Zilean POV.
"Chase her!"
Fuck! Kailan ba sila titigil kakahabol? Alam kong maganda ako pero hindi naman nila kailangang maghabol!
Tar*ntadong matanda kase yon, akala niya naman papatulan ko siya? Utot!
Sumasakit na din ang paa ko kakatakbo para lang makatakas sa mga tauhan ng matandang maharot na yon. Hinarot ko lang saglit, andami ng iniisip. Kasalanan ko bang bigyan niya ako ng sandamakmak na pera agad?
Uto-uto kase.
"s**t! Look where you're going" hindi ko na pinansin ang lalaking nabangga ko, pinagpatuloy ko nalang ang pagtakbo ko kesa mag sorry sa kaniya, baka mamaya mahuli pa ako aba.
"Hoy tigil!" Anak ng nanay niyo nga naman! hindi pa din sila tumitigil, the f**k tong mga toh.
Banas na banas na ako, kaya kinuha ko ang heels ko sa paa at hinagis ito. Nagpatuloy ulit ako sa pagtakbo at sakto namang may nakita akong iskinita, kaya nagtago ako doon sa may basurahan. Wala na akong choice, Maliligo nalang ako pag-uwi nyeta.
"Asan na yon?"
"Tado ka, bakit hindi mo sinundan?"
"Bobo ka ba? Magkasama kaya tayo, tanga-tanga neto!"
Mag-aaway na lang ba sila diyan? Bahong-baho na ako sa sarili ko, mga hangal!
"Gago, patay tayo kay boss"
"Ikaw lang, damay mo pa ako"
"Hoy! Dalawa kaya tayong humabol"
Narinig ko na ang mga yabag at boses nilang pahina ng pahina kaya binaba ko ang plastic ng basurahan na nakatabon sa akin upang sumilip.
Wala na sila kaya tumayo ako at pinagpag ang sarili ko. Ang baho-baho ko na kainis.
Naglalakad ako ngayon papuntang sakayan ng taxi, pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil sa itsura ko.
Buti na lang at may tumigil na taxi sa harapan ko kaya kaagad akong pumasok at sinabi ang lugar kung saan ako nakatira. Pero hanggang ngayon hindi pa din umaandar ang taxi.
"Tinitingin-tingin mo diyan manong? Mag-drive ka nalang" Tinaasan ko ng kilay si manong, paano ba naman kase, Ayaw pa ding magpaandar aba.
"Ano na manong? May balak ka bang mag drive o wala?" Iritang tanong ko kay manong.
"Miss, sa iba ka nalang sumakay. Ang baho mo" pasmado din bibig nito eh noh? Wandat pudpudin ko bunganga nito.
"Excuse me, ikaw kaya tumigil sa harap ko" papasakayin niya ako tapos papaalisin ako? Gaguhan tayo ghorl?
"Hindi naman kita pinasakay, assumera ka lang miss. Yung katabi mo ang dahilan kaya ako huminto, hindi sayo" onti nalang masasakal ko na tong si manong. Napaka-pasmado ng bunganga.
Binuksan ko na lang ang pinto ng taxi at padabog ko itong sinara. Bwisit, makapaglakad na nga lang. Akala niya naman kawalan yung taxi niya? Taxing kinulang sa aircon!
Nakakainis! Tapos dumagdag pa tong mga taong toh, tingin ng tingin. Ano mga teh? Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? Dukutin ko mata niyo diyan eh.
Kumakalam na din ang sikmura ko kaya nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagbabakasakaling may makainan, at ayon! Saktong may restaurant akong nakita.
Nakangiti naman akong naglalakad habang papunta sa restaurant na nakita ko. Hindi ko na din pinansin ang mga tinginan ng mga tao sa akin. Ang mahalaga, makakakain na ako! Buti na lang nadekwatan ko yung matandang maharot na tinalo pa ang higad sa sobrang kati.
Ang laki ng ngiti ko habang binubuksan yung pinto ng restaurant, wala bang guard dito? Dapat may nagbubukas dito habang pumapasok ako para sosyal, tapos dapat may pa-red carpet para bongga dvugh!
"Excuse me, beggars were n't allowed here." napatingin ako sa babaeng kumalabit sa akin habang may nakatakip na panyo sa ilong niya. Sino ba toh? Lakas kumalabit, close tayo ghorl?
Tinalikuran ko na lamang siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad papunta sa unahan para umorder.
"Nakikinig ka ba?" Napatingin ako ng masama sa humila ng kamay ko, at si ateng feeling close nanaman. Hilig nito manghila, tanggalan kita ng kamay diyan tamo.
"Ano ba kailangan mo?" Iritang tanong ko sa kaniya na ikinataas naman ng kilay niya. Luh, gigil yan?
"I'm talking to you"
"Malamang, alangan namang sila? Eh ako ang kausap mo. Boang ba you?" Medyo shunga din mag-isip. Pinagtitinginan nadin kami ng mga tao dito.
"Seriously? Umalis ka nga dito. Ang baho-baho mo, ang mga beggars na gaya mo ay dapat nasa lansangan." What? Beggar? Ako? Tf the f**k toh ah.
"Seriously ka din hoy! For your f*****g information, I'm not a beggar!"
"But act the same as them? Look at yourself, mukha kang palengkera. Walang tsinelas at mayroong maduming paa. Malagkit at buhaghag na buhok. Oh wait, is that a wig? You also have dirt in your dress and legs." Tinignan ko ang sarili ko, at tama nga siya! Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao.
"And so what? Deporket ganto itsura ko, ibig sabihin non pulubi na ako? The behavior of beggars seems to be better than wealthy people like you." Lumabas na ako sa restaurant na yon, sa dorm nalang ako kakain. Akala niya naman kinaganda niya yon? Ulol! Mukha siyang tinapa.
Habang naglalakad ako ay bigla na lang kumulog at umulan ng malakas. Ano bang kasalanan ko sa past life ko at pinaparusahan ako ng ganto haaaaa! Buti na lang at malapit na akong makarating sa dorm.
Natatanaw ko na ang dorm ko at nakikita ko na din yung mga batch mates ko. Pagkatapak na pagkatapak ko palang sa dormitory ay pinagtinginan agad ako ng mga batch mates ko.
"Pumunta nanaman siguro yan sa club"
"Malamang, may nadekwat nanamang mayaman yan"
"Gaga sinabi mo pa"
Immune na ata ako sa mga salitang yan, araw-araw ko nalang naririnig ang mga katagang yan. Like duh! so what? Watawat watashiwashi hatdog hatdog digidog.
Pumasok na lang ako sa dorm ko at nakita ko si Dazie, ka-dorm mates ko. She's actually my best friend, since elementary.
"Anyare sayo? Ni-r**e ka ba?!" Dali-daling pumunta si Dazie sa akin at chineck ang katawan ko. Bigla na lang siya umatras at tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawa niyang kamay at sinamahan pa niya ng mulat na mulat niyang mata.
"Omaygash Zin, Na-g**g r**e ka ba? O binugbug ka ng mga barumbado sa labas? Tell me Zin! Anong ginawa nila sayo?!" Umakto naman siya na parang naiiyak habang nakahawak sa magkabila niyang pisnge.
"Bobo mo Dazie, hindi ba pwedeng hinabol lang ako ng mga fans ko? tapos inabutan ako bigla ng ulan habang tumatakbo, Kaya hinagis ko na lang kung saan yung heels ko para hindi ako madulas. kaya maitim at madumi paa ko, tapos nasubsub ako kaya puro dumi katawan ko. Ok na?" Hindi ko na sinabi ang totoong nangyari kay Dazie dahil paniguradong sesermonan nanaman ako niyan.
"Ikaw, May fans? Ano ka, celebrity? Ulol" tinaas niya pa ang gitnang daliri niya bago pumunta sa study table at magpatuloy sa pag-aaral.
Inayos ko naman na ang sarili ko dahil maaga pa ang pasok bukas, at may gagawin pa akong mga plates na nakatambak sa table ko.