinakausap si Charlene.
"Richart already talked to me, you can go with him. But you must be back before midnight," sabi ni Charlene.
"Muchas gracias, Charlene," sabi ko. Tumango lang sya.
Lumabas kami ni Richart at sumakay sa isang magarang kotse.
"Buenas Noches, Señora," bati ng driver na parang kaedad lang namin.
Nginitian ko sya. Sumakay kami ni Richart sa likod ng kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Gusto kong dalhin ka sa isa sa mga paborito kong lugar dito sa Cordancia. Where my brothers and I used to play when we are little," sabi nya at ngumiti sa akin.
Huminto kami sa isang park na parang pagma-may-ari ng isang mayamang pamilya.
"Sigurado ka bang pwede tayong pumasok rito? Baka mapagalitan tayo, sabihing nag-te-trespassing tayo," sabi ko nang bumaba kami at hilahin nya ako ng marahan papasok.
"Hindi, magtiwala ka sa akin."
Tumango ako at nagpahila sa kanya ng tuluyan. Sa loob noon ay may isang malaking maze na puno ng ilaw ang daan sa loob.
"Ang ganda dito. Siguro ang saya ng childhood days nyo ng mga kapatid mo. Ang ganda ng palaruan nyo, eh," sabi ko at naglakad sa loob ng maze.
Sinundan ako ni Richart. "Hindi rin, maraming bawal at limitado lang ang paglalaro namin."
Napalingon ako sa kanya. "Bakit naman?" tanong ko at napahinto.
Hindi sya sumagot at nilagpasan ako. Sinundan ko sya at napangiti nang makita kung ano ang nasa gitna ng maze. Isang malaking wishing fountain na napapalibutan ng maraming ilaw.
"Wow!"
Lumapit ako doon at tinigan ang malinaw na tubig na umaagos doon.
"Nagustuhan mo ba dito?" tanong ni Richart.
Tumango ako at nilagay ang kamay ko sa tubig. Lumapit sa akin si Richart.
"Alam mo ba ang tuktok ng fountain na ito ay nakaturo sa isang malaking star?" sabi nya habang nakatingala sa langit na puno ng bituin.
Tumingin rin ako sa itaas at napansin ang isang malaking bituin na katapat lang namin.
"Yun ang Cordancian Major. The star that discovered by an astronomer under King Philar III of Cordancia a long time ago."
Tumingin ako sa kanya. "Ang galing mo sa history."
Ngumiti sya sa akin. Tumingin ulit ako sa Cordancian Major na sobrang liwanag.
"That's why this maze was built by King Reymond I and placed this wishing fountain at the center. Para maging tanda kung saan naroon ang star na naging simbolo na ng Cordancia."
"So, bakit mo ako dinala rito?" tanong ko.
Napatingin sya sa akin.
"I brought you here because just like this place, you're special. Whenever I come to this place, I always feel I'm a different person, different from what people expected me to be. It's the same feeling when you kissed me that night, you made me feel that I can be whenever I want to be. That I can break rules and laws. I want to be with you always," sabi nya habang hawak ang mga kamay ko.
"I want to be with you, too. Hindi ba iyon pwede?"
Umiling sya. Hinawakan nya ang pisngi ko.
"Can we kiss again?" tanong nya.
Hindi ako sumagot at inilapit na lang ang aking labi sa kanya. Ang lambot talaga at ang sarap halikan.
Ilang segundo rin kaming naghahalikan at nang maghiwalay ang mga labi namin...
"Me gustas, Iesha," sabi nya at hinalikan muli ako.
Me gustas?
Anong ibig sabihin ng mga salitang iyon?
I savored the moment, and this is the best night of my life...
Nagising ako sa malakas na katok mula sa pinto ng kwarto. Napabangon ako ng makitang maliwanag na sa labas. Malilintikan ako kay Charlene!
Mabilis akong naligo, buti na lang ay may shower. Pagkalabas ko ng banyo ay nandoon na si Charlene na nakabihis na, si Alen at isang kasambahay.
"Kailangan nating magmadali, ma-le-late na tayo. Muévete más rápido! (Move faster!)"
Nagmadali ang dalawang kasambahay isuot ang limang patong na damit sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng corset na hindi na naluwagan dahil sa pagmamadali.
Ano ba itong pinasok ko?
Mag-quit na lang kaya ako tapos ayain ko na lang magpakasal si Richart.
Maraming pumunta sa party ng taon. Ang sosyal ng buong lugar, ang gara!
P-in-ark ang aming kotse sa special parking space sabi ng gwardyang nagbabantay dahil sakay daw nitong sasakyan ang isa sa mga manliligaw ng Crown Prince.
Bumaba kami ni Charlene kasama si Antonio. May nakasabay kaming isang maputi at magandang babae na parang isang Espanyol.
"Hola! I'm Clarita, the current Duchess of Perene," sabi nya at inabot sa akin ang kamay.
Tinanggap ko iyon.
"Iesha Valderama y Martinez, from the House of Lopez. Nice to meet you, Duchess Clarita," sabi ko.
Binitawan nya ang kamay ko. "Are you new here in Cordancia? I never see you around before."
Namawis ang kamay ko sa kanyang tanong.
"Yes, I'm from Portuguese and when my cousin Charlene told as about the news that the Crown is looking for a queen, I get a flight as soon as possible to get in here," sabi ko habang lihim na nagpasalamat na hindi nanginig ang boses ko.
"Oh, I see. Alright, may the best woman win," sabi nya at umirap bago ako tinalikuran.
Maldita!
"Ang galing mo kanina. Hanga na ako sa iyo. Kaya naman pala gustong-gusto ka ni Principe Richa--"
Kaagad nyang tinakpan ang kanyang bibig kaya hindi ko naintindihan ang huling pangungusap nya.
"Ano?"
Umiling sya. "Nada, vamos! (Nothing, let's go!)"
Nauna sya sa paglalakad at may pinagbu-bulungan pa silang dalawa ni Antonio na kahit anong gawin ko ay hindi ko maintindihan.
Pumasok kami sa grand hall ng palasyo. Nalaglag ang panga ko nang makitang kumikinang lahat ng nandito.
"Ang ganda dito, Charlene," bulong ko sa katabi kong lumilinga-linga sa paligid.
"Umayos ka dahil baka mahalata sa iyong kilos."
Kaagad naman akong napa-ayos. Lumapit sa akin ang isang babaeng na mukhang mabait.
"Hola! Ako si Princesa Astra ng Nydonia, ang twin Kingdom ng Cordancia. Encantado de conocerte! (Nice to meet you!)" sabi nito.
"Iesha Valderama y Martinez from the House of Lopez, Encantado de conocerlo también, Su Alteza! (Nice to meet you too, Your Highness!)" sabi ko at nag-bow sa kanya.
Ngumiti sya at humarap sa pinaka-stage ng bulwagan. Tinawag sya ng isang babae at masaya silang nakipag-usap sa iba.
Nang opisyal ng nagsimula ang party o grand ball daw ay nagsi-upo na lahat.
"Good Morning everyone, this morning is a special minute of every resident of our beloved Cordancia. We've been through a lot these past months but now we will stand again as the new Principe Heredero takes the full responsibility of being the future King of our Kingdom. I, the prime minister of this country, Wilbert De Santos, proudly introduce the King and Queen of Cordancia. Sus Majestades King Reymond I and Queen Victoria of Cordancia!"
Tumayo ang mga tao at nagpalakpakan ng lumabas ang dalawang kagalang-galang na tao sa buong kaharian.
Sabay-sabay na nag-bow lahat ng tao pagka-upo nila sa kanilang upuan.
"Ang now the Seven Principes. The last prince, His Royal Highness, Prince Rachim of Vera."
Lumabas ang isang matipunong lalaking na nakasuot ng black tuxedo at pink bow tie.
"The Sixth Prince, Prince Raguel of Carnia...
The Fifth Prince, Prince Rafaelle of Araniya...
The Fourth Prince, Prince Raviro of Gavilla...
The Third Prince, Prince Reneesh of Hillas...
The Second Prince, Prince Reynard of Prass."
Humilara ang anim na prinsipe at nag-bow din ang mga tao.
"The Principe Heredero de Cordancia (Crown Prince of Cordancia)...
Prince Richart of Trejas."
Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas ang lalaking akala ko ay isang simpleng mamayan lang din katulad ko.
Nagtama ang tingin namin at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Lungkot na hindi ko alam kung para saan...
*****
Cordancian Fact:
There are two major languages that are widely spoken in the whole Kingdom. These are Catalan or Spanish and English.
The minor language is Filipino, and this language has not been taught in schools. Some Cordancian People can understand Filipino but can't speak with it.