Kabanata 3

1897 Words
Promise Ano?! Prinsipe sya! Ang Principe Heredero! As in ang Crown Prince na liligawan ko daw?! Sa sobrang pagkagulat ay hindi ko namalayang naka-upo na pala lahat ng tao at ako na lang ang nakatayo. Nakatingin silang lahat sa akin. Kumaway ako at awkward na ngumiti. Umupo na ako dahil pati ang Royal Family ay nakatingin na rin sa akin. "Siguro alam nyo na si Richart ang Principe Heredero, no? Bakit hindi nyo sinabi sa akin?" sabi ko kila Charlene at Antonio. "Ayaw ipasabi ni Richart, gusto raw nya kasing maging normal lang ang lahat sa pagitan nyo hanggang hindi pa sya napapakilala. Ngayong nakilala mo na ang totoong Richart, nagbago ba ang tingin mo sa kanya?" Tumingin ako kay Antonio nang matapos sya sa pagsasalita. Nagbago ba ang tingin ko kay Richart? Syempre naman. Like, hello! Prinsipe sya ng isang mayamang bansa at ako ay isang tindera lang sa palengke. Pakiramdam ko ang layo-layo namin sa isa't isa. Hindi ko sinagot ang tanong ni Antonio at tumingin na lang sa Royal Family. Nagsasalita si King Reymond II at binabati ang malalaking bisita. Si Princess Astra ng Nydonia at ang kapatid nyang si Princess Gia na future queen daw ng Nydonia. Si Princess Lizette ng Qardosh na tagapagmana rin ng trono sa kanila. "Let's present the suitors of the Crown Prince. Let's start with Her Royal Highness, Princess Astra of Nydonia." Nagpalakpakan ang mga tao pagkatawag sa prinsesa. Matamis naming itong ngumiti sa mga tao at nagpunta sa harapan. "Next is, Su Gracia (Her Grace), Clarita Miguel y Reyes, Duchess of Perene." Pinagmasdan ko kung gaano sya kapinong kumilos, halatang hinanda para sa ganitong pagkakataon. Nginitian sya ng anim na prinsipe na parang matagal na nila itong kakilala. "Next, Su Gracia, Isabela Dizon y Florez, Duchess of Etereo." Isang babae na nakasuot ng gold na victorian dress at natalbugan pa ang Reyna sa suot nya. Kumaway sya sa mga tao at nagbigay-galang sa Royal Family. "Next, Sheriyle Martin y Gutierrez, House of Martin." "Camille Garcia y Guzman, House of Garcia." "And last but not the least, Iesha Valderama y Martinez, from the House of Lopez." Tahimik ang lahat nang tumayo ako. Walang pumalakpak at nakatingin lang sila sa akin. Siguro dahil ngayon lang nila ako nakita. Dahan-dahan ang lakad ko dahil medyo mabigat itong suot ko. Mahirap na baka madapa ako. Napatingin ako sa kaisa-isang taong pumalakpak. Si Richart na nakatingin sa akin habang alangan ang ngiti. Nginitian ko sya. I mouthed 'thank you' to him. Pumalakpak na rin ang lahat ng tao dahil sa pagpalakpak ng kanilang Crown Prince. Tumabi ako kay Camille na malaki ang ngiti sa akin. "Hola! Ako si Camille. Pwedeng ba tayong maging magkaibigan. Parang ikaw lang kasi ang nakikita kong mabait sa lahat ng suitors." Tumango ako. "Iesha, nice to meet you too, Camille. Pwede tayong maging kaibigan. Parang tayo nga ang pinaka-under dito." "Oo nga, eh." Umayos kami at humarap sa pitong Principe na malaki ang ngiti. Tumingin ako kay Richart. Ngayon ko lang napansin ang kulay asul nyang mga mata at ang matangos nyang ilong. Mas maganda pala ang balat nya sa akin. "Principe Richart of Cordancia, your suitors. You can talk to these ladies once the course is served." Bumalik kami sa aming mga upuan. Malaki ang ngiti sa akin nila Charlene at Antonio. "Looks like, hindi ka mahihirapang ligawan ang Principe." sabi ni Charlene. "Paano mo naman nasabi? Nakita mo ba ang mga ibang mga suitors? May prinsesa, duchess at galing sa kilala at mayayamang pamilya. Imposibleng manalo ako." Tumikhim si Antonio. "Saan nga pala kayo nagpunta kagabi?" sabi nya at ngumisi. "Doon sa may maze na may fountain sa gitna. May sinabi pa nga sya sa akin na hindi ko naintindihan. Me gusta? Me gustas? Hindi ko alam. Ano bang ibig sabihin n'on?" Nanlaki ang mga mata ni Charlene at napatakip sa kanyang bibig. "Como te dije, hermana. (Like I told you, older sister.) " sabi ni Antonio sa kapatid. Nagkibit-balikat na lang ako. Sinerve ang mga kakaibang pagkain. Masarap naman sya kaya lang hindi ako sanay sa mga lasa. Karamihan ay matamis at maasim ang lasa. "These are made with Cordancian Fruit Gem, the peaches," sabi ni Charlene kaya napatango ako. Kaya naman pala ganito ang lasa. Nagsimula nang lumibot sa mga lamesa ang Royal Family. Mukhang mabait naman ang hari at reyna. Mukha namang mga loko ang anim na prinsipe. Umayos ako ng makitang papalapit ang anim sa aming lugar. "Antonio, ¿Cómo está Filipinas? (How's the Philippines?)" bulong ng ikatlong Prinsipe na si Principe Reneesh. "Está bien. Hermosa como siempre. (It's fine. Beautiful as always.)" bulong pabalik ni Antonio. Tumingin ang anim sa akin. Ngumiti lang ako. "Hola! Señorita Iesha. Welcome to Cordancia," sabi ng ikalawang prinsipe na si Principe Reynard. "Muchas gracias." sagot ko. Lumapit sila at hinalikan ang likod ng kamay ko. Nagulat ako pero hindi na pumalag. Nakita kong tinanguan ng ikapitong prinsipe si Antonio bago sila umalis ng mga kapatid nya. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ihi ng makitang malapit na ang hari at reyna sa amin. "May C.R. ba rito?" tanong ko kay Charlene. "Bakit? Naiihi ka? Malapit na ang Rey (King) at Reina (Queen) sa atin. Hindi ka na pwedeng umalis," sabi ni Charlene. "Pero hindi ko na talaga kaya. Babalik ako kaagad, promise." Bumuntong-hininga sya at tinuro ang direksyon sa akin. Lumabas ako ng grand hall, nakita ko pang tumingin sa akin si Richart. Sinundan ko ang binigay na direksyon ni Charlene. Pero hindi ko naman alam na ganito pala kalaki ang lugar na ito. Nakailang ikot na ako pero wala pa rin akong makitang banyo. "Hey!" Napatalon ako ng may humawak sa mga braso ko at marahan akong hinila. "Richart!" Mabilis akong umiling at nag-bow. "I mean, Principe Richart." Inangat nya ang mukha ko at malungkot na tumingin sa mga mata ko. "Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi ko sa iyo kagabi? I said I want to be a normal person when I am with you. You don't need to address me kapag tayo lang dalawa. Promise me." Tumingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Tumango ako. "Promise, Richart." Ngumiti sya. "Saan ka pala pupunta?" tanong nya. Doon ko naalalang naiihi nga pala ako. "Sa C.R., kaso hindi ko mahanap." "Alright, I'll come with you." Umling ako. "Ako na lang mag-isa. Baka hinahanap ka na doon sa party." "Sasamahan kita, Iesha," matigas na sabi nya. Tumango na lang ako. Mabilis naming nahanap ang banyo kaso nga lang natagalan ako dahil sa patong-patong na damit na ito. "Pasensya na at natagalan ako. Ang hirap kasi ng damit na ito. Hindi ako sanay." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "You can wear anything you are comfortable with. Just like what you wear in your country. Kahit pa maganda ka sa suot mong 'yan, mas gusto kong komportable ka." Nag-init ang pisngi ko at ngumiti. "Talaga?" Tumango sya at tumingin sa paligid. Pinagmasdan ko ang perpekto nyang mukha. Ang jawline nya na may mga maliliit na balahibo, ang malinis nyang hairstyle. Ang damit nyang pang-militar na sobrang bagay sa kanya. "Iesha?" Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang pagtawag nya. "Bakit?" Huminga sya ng malalim. "I thought you are sick. Your face turned red. Naiinitan ka ba sa suot mo? Okay ka lang ba? I've been calling you for about three times. Nakatulala ka lang at walang kibo," sabi nya at dinampi ang likod ng kamay sa aking leeg. Napaiwas ako ng parang napaso ako sa kanyang hawak. "It's there any problem, my lady?" tanong nya ulit at lumapit sa akin. Umiling ako at pinilit ngumiti. Ano ba ang nangyayari sa akin? "Ayos lang ako, naiinitan lang ako siguro." Tumango sya. "Hindi pa naman siguro tayo hinahanap sa ball, pwede pa tayong mawala ng ilang minuto. Gusto mo bang sumama sa aking magpalamig?" "Si, Su Alteza." Pinauna ko sya sa paglalakad. Kitang-kita ko naman ngayon ang malapad nyang likod. Siguradong firm ang mga muscles nya doon. Nilingon nya ako kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. Rinig ko ang mahina nyang tawa. Inikutan namin ang kanilang malaking palasyo hanggang makarating kami sa likuran nito. Maraming puno ng peachtree at maraming magagandang bulaklak na karamihan ay pink. "This is my mother's garden. All Peach trees your seeing in here are all planted by the past Kings who used to reign in Cordancia. This tree is my father's." sabi nya at tiningala ang isang puno ng Peach na may maraming bunga. "It's a tradition here then. Where's yours?" Ngumiti sya at lumapit sa isang mukhang bata pang puno. "This is mine." "Bakit ang liit pa lang nito?" "I just planted it five years ago. When the first prince abducted the crown." Napatingin ako sa kanya. Ano? Hindi sya ang original na Crown Prince? "Anong nangyari sa first prince?" tanong ko. Iginiya nya ako paupo sa swing na nasa gitna ng mga bulaklak. Umupo ako roon at inugoy nya nang marahan. "He became the last prince because that's the rule. You became the last priority of the crown if you abducted it once. I am the original second prince. This is not the life I wanted for, I'm not raised to be a king someday," malungkot nyang sabi. Tinignan ko sya. "Why your older brother abducted the crown?" Umiling sya. "No one knows why. One day he just announced in a dinner that he never wanted to be a king then he leave. No one knows where he is. And when my father never found him, he gave up and pass the responsibility to me as his second son next inline to the crown. I was overwhelmed, I never wanted to be a king." Kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Gusto ko syang i-comfort pero hindi ko alam kung paano. "Bakit hindi mo na lang din iwanan ang trono?" "Kung pwede lang, Iesha. Matagal ko ng ginawa. But when the title Principe Heredero passed to me, I became the last hope of our family to hold the Kingdom." "Bakit naman? Pito kayo, pwede mo namang ipasa kay Reynard." Umiling sya. "There's a protocol in Royal Commandments, that a Royal family can only abduct the Crown once in every generation." Tumango ako. "Your brother abducted the crown already. What will happen if you abduct it again?" "The crown will pass to our nearest family member. Which the Duke of Bien. We will lose the kingdom." That's why! Napakalaking pasanin nito sa kanya. Wala syang kawala. "Ang pag-iwan ng aking kapatid sa trono ay naging kahinaan ng aming Cordancia. That's why I am here, to make sure no one can steal the kingdom from us. But sometimes I need fresh air to breathe from all of those pressure. That's why I need you," sabi nya at umupo sa harapan ko. Inilagay nya ang mga takas kong buhok sa likod ng tenga ko at hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay nya. "Promise, I will be here anytime you need me. You may be a future king but you will always be the simple Richart I kissed on the sunset of Philippines." Ngumiti sya at hinalikan ang likod ng kamay ko. "Muchas gracias, mi lady. Realmente me gustas." ***** Cordancian Fact: Each male member of the Royal Family should enter a military service that lasts for five years. This tradition was made to make the Kingdom stronger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD