bc

The Bank Magnate(Will and Testament Series 1)

book_age18+
5.1K
FOLLOW
23.5K
READ
contract marriage
family
love after marriage
second chance
arrogant
CEO
drama
bxg
heavy
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Will and Testament Series 1

WARNING: (R-18+). This story contains chapters with elements of abuse, s*x or violence which may be harmful or traumatizing to some. Reader discretion is advised.

TEASER:

King Jacob De Sandiego, the billionaire and breathtakingly gorgeous CEO of Banco De Sandiego, is known for investing billions in companies owned by his cousins, friends, and even to his siblings.

He once a young billionaire bachelor, but changed his status upon marrying Heejhea Angela Saavedra, a 23-year-old woman from a province of Tagaytay known for her bratty yet witty demeanor and penchant for partying yet possessing an air of innocence.

It's not that he fell in love with her. He married her because of his grandfather's will.

Will their marriage stand the test of time, or will it lead to the unraveling of their lives?

chap-preview
Free preview
Prologue
WHILE waiting for his cousins and other relatives from his father's side, Jacob unconsciously patted the long oblate table with his index finger softly inside the conference room. He is bored to death. Isang oras na siyang nakaupo rito pero hindi pa rin dumating ang lahat ng mga kamag-anak ng kaniyang ama. He frowned. Attorney Besmonte, his late grandfather's family lawyer, gathered them in this huge conference room inside the DSCEC Tower. Ngayon nito babasahin ang will and testament ng namayapa niyang abuelo. The cunning and ever-manipulative Engineer-Architect Clifford Augustus De Sandiego. "Feeling bored?" Napatingin siya sa kanyang kapatid nang magsalita ito. King Zacharias De Sandiego, his twin brother. Jacob chuckled with no humor. "Yeah, a bit." tipid niyang sagot sa kakambal. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng isang kilay nito at pasimple pang sumulyap sa nakalapat niyang kamay sa ibabaw ng mesa. He immediately stopped tapping his index finger on the table. Zach smirked. Alam talaga nito na hindi niya kayang maghintay ng matagal. "Well, you're not the only one who felt bored here. But do we have a choice here?" He tilted his head and sighed. Kagaya rin niya ang kapatid. Hindi rin ito marunong makapaghintay ng matagal. But they don't have a choice per se. Kung hindi lang bilang respeto sa mga magulang niya at sa namayapang abuelo ay hindi talaga siya sisipot sa meeting na ito. Marami pa siyang mahalagang gagawin sa oras na ito, kaysa ang umupo rito habang naghihintay kung kailan darating ang mga kamag-anak ng kaniyang ama na kasali sa will ng lolo niya. Wala rin ang kapatid niyang si Ate Reichel dahil nasa Europe ito. Mas mainam sana kung narito ito dahil puwede siyang makiusap dito na ito na lang ang pupunta at sabihan na lang siya. Makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang black fully tinted glass door ng conference room at sunud-sunod na pumasok doon ang mga pinsan niya. They greeted them and had a little conversation before they went to their respective seat. Dumating din sina Tito Victorio at Tita Lalaine kasama ang apat na mga anak ng mga ito. Nakipagkumustahan din siya sa mga ito. Ilang buwan na rin na hindi na sila nagkikita. Kakabalik lang din naman niya galing Hongkong for a business trip. Kaya sobrang atat na siyang makaalis dito dahil ang dami niyang tambak na trabaho sa opisina. "Good afternoon, ladies and gentlemen." Nabaling naman ang kanyang paningin sa unahan nang narinig nila ang pagbati sa kanila ni Atty. Leonard Besmonte. Nakatayo ito habang nakatingin sa kanilang lahat. Nang mapatingin siya sa swivel chair na nasa pinaka-sentrong bahagi ng conference table ay tila may malaking bato na nakadagan sa kanyang dibdib nang makitang bakante iyon. Upuan iyon ng kanilang Lolo Clifford. His grandfather maintained strict discipline with all the grandchildren, yet he often indulged them with material gifts. "Today, we gather to read the will and testament of Mr. Clifford Augustus De Sandiego," dugtong na sabi ni Atty. Besmonte. Inilibot nito ang tingin sa kanilang lahat. Karamihan sa kanila ay wala siyang reaksyon na makikita. Most especially his cousins. Because like him, they lack interest in the heritage and appear to be here reluctantly. However, it is their respect for the elders and their parents that has brought them here. Well, still they are all listening as if kainte-interest talaga sa mga ito ang sasabihin ni Atty. Besmonte. Pero alam niya ang mga likaw ng bituka ng mga ito, hindi ito kailan man naging interesado sa yaman ng kanilang lolo. Inisa-isa ni Atty. Besmonte lahat ng properties and companies sa iba't ibang lugar na meron ang kanyang abuelo at kung kanino ipinamana ang mga iyon. Hanggang sa mga shares na meron ang matanda sa iba't ibang kompanyang pinag-i-invest-an din nito. Pero agad napukaw ang interest niya nang may inilapag ang secretary ni Atty. Besmonte sa harap niya na isang maliit at puting sobre. Sa tingin niya ay sulat iyon. Napatingin siya sa iba pa niyang mga pinsan. Mayroon din ang mga ito maliban sa mga magulang nila. Ano na naman kaya ang pakulo ng matanda at may sulat pa itong iniwan sa kanila? Hindi pa ba sapat iyong mga iniwan nito sa kanila at may paganito pa? Kahit hindi na yata siya magtrabaho buong buhay niya ay mabubuhay na siya at ang magiging pamilya niya hanggang sa susunod na henerasyon. All his cousins are confusedly eyeing that small white envelope in front of them. "Sa loob ng sobreng 'yan ay isang sulat kung saan nakasaad ang gagawin niyo bilang apo ni Mr. Clifford Augustus De Sandiego bago niyo makukuha ang inyong mana," wika ni Attorney Besmonte bago pa man may isa sa kanilang magtanong. His forehead creased. "Is this legit?" Agad nabaling ang atensyon nilang lahat kay Scarlett sa naging tanong nito. Scarlett is a straightforward person, kung ano ang nasa isip nito ay sasabihin talaga nito. "Honey, your mouth," nakangiting sita ni Tita Sofia sa anak. Pero alam niyang warning iyon. But Scarlett only shrugged her shoulder at dinampot ang sobreng nasa harap nito. Gano'n din ang ginawa nang iba pa niyang mga pinsan. He sighed and picked up the envelope in front of him. Nabalot ulit ng katahimikan ang loob ng conference room. "Damn! This is sick!" boses ni Grayson ang unang bumasag sa katahimikang iyon. Sunud-sunod na ring nagmumurahan ang mga pinsan niya. Na-curious tuloy siya kung ano ang mga laman ng sobre na meron ang mga ito. Sa tingin pa niya ay hindi gano'n lang ka-simple ang laman n'yon dahil sa nakikita niyang galit sa mukha ni Gray. "Mom, were you aware of this?" Narinig niyang tanong ni Scott Gabriel sa ina nitong si Judge Sofia Jade Altamirano-De Sandiego. "Yes, son," sagot naman ni Tita Sofia. Kita niya kung paano kumuyom ang mga kamao ni Gabriel na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Magkasalubong na ang dalawang kilay nito at naniningkit ang mga mata na nakatingin sa papel na hawak. "This is bull f*ckin' sh*t, Attorney!" Bradden's shouted. He can see the anger in his eyes. Wyatt Bradden wasn't a violent man, but this time, he could see that his cousin wanted to throw all the things he saw inside the conference and punch the Attorney in front of them. "Bradden." Narinig niyang saway dito ni Tito Victorio, ang ama nito. "Son, please calm down," mahinahong sabi naman ni Tita Lalaine. "F**k!" Bradden uttered a curse as he rose and exited the conference room. Jacob breathed violently and eyed the small white envelope on his hands. Kung ganoon ang mga reaksyon na nakikita niya sa mga pinsan, he is sure as hell na gano'n din ang magiging reaksyon niya kapag nabasa na niya kung anong meron sa sobreng ito. Mariin niyang naipikit ang mga mata bago binuksan ang sobre at binasa ang laman niyon. "F**king old man!" he muttered after reading the letter. "Jacob." Narinig niyang saway sa kanya ng amang si Kingston. His mother, Zarrina glared at him to warn him. Ayaw na ayaw talaga nitong maririnig silang magkakapatid na nagmumura sa harap nito. Well, hindi naman gano'n kalala ang hiniling ng Lolo Clifford niya sa sulat na iniwan nito para sa kanya. Kailangan lang niyang makuha ulit ang beach resort na pag-aari ni Mommy Zarrina noon na ngayon ay pag-aari na ni Mr. Seigfreid Saavedra. Iyon ang kondisyon na nakasulat bago niya makuha ang Banco De Sandiego. Easy as 1-2-3. But that's what Jacob thought. "Well, sorry to disappoint you, Mr. De Sandiego but you can have the resorts back if you will marry my daughter, Heejhea Angela," sabi ni Mr. Saavedra nang makaharap niya ito. Nasa La Cruix restaurant siya nakipagkita rito para pag-usapan ang pagbili niya sa resorts na pag-aari dati ng kanyang inang si Zarrina. Sa pagkakaalam niya, ipinagkasundo ang Mommy niya kay Mr. Saavedra noon pero tumanggi ang kanyang ina dahil may mahal itong iba at iyon ay ang Daddy Kingston niya. Gano'n din si Mr. Saavedra. Pero dahil ang Mommy niya ang unang umayaw kaya kinuha ng pamilyang Saavedra ang buong beach resort na pag-aari ni Mommy, kapalit daw iyon sa pagpapahiya ni Mommy sa pamilya ni Mr. Saavedra. At ngayon gusto ng kanyang Lolo Clifford na makuha niya iyon ulit. Kapag hindi naman niya makuha ay mapupunta ang Banco De Sandiego sa isang charity works. But no, hindi siya makapapayag na mapupunta lang sa wala ang mga pinaghirapan niya. Nagsimula ang Banco De Sandiego sa isang silid lang. Pera naman ng lolo Clifford niya ang pinuhunan n'yon pero siya naman ang nagpalago hanggang sa naging tanyag na ito at may iba't ibang sangay na saan mang panig ng buong Asia. And soon he will expand it in Europe. He clenched his fist in annoyance. "Are you kidding me, Mr. Saavedra?" sikmat niya sa matanda. Natawa lang ito na mas lalong ikinairita niya. "No, young man. I'm serious as f**k here," anito at nakakalukong ngumisi sa kanya. Damn, this old man! "Name the price and I can buy it twice." Hindi sumusukong sabi niya, pero umiling lang ito. Tumayo ito at pinakatitigan siya ng mabuti. "Marry my daughter and you can have the resorts back, Mr. De Sandiego." Huling sinabi nito bago tumalikod at naglakad na palabas ng La Cruix. "Damn it!" he exclaimed, slamming his fist onto the table. He stood up and declared, "Fine, I will marry your f*****g daughter." He saw Mr. Saavedra turn his heels and face him. May nakalolokong ngiti pa ring nakapaskil sa mga labi nito. "Good. Then, court her and the day of your wedding day, you can have the title of the resorts." nakangisin pa ring sabi nito sa kaniya, pagkuwan ay tuluyan ng nilisan ang restaurant.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook