Nagulat nga ang matandang Don ng abutan niya ako na nakaupo sa kanyang bahay, sa sala. “Hi.. Good morning Don Sebastian, honey.” Maharot na bati ko sa matanda na isang tingin ko pa lang ay kita ko na wala itong interes sa akin. Habang nag-uusap kami tungkol sa aking ama-amahan ay nakita ko na may babae na masama ang tingin sa matanda, a-abot sa balikat ang itim na itim at tuwid nitong buhok, ang kanyang mukha ay maliit lang na hugis puso, parang kasing laki lang ng isang palad ng lalaki. Kulay gatas ang kanyang balat at masasabi ko na napakagandang babae ang dumaan. Sa isip ko pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin sa kanya. Hindi ko naman planong agawin ang matanda, gusto ko lang makahanap ng kakampi. “Gusto mo bang sumama sa Villa kung saan ako namamalagi?.” Tanong ko sa matanda

