“Leon, nasaan si Lucas?.” Tanong ko sa lalaki na abala sa pagsuntok sa isang punching bag dito sa underground ng bahay. May malaking gym kasi dito kung saan nag eensayo din ang kanilang mga tauhan. “Bakit namimiss mo?.” Hindi ako nakakibo sa tanong ng lalaki dahil sa totoo lang ay parang gusto kong makita si Lucas, dalawang araw na kaming hindi nagkikita, ang sabi ni Leon abala daw ang kanyang kapatid sa bagong misyon nito. “Nagtatanong lang ako Leon h'wag mo lagyan ng kulay.” Sabi ko sa lalaki sabay talikod. Humabol naman si Leon sa akin at inakbayan ako habang May naglalarong ngiti sa kanyang labi. “Kadiri ka naman, basang-basa ng pawis ang katawan mo Leon tapos kung nakayakap ka sakin, ew!.” Umakto ang lalaki na inaamoy ang kanyang magkabilang kili-kili. “Wala naman akon

