"TOUCH my wife again and I will kill you." Heejhea immediately froze when she heard that familiar cold voice. It's Jacob. Mabilis siyang pumihit para kumpirmahin kung ang lalaki ba talaga. At gano'n na lang ang pagkatuwa niya nang ang lalaki nga ang nandito. Madilim ang anyo nito. Magkasalubong ang dalawang kilay at matalim ang mga mata na nakatitig sa lalaking kanina pa nanggugulo sa kanya. Pero sa halip na matakot siya kay Jacob ay nagpapasalamat pa siya at dumating ito. “Jacob…” sambit niya. Kaagad siyang lumapit dito at kumapit pa siya sa braso ng lalaki. Tila nakahanap siya ng kakampi sa naging presensya nito. Kanina pa kasi siya ginugulo ng lalaki na may maangas na mukha at makapal pa ang bigote nito kaya natatakot talaga siya. Nang tingnan siya ni Jacob ay agad lumambot ang

