Hanggang ngayon tulala pa rin ako dahil sa biglaan na pag-alis ni Leon. Mahal ko naman ang lalaki at kahit mas matimbang si Lucas ayaw ko naman saktan si Leon na umpisa pa lang ay naging mabait na sa akin. Katulad nga ng sabi niya, gusto niya ako maging masaya kaya yun ang gagawin ko. Sa desisyon ng lalaki, lalong tumaas ang respeto ko sa kanya dahil bihira ang tao na kayang magparaya. “Monalisa, gusto mo ba baby na kausapin si tita Marissa mo?. Kung ready ka na?. Ililipat na kasi siya sa mas malaking piitan kung saan doon na niya pagbabayaran ng matagal ang kanyang mga kasalanan.” Nangunot ang aking noo sa sinabi ni Lucas, ang mga kasalanan?. Ano pa ba ang mga ginawa ng mangkukulam na yun?. “What do you mean na mga?.” “Siya ang nag plano ng lahat, tauhan niya ang nag udyok kila Rog

