TBM#25 NAKIPAGLARO muna si Jacob kay Philippe bago nagpaalam na tumungo sa opisina nito sa ibaba dahil may pipirmahan daw itong papeles. Dumukwang ito at hinalikan nito ang kanyang noo. "I love you," anito. Her heart beats so fast, sa tatlong salitang lumabas sa bibig ni Jacob. Nakatingin lang siya rito hanggang sa lumabas na ito ng kwarto. Nang makatulog ang anak niya ay lumabas na rin siya dahil nagugutom siya. Dumiretso naman siya sa kusina para maghanap ng makakain. "Magandang hapon, Manang Cecilia." Bati niya sa matanda nang makita niya ito na ikinagulat naman nito. "Susmaryosep kang bata ka. Papatayin mo ba ako sa gulat?" Anito habang tutop ang dibdib nito. Medyo nakunsensya naman siya kaya niyakap na lang niya ito at humingi ng sorry. "Mabuti naman at bumalik ka na, Anak." Mal

