CHAPTER: 4

1271 Words
Nakatingin ako ngayon sa isang malaking gate na naka arko ang apelyido na Santiago. Heto na nandito na ako. “Woaaaaah! Bring it on life!” Parang baliw na sigaw ko mula sa loob ng taxi na aking sinasakyan. Ang haba ng pag-uusap ng driver at ng gwardya pero ang ending ayaw kami papasukin. Kaya nagpasya na akong bumaba. Ibinababa ko din ang aking shades at humarap sa gwardya gamit ang blangko na mukha, halatang nagulat ang security guard. Wala pa akong sinabi ay inutos na kaagad nito sa isang gwardya na buksan ang baracada. Taas noo ako na pumasok muli sa loob ng sasakyan at napaisip. Mas humigpit ngayon, ibig sabihin mas marami ngayon aktibidades sa loob. “Yaya Inday!” Sigaw ko dahil hinahanap ko ang aking yaya noon. Pero isang babae ang lumabas na halos kasing edad ko lang siguro, nakasuot ito ng uniporme na pang kasambahay, nakataas ang kilay na tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako umimik at nakakatawa na makikipagtitigan din ang babae sa akin. Ang lakas ng loob. Siguro ay isa ito sa mga puta ni Senator. Knowing ng dad, mahilig ang matanda sa malalaking hinaharap. “Excuse me, kung sino ka man na babae ni Sir Roger, wala siya dito at bukas pa ang dating. Bumalik ka na lang sa ibang araw.” Maarte at nanunudyo na pagkakasabi ng babae na ‘to. Wala sigurong telebisyon sa loob kaya hindi niya ako kilala. Sabagay, malayo na ako sa nene noon na dalagitang umalis sa bahay na ito ilang taon na ang nakalipas. “Miss h'wag ka ng makulit. Umuwi ka na dahil wala si Senator, wala naman siyang binilin na may darating dito na schoolar niya na bibigyan ng pera.” “Will you shut up?! Naririndi na ako sa bunganga mo. Una sa ating dalawa ikaw ang mukhang puta. Pangalawa anak ako ng may-ari ng bahay na ‘to. Kaya gumilid ka dahil kanina pa ako sa'yo naiirita.” Sigaw ko sa babae na sakto naman ang dating ni yaya Inday. Mabilis akong tumakbo sa matanda at niyakap ito. “Ang laki mo na Mona anak.” “Namiss po kita yaya.” Sagot ko sa matanda sabay yakap dito. Tumingin naman ang babae kaya nagsalita si yaya. “Babe, bakit naman hindi mo pinapasok si Mona?. Ito ang nag-iisang anak ni Senator.” Tanong ng aking yaya na nagtataray pa sa babae. Kumindat pa ang matanda sa akin at ginaya na ako papasok sa loob. Babe talaga ang name?. Parang tanga lang, hindi pinag-isipan ng magulang. Napapailing na lang ako sa aking naiisip. “Yaya, nagugutom na po ako.” Paglalambing ko sa matanda. Tumango naman ito kaagad at sundan ko daw siya sa kusina. Mas maraming kasambahay na nadagdag at mga mas bata pa. Si yaya lang ata ang matanda dito ah, at ang nagluluto ngayon. “Anong nangyari dito?. Pakiramdam ko nasa high end bar ako, ang daming mga mukhang high end pokpok dito.” Malakas na tanong ko kay yaya na natawa na lang sa aking sinabi. Hinainan ako ng matanda ng mga pagkain at ako naman ay biglang nag takam. May mga nakahain na karne pero ang mas umagaw ng atensyon ko ay ang seafoods at laing. Kumain ako ng marami at hindi ako kumain ng kanin, sarap na sarap ako sa mga nakahain na ulam. Namiss ko ang lutong bahay, ang pagkain at lasa ng lutong Pinoy. Pagkatapos ko mabusog ay hinila ko si yaya at inaya sa aking silid. “Yaya, nasaan si mommy?.” “Hindi ko alam anak, pero kasama siya ng isang panyero ng iyong ama. Matagal na silang hiwalay ng iyong ama na matulog. Nasa tatlong taon na din siguro.” Nagulat ako sa impormasyon ng matanda knowing daddy, possessive na manyakis yun pagdating kay mommy. Anong dahilan bakit pumayag siya sa ganun na set-up?. Nahihiwagaan ako sa nangyayari dito pero mas pinili ko na magpahinga muna sa loob ng aking silid. Napapikit ako ng buksan ko ang bintana at nasamyo ko ang sariwang hangin. Perfect paradise ito kung hindi lang sira-ulo ang aking ama-amahan. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. Halos walang pinagbago, ganun pa rin ang ayos. Parang bumalik lahat ng lungkot at sakit sa aking puso. Pero tinatagan ko ang aking sarili kailangan ay huwag ako maging mahina tulad ni mom. Naalala ko bigla ang bahay ko na naiwan sa L.A. hinanap ko ang aking cellphone at tinawagan si Victoria. “Mona?, bakit parang nasa ibang bansa ka?.” “Yes, nandito ako sa Pinas. Ikaw na muna ang bahala sa bahay ha?. Ipapadala ko na lang sayo ang monthly na bayad sa bank account mo, paki despise din ang mga pagkain dahil matagal akong mawawala ikaw na ang bahala iuwi mo lahat kahit mga de lata.” Sabi ko sa babae sabay mabilis na nag paalam. Naghubad ako kaagad ng aking saplot sa katawan para magbabad sa bathtub. Dahil alam ko na hindi ko na matatakasan ang ganitong buhay, I enjoy ko na lang. Halos isang oras din ako nagbabad ng magpasya ako na umahon na at mag bihis. Pupunta ako sa bar mamayang gabi. Enjoy ko muna habang wala pa ang demonyo. Nakasuot lang ako ng manipis na sando na may n****e pad naman ang aking dibdib kaya hindi bakat ang aking u***g, pinarisan ko ng cotton shorts para komportable ako gumalaw. Wala akong nilagay na make-up at tanging moisturizer lang sa balat. Nag spray lang ako ng pabango at nagpasya na tumambay sa labas, sa hardin ng bahay. Dala ko ang kaha ng aking sigarilyo na mayroong pula na filter at lighter. Naglakad ako pababa ng hagdan at nakita ko na walang ginagawa ang mga kasambahay kung hindi nag chichismisan. Taas noo ako na dinaanan silang lahat at naupo sa isang kahoy na upuan sa labas. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan sabay hit-hit sa filter. Pati pala mga gwardya dito may itsura ang mga lalaki, ano kaya ang katarantaduhan ni daddy ngayon?. Nakatingin silang lahat sa akin ngayon dahil hindi pa ako nagpapakilala sa iba, ang iba siguro ay alam na anak ako ng demonyo. Nagpasya ako na tumayo at mag lakadlakad habang naninigarilyo. Pagdating ko sa dulo na bahagi ng swimming pool ay may narinig ako na ungol. Kumot noo na naglakad ako papalapit sa ingay at nakita ko ang isang kasambahay at isang bantay na lalaki nag aso-aso. “So, normal ba dito ang ganyan na eksena?.” Tanong ko habang binubuga ang usok mula sa aking sigarilyo. Mabilis naman ang naging kilos ng dalawang tao para ayusin ang kanilang mga damit pagkatapos ay nakayuko na tumayo sa aking harapan. “Bakit para kayong natatakot?.” Tanong ko sa dalawa na mabilis naman na nagsalita ang babae. “I'm sorry madam hindi na mauulit. Sana naman ay h'wag mo akong alisin sa trabaho. Single mom ako at kailangan ko ng pera.” “Eh bakit bur*t ang inaatupag mo dito?.” Pilosopong sagot ko sa babae sabay talikod. Nakakatamad makipag-usap sa kanila. Mga walang kwentang sagot lang naman ang makukuha mo. Hindi na lang aminin na kumati kaya nagpakant*ot. Bakit ba ang hirap sa ibang aminin na malibog sila?. Normal lang naman sa tao ang libugan. Ang hindi normal ay ang tulad sa akin. Napatulala ako ng bigla ko naisip ito, bakit ba hindi noon sumagi sa utak ko na hindi ako normal?. Bakit ngayon ko lang naisip na kakaiba ako?. Napailing na lang ako dahil sa susunod na araw ko na lang yan iisipin. Sa ngayon gusto ko ikalma ang aking utak at katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD