Nakatayo ako sa pintuan habang ang tatlong anak ko ay sumakay sa kanilang mga sasakyan, makasama sa isang sasakyan ang kambal at hiwalay naman ang aking bunso na babae, dalawang taon lang ang pagitan ng edad ni Violet sa kambal kaya kahit papano ay close ang mga anak ko. Habang palayo ang kanilang sasakyan, napatingala ako sa langit. “Salamat po sa lakas na ibinibigay mo sa akin, sa pagiging matatag. Kung ano man ang plano mo sa buhay ko ikaw na po ang bahala.” Ako naman ang sumakay sa aking kotse at pagkatapos ay pinasibad ko ito kaagad. Pagdating ko sa opisina ay nadaan ko ang maraming VIP's na may kanya-kanyang nag a-assist sa kanila, ngumiti lang ako ng binati ako ng isang staff at saka ay dumiretso na ako sa loob ng aking opisina. Napatayo ako ng ilang katok lang ay biglang pumaso

