“Bilisan ninyo ang kilos mga anak! Mahuhuli na kayo sa klase!.” Sigaw ni tita Dory habang inaayos ang baon namin na sandwich na siya din ang gumawa. “Mama naman kasi, para kaming elementary students na may baon pa.” “Edi wag! Oh Lucio ikaw na lang mag baon nitong dalawa ha?. Mabubusog ka d'yan dahil marami yang bacon sa loob at egg.” “Salamat po tita.” Nagpasalamat ako sa babae at saka humalik sa kanyang pisngi at sumakay na kami sa kotse na maghahatid sa amin sa paaralan. Pagpasok namin sa loob ng campus ay nakita ko na kaagad si tukmol na Roman. “Wow! Iba din ang trabahador na ito, masyadong sipsip sa mga amo, nakikisakay pa talaga sa kotse.” Parinig ni tukmol habang nakasandal sa kanyang sasakyan na kulay dilaw. Napailing na lang kami ni Dennis habang nagtatawanan ang mga es

