Napabalikwas ako ng bangon dahil naalala ko na katabi ko pala ni Monique. Pero pagtingin ko sa aking gilid ay wala man lang ni bakas ng babae. Parang panaginip lang ang nangyari. Pinisil ko ang aking pisngi para magising ako pero napangiwi ako ng tumayo ako at umihi. Medyo mahapdi ang ulo na bahagi ng alaga ko at namumula ang butas. Indikasyon na hindi panaginip ang naganap. Pagkatapos ko ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako ng aking silid. Ang creepy ng ngiti ni Dennis sa akin kaya nagtataka ako na tinitigan din ito. Pasipol-sipol pa ang lalaki na mukhang masaya. “Mag-almusal na tayo at tigilan mo ang kakasipol mo Dennis, para kang kalapati d’yan.” Saway ni tita Dory kay Dennis na naupo naman kaagad sa tabi ko. “Mama, kawawa yung isang bebe kanina na nakita ko tsk, nakatagilid

