Mabilis ang kilos ko na tumungo sa banyo para maligo. Pagkatapos ko tingnan ang aking sarili na maayos na ay lumabas na ako ng aking silid. Bigla na naman akong tinamaan ng lungkot. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakabalik sa lugar na ito. Naiiyak ako na sinara ang pinto. Tatawagan ko na lang si Victoria na tingnan nya ang aking bahay, total may susi naman siya. Ipapadala ko na lang ang bayad sa account niya monthly. Pagkatapos ko isara ang maindoor ay bumuhos na ng tuluyan ang masaganang tubig sa aking mata. Ayaw ko umalis pero kailangan na tulungan ko si mommy. Kahit papano ay naging mabuting ina din naman ito sa akin. Masyado nga lang mahina dahil hindi kayang takasan si daddy.
Pagdating ko sa airport ay pumunta muna ako sa banyo. Pagkalabas ko ay may nakabangga pa sa akin na lalaki. Nakakainis lang dahil masyado itong mayabang, hindi man lang nag sorry sa akin. Mukhang high profile dahil may mga bodyguards pa na kasama. Suminghot ako ng hangin dahil naiiwan ang mabangong amoy nito.
“This way po Don Sebastian.”
Sabi ng isang lalaki, pagharap ko ay matanda na pala ang nakabangga sa akin. Pero maliksi ang kilos nito at matikas. Napakagat labi ako, sa tanang buhay ko hindi pa ako nakikipag s*x sa matanda. Parang exciting kapag ganito ka gwapo. Ang lapad ng balikat at ang tangkad. Tinalikuran ko na ang matanda pero tanda ko pa rin ang pangalan nito.
“Don Sebastian”
Sambit ko sabay lakad patungo sa aking upuan. Nang tawagin na ang aming flight ay pumila na ako hanggang sa nakaupo na ako ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog. Naamoy ko na naman ang pabango ng matanda kanina, hindi ko alam kung bakit naa-arouse ako. Pilit ko man na nilalabanan pero nag-iinit na naman ang katawan ko. Kaya't kinuha ko sa aking bulsa ang maliit na remote at pinindot ko ang medium speed. Napakagat ako sa aking labi ng nagsimula ng gumalaw ang laruan na nakasalpak sa aking pagkab*bae. Maliit lang ito pero malakas ang vibrate, fave ko ito sa lahat ng aking laruan. Kulay pink na parang ka size lang ng daliri ko sa kamay. Napahawak ako sa gilid ng aking kinauupuan. Ramdam ko din ang paggalaw ng aking puson. Napayuko ako dahil ang sarap ng aking nadarama.
“Hmmmmmm f*ck!”
Mahinang mura ko dahil masarap talaga, pinagpilipit ko na ang aking dalawang binti dahil pakiramdam ko ay sasabog ang aking katas. Bakit kasi nakakalibog ang amoy ng matanda na yun?. Pahamak masyado, mabuti may nakasalpak sa akin kung hindi ‘e baka nag kamay na naman ako sa banyo. Hanggang sa ilang sandali pa nga ay napatakip na ako ng palad sa aking bibig at impit ako na napaungol. Nanginig ang aking katawan sa sarap. Pakiramdam ko ay basang basa na ako. Ibinuka ko ang kumot na dala ko at hinarang sa aking kalahating katawan. Naka dress lang ako kaya nagawa kong kapain ang aking pagkabab*e na basang basa. Pasimple na pinunasan ko ng wipes at hinugot saglit ang laruan, pagkatapos ko punasan ay sinalpak ko na muli. Maaaring kadiri para sa normal ang ganito ko na ginagawa pero mas okay na ‘to kaysa magpa kant*t ako kung kani-kanino. Ipinikit ko na ang aking mga mata at sinubukan ko na matulog. Hanggang sa nagising ako na nasa Pilipinas na pala ako.
Pagdating namin sa airport ay parang ayaw ko ihakbang ang aking mga paa. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Parang mayroong enerhiya na nagpipigil sa akin na gumalaw. Pero wala akong nagawa kaya tumayo na ako at sinimulan ko ng humakbang. Nasa byahe na ako ngayon sa loob ng taxi. Kinakabahan man pero wala naman akong magagawa dahil nandito na din ako. Panibagong byahe na naman ako patungo sa aming probinsya, by land ay aabutin ng anim na oras. Pero sa ngayon sa hotel na muna ako tutuloy at bukas ng umaga na ako bi-biyahe pauwi sa amin na bayan.
“One room please.”
Sabi ko sa babae na nasa front desk. Humingi pa ito ng ID tapos sasabihin na deluxe lang ang meron. Wala na daw sophisticated Suits. Wala naman akong pagpipilian kasi nakalimutan ko iutos sa assistant ko na magpa reserve para sa akin. Ibinigay ang card sa akin at sinamahan ako ng isang lalaki na siyang tumulong sa akin na buhatin ang aking mga dala na bagahe. Pagdating sa silid ay pumasok na kaagad ako sa loob at binigyan ko lang ng tip ang tumulong sa akin, pantalon ako na nahiga sa kama.
“Welcome Philippines! Welcome to hell Monalisa!”
Sigaw ko na parang baliw, sa totoo lang ay kinakabahan din ako dahil para akong makikipaglaro ngayon sa demonyo. Dahil alam ko na mas Hudas pa kay Hudas ang aking ama-amahan. Takot, galit ang nararamdaman ko ngayon na pinaghalo. Sana ngayon, sumang-ayon na sa akin ang pagkakataon. Tumayo ako at binuksan ang telebisyon. Unang bungad, mukha kaagad ni Satanas aka Roger Santiago. Akala mo talaga kagalanggalang na lalaki. Sino ang mag-aakala na manyakis ito at kung sino ang mga schoolar niya siya rin niyang nga puta na parausan. A groomer! Kaya pala pinapauwi ako dahil na iisyo na naman ito na may baba, kailangan niyang ipakita na huwaran kaming pamilya. Tang*na nakakasuka!
“Excuse me, May date pa kasi ako at ang aking wife. Hinihintay na ako sa bahay. Baka kapag na late ako ‘e outside the kulambo ako. Hahahahah”
Pagbibiro pa ng matanda, akala mo talaga tunay na under ‘e. Hindi nila alam ginagawa lang nitong punching bag ang mukha ng kanyang asawa. Makuha ko lang lahat ang listahan ng mga kasosyo nasa kanyang blue book ay kaya ko na itong tablahin.
“Kaylan ka kaya mamatay na hayop kang demonyo ka?!”
Kausap na tanong ko sa telebisyon. Gusto kong basagin ang mukha ng matanda pero kailangan ko ikondisyon ang sarili ko sa pagpapanggap na isa akong masunurin na anak. Bukas ay kailangan ko na mas tatagan ang aking sikmura at utak. Hindi ako paladasal na tao pero sa oras na ito ay napapikit ako.
“Panginoon, kung totoo ka man. Panatilihin mo lang akong buhay at si mommy okay na sa akin. Ako na ang bahala sa iba pang mangyayari sa kinabukasan. Sana tulungan mo ako sa aking plano na makatakas kami ni mommy sa kamay ng demonyo ko na ama-amahan. Sobra na ang pagtitiis ni mom. Oras na para labanan si daddy. Ikaw na po ang bahala sa akin. Amen.”
Matagal akong hindi naniwala na may D'yos sa langit. Matagal akong kinain ng galit, kaya't hindi ko alam kung bakit ngayon ay nag dasal ako. Siguro dahil alam ko na hindi ko kayang mag-isa ang laban na aking haharapin. Padalhan sana ako ng ama ng anghel mula sa langit, na kahit alam ko na makasalanan ako ay bigyan pa rin niya ako ng pagkakataon na makaahon sa apoy ng kasalanan.