NAGISING si Heejhea na parang binibiyak sa sakit ang ulo niya at parang umiikot din ang buong paligid niya. Dagdagan pa na may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Sapo ang noo ng kanang kamay niya ay pinalis niya kung ano man iyong nakadagan sa may tiyan niya habang nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Natatakot siyang dumilat at baka bigla na lang siyang himatayin sa sobrang pagkahilo. "Wife? Hey, are you okay?" Nag-aalalang boses ni Jacob ang narinig niya. Ang mga kamay pala nito ang siyang nakapulupot sa kanya kanina. "Anong ginagawa mo rito?" "Nasa kuwarto kita." Napaahon siya sa kama at nagmamadaling bumaba habang nakapikit pa rin siya, kaya muntik na siyang mahulog kung hindi siya kaagad nahawakan nito. "Sh*t, Heejhea!" He hissed. Natakot siya at napau

