Ako ang nagbantay kay Nanay sa ospital kinagabihan. Umuwi na muna si Tatay sa bahay para may makasama si Michael at Anna ngayong gabi. Nagulat pa ang mga magulang ko nang malaman nila na wala akong pasok ngayon, gayong bago pa lang daw ako sa trabaho. Pinuri pa nila si Damon Marquez dahil sobrang bait at matulungin daw siya sa mga empleyado niya. Kung alam lang sana nila ang totoo… sigurado akong mag-iiba ang tingin nila sa kanya. Ngunit… wala akong balak sabihin sa kanila kung ano nga ba ang totoong namamagitan sa amin ni Damon Marquez. Alam kong sobrang masasaktan ang buong pamilya ko kapag nalaman nila kung ano ang ginagawa ko para sa kanila. Maisip ko pa lang kung ano ang magiging reaksyon nila, parang binibiyak na ang puso ko. Kaya naman nagiging maingat talaga ako sa bawat galawa k

