LOVE IS NOT SELFISH.
When you wholly give a part of your soul to the person you love. When you think of what you can do for him and not what he can do for you, you only know that it is love when you let him go because you know he'd be happier with someone.
Heejhea sighed heavily, at itiniklop ang Brigada Newspaper na isinali niya sa pagkuha doon sa isa sa mga VIP rooms ng De Sandiego Hotel nang linisin niya iyon kanina.
Matagal pa niyang tinititigan ang Newspaper. Siguro nga tama iyong quotes na iyon. Kung sino man ang sumulat n'yon ay nasapol nito ang buong pagkatao niya.
Love is not selfish. Kaya siguro pinakawalan ng Mama Helen niya ang Papa Seigfreid niya noon dahil mahal nito ang huli. Kaya rin siguro pinili ng Mama niya ang lumayo at iwan siya sa poder ng Papa niya dahil mahal siya nito at iniisip nitong iyon ang makabubuti para sa kanya.
Pero naging mabuti ba talaga ang buhay niya sa poder ng kanyang ama? Hindi.
Yes, she was sheltered by her father. Lahat ng gustuhin niya ay makukuha niya. Pera, magagandang damit, masasarap na pagkain, malaking bahay, magarang silid at matulog sa malambot at malaking kama. Lahat ng iyon ay naibibigay iyon ng kanyang Papa sa kanya maliban sa isang bagay...
Isang bagay na matagal na niyang pinangarap na mararamdaman niya at gusto niyang maranasan at iyon ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya bilang isang ama.
Hindi niya kailangan ng pera o mga materyal na bagay mula rito kundi ang pagmamahal nito bilang ama niya.
Akala siguro ni Mama, napakasaya ng buhay niya pero hindi nito alam na hindi naman naging maganda ang buhay niya kasama ang kanyang Papa Seigfreid.
Kaya minsan hindi niya maiwasang magtampo sa kaniyang ina. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kayang ipakilala sa pangalawang pamilya nito.
A year after her mother leave. Nabalitaan niyang pinawalang bisa ni Papa ang kasal ng mga ito, then, after a month bumaba ang hatol at tuluyan ng malaya ang kanyang ama mula sa kanyang ina.
Pagkaraan na naman ng isang taon ay nabalitaan niya na nagpakasal si Mama sa isang Canadian.
Tinawagan pa niya ito na kung puwede ay kunin siya nito at doon na lang siya titira sa poder nito pero sabi nito, hindi raw maaari dahil hindi alam ng mapapangasawa nito na may anak ito.
Malalim siyang bumuntonghininga at nagpasyang isilid sa kanyang locker ang Newspaper.
"Miss Saavedra!"
Kaagad siyang napalingon sa babaeng tumawag sa kanya. Agad naman siya g kinabahan nang makita niya ang secretary ng may-ari nitong hotel ang tumawag sa kaniya.
"Ma'am Sandra," aniya sa babae, nang tuluyan na itong makalapit sa kanya. "May kailangan po ba kayo?" tanong niya rito.
"Thank God, at naabutan pa kita," nakangiting sabi nito.
"Uh, bakit po? May ipag-uutos po ba—."
"No, no..." agap kaagad nito sa kaniya. "Mr. De Sandiego wants to give this to you."
Inabot nito sa kaniya ang hawak nitong kulay itim na invitation card. Naguguluhang tinanggap naman niya iyon.
"Ano po 'to?" she asked, confused.
"An invitation card for you and your husband." Nakangiti pa ring tugon nito na ikinabigla naman niya.
Nanginig ang kamay niyang nakahawak sa invitation card kaya kaagad niya iyong naibaba sa kanyang gilid.
"Para saan ba itong invitation card?"
"For De Sandiego's Hotel Anniversary." Ah! Oo, nga pala at lahat ng mga empleyado ng hotel ay imbitado. Mula sa utility hanggang sa may pinakamataas na posisyon ng De Sandiego Hotel. At isa ang kanyang asawa sa mga imbitado dahil stockholder ito ng hotel.
Pero bakit nito alam na asawa siya ni King Jacob De Sandiego? Maliban kina Chad, Zach at Ate Norma, wala ng iba pang nakakaalam na may asawa siya. Ang alam ng mga kasamahan niya rito sa trabaho ay isa lang siyang ina pero hindi asawa.
Bayolente siyang napalunok. “A-Alam niyo po na may asawa ako?” Mahina at puno ng pangambang tanong niya. Luminga-linga pa siya sa paligid at baka may ibang taong makarinig sa kanila. Kinakabahang napalunok siya. Hindi iyon pwedeng lumabas at malaman ng iba dahil siguradong magagalit na naman sa kanya ang asawa.
"Jacob..." aniya sa asawa habang nakaupo ito sa harap ng hapag.
"What?"
"Uh, maghahanap ako ng trabaho—"
"Do whatever you want," anito na ikinatigil niya. "Siguraduhin mo lang na walang makakaalam na kasal ka sa akin." dugtong pa nito bago tumayo at iniwan siya.
"Yes." Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang sagot ni Ma'am Sandra. Kimi pa itong ngumiti sa kanya.
"Sorry, is just that I accidentally heard Zach about you and his twin brother, Jacob.” Pag-amin nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. “But don’t worry, alam kong secret iyon kaya asahan mong palaging tikom itong bibig ko. Takot ko na lang na masesante, wala pa namang awa ang boss nating iyon. Paano na ang pamilya ko at mga anak?”
Nakahinga siya ng maluwag.
“S-Salamat,” utal na aniya.
Hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin kapag lalabas iyon sa publiko.
“Ano? Pupunta ka ba sa anniversary party ng hotel?” puno ng pag-asang tanong nito sa kanya.
Siguro kung siya pa ang dating Heejhea Angela Saavedra baka hindi na siya nito kailangang tanungin pa dahil pupunta talaga siya.
Pero marami ng nagbago sa kanya lalo pa at may mas kailangan siyang unahin kaysa sa mga gusto niyang gawin.
"Hindi ako makakasama," tugon niya sa malungkot na boses. "Alam mo naman na may anak akong dapat pang alagaan, 'di ba?"
Yes, alam nito iyon dahil ito ang inutusan ni Sir Zach para i-arranged ang duty schedule niya.
Being a secret wife is not an easy, at hindi rin madali ang pagsabayin ang pag-aalaga sa kanyang mag-ama at pagtatrabaho niya dito sa hotel.
She’s a brat and a party goer before she married King Jacob De Sandiego. Kaya noong una ay napakahirap sa kanya sa pagbabago ng nakasanayan niya pero kalaunan ay nasanay rin naman siya.
Wala rin naman siyang choice kundi ang sanayin ang sarili sa bagong mundong ipinapalasap ng ssawa niya sa kaniya . Kahit na napakayaman nito at kayang-kaya siya nitong buhayin pero hindi naman normal ang pagsasama nilang dalawa.
Pinalaki siya ng kanyang ama na maluho at may taga-silbi kaya noong una, hirap na hirap talaga siya sa paglilinis lalo pa at hindi simpleng bahay lang ang lilinisin niya. Maglaba rin siya at mamalantsa.
Lalo na ng dumating sa buhay niya si baby Philippe, iyon ang pinakamahirap pero pilit niyang kinakaya. At ngayon unti-unti ay nakapag-adjust na siya.
Nang mapatingin siya sa magazine na hawak ng isang kamay ni Ma'am Sandra ay wala sa sariling napangiti na lang siya nang makita niya ang taong nagpapahirap sa kanya sa loob ng mahigit tatlong taon.
It's King Jacob De Sandiego with his male cousins.
Taon-taon ay nape-feature ang asawa niya sa iba't ibang sikat na mga business magazine bilang pangalawang may pinakamataas na tax payment ng bansa dahil sa dami nitong negosyo rito sa bansa at maging sa iba't ibang panig ng Asya at Europa.
Minsan naisip niya, paano kaya kung buo ang pamilya niya? Mangyayari kaya ito sa kanya? Kung hindi siya ipinakilala ng Papa Seigfried niya kay Jacob magiging asawa kaya siya ni Jacob? Masaya kaya siya katulad ng ibang mga babaeng may asawa na nakikita niya?
Mahal na mahal niya ang asawa niya pero hindi naman pala siya nito totoong minahal. Na kaya lang pala siya nito nililigawan noon dahil isa siya sa mga negosyo nito na kailangan nitong makuha.
Jacob, saan ka pupunta?" tanong niya habang ipinulupot sa hubad niyang katawan ang kumot.
Bumangon na lang kasi ito bigla at kaagad nagbihis matapos ng may mangyari sa kanila. Napakurap pa siya nang malamig lang siya nitong tingnan.
Hatred. That's what she saw in his cold eyes. But why? May nagawa ba siyang mali? Or was it because she was a virgin, at parang tuod lang siya habang nakikipagtalik siya rito?
"Away from my sl*t wife," he said in gritted teeth. Nag-iigting din ang panga nito.
Napasinghap siya sa sinabi nito. Sl*t? Siya isang p*t* sa paningin nito?
Agad nangilid ang mga luha niya sa mga mata nang tingnan niya ang asawa.
"J-Jacob, a-ano ba 'yang sinasabi mo? Alam mong ikaw lang at pinatunayan ko iyon sa 'yo kanina, 'di ba?" she said in a hurtful voice.
May luha na ring naglandasan sa pisngi niya.
Sobrang sakit naman kasi ng sinabi nito patungkol sa kanya. In her 20 years of existence, she's NBSB before him. Yes, she loved to party and bar-hopping, but she preserved herself to the man she loved, and that's him.
Ngunit ang kulay-abong mga mata ni Jacob ay puno ng panunuya na nakatingin lamang sa kanya.
"Well, it doesn't change the fact." Anito at tumalikod na.
Ano ba ang ibig sabihin nito? Akala ba niya mahal siya nito?
"W-What do you mean?" nanginginig ang kanyang mga labing tanong niya. Napahinto naman ito sa akmang pagpihit nito sa seradura.
"Just so you know," anito at nilingon siya. "I married you not because I have felt the same way you have felt for me. I married you because your father told me so, in exchange for that g*dd*mn resort." Pinihit nito pabukas ang pinto. "And by the way, from now on, stay away from me. You're not my wife in this mansion. You're a maid." he said venomously before he left and shut the door harshly.
Halos hindi siya makahinga sa mga pinagsasabi nito.
Buong akala niya mahal siya nito kaya siya nito pinakasalan. He even said I love you to her. Pero lahat pala ng iyon ay isang kasinungalingan lang.
And that night he broke her into tiny pieces. Dinurog nito ang buong pagkatao niya. Lahat ng kompyansa niya sa sarili na ay tuluyan ng nawala.
Naguguluhan siya kung bakit lahat na lang ng taong mapapalapit sa kanya ay panandalian lang at palagi na lang siyang ginagamit.
Was it because she's gullible and easy to fool?
Kinabukasan noon ay kinausap niya ang Papa niya at mas lalong nadurog ang sobrang durog na niyang puso nang kompirmahin iyon ng kanyang ama.
Her heart constricts in pain upon remembering that hurtful night. Hanggang ngayon ay sariwa pa iyon sa isip niya at araw-araw iyong gumagawa ng sugat sa puso niya.
"Ayy, oo nga pala," mahinang sabi ni Ma'am Sandra at tumango. "Sige, sasabihin ko na lang kay Boss Zach." Dugtong nito at kaagad ng nagpaalam sa kanya.
"Sige po, Ma'am."
Nang makalabas na ito sa locker room ay ipinagpatuloy niya ang pagliligpit ng kanyang mga gamit para makauwi na siya.
Susunduin pa niya ang kanyang anak na iniwan niya muna sa kanyang kapatid. Doon kasi niya ito iniiwan kapag papasok na siya sa trabaho. Minsan gusto na lang niyang sumuko pero kapag naisip niya ang anak ay agad din naman siyang matauhan.
Hindi na katulad ng dati na tanging sarili lang niya ang iniisip dahil may anak na siya na una sa lahat ng priority niya.
Hindi rin madali ang unang araw niya bilang chambermaid. Minsan ay may mga guest ng hotel na binabastos siya at in-offer-an siya ng pera para maikama siya pero idinadaan na lang niya sa pakikipag-usap ng mahinahon sa guest na iyon.
Minsan na rin siyang nasabuyan ng malamig na juice kundi naman mamahaling wine dahil napagkakamalan siyang kabit ng mga asawa ng lalaking guest ng hotel.
Nasampal na rin siya at kung anu-ano pa dahil sa mga maling paratang ng mga taong walang magawa sa buhay kundi manghamak ng kapwa.
Napakahirap pero kinakaya niya lahat para sa anak niya.
She dream of seeing her son grow healthy, happy, and prosperous. She's not perfect, she make mistakes, but her love for her sons is like nothing else.