“Monalisa.” Paunang basa ko liham ni Roger Santiago na para daw sa akin. Ayaw ko sana itong pag-aksayahan ng oras pero dahil pinakiusapan ako ni Lucas at Leon kaya heto at hawak ko na ang papel. “Kamusta ka na baby ni daddy?, ako heto nahihirapan na dahil simula ng nakawin ka ng magkapatid na Alcaide ay hindi na ako makakain at makatulog kakaisip na baka mahulog ka isa sa kanila o sa kanilang dalawa, paano na ako?. Baka katulad ng ginawa ng una kong minahal na babae ay balewalain mo na din ako. Naalala ko pa noong nagmamahalan kami ni Melissa ay masaya naman kami sa simple at payak na buhay sa bukid. Kaso, isang dayuhan na haciendero ang dumating, ninakaw niya sa akin si Melissa kaya't pinagplanuhan ko kung paano mababawi ang babaeng pinakamamahal ko. Pero hindi ako nagtagumpay kaya't n

