"Jhea, are you, okay?" Bungad na tanong ni Reichel kay Heejhea nang lumabas siya ng silid. "What my mom told you? Sabi kasi ni Yelena ay kinausap ka raw ni Mommy." "Uh, nothing happened. I'm okay, ate Chel. Babalikan ko lang ang anak ko sa kuwarto ni Jacob," aniya. Lalagpasan na sana niya ito nang muli itong nagsalita. "I know my mother very well, Heejhea. Kaya alam kong may hindi maganda siyang nasabi sa 'yo." Nagbaba siya nang tingin. Kung ano man ang napag-usapan nila ni Ma'am Zarrina at kung ano man ang mga sinabi nito sa kaniya, naiintindihan naman niya ito. "I'm sorry," mabilis nitong hingi ng paumanhin nang makita siguro nito ang pagod sa hitsura niya. Kung hindi lang masakit ang puso niya at napapagod baka namangha na siya. Wala kasi sa personality ni Dra. Reichel Ann D

