Dumaan muna ako sa mall bago ako umuwi sa bahay. Maghahanap ako ng cellphone para kay Michael. Mabuti na lang at may nakabukas nang mall sa ganitong oras. Bibili na rin ako ng pagkain para sa mga kapatid ko. Mabilis akong nakapili ng cellphone, tatlong libo ang halaga nito. Pwedeng-pwede na itong gamitin ni Michael. Tutal, malapit na rin naman ang birthday niya, regalo ko na ‘to sa kanya. Sumunod akong pumunta sa mga hanay ng kainan. May paboritong fast food chain si Anna kaya naman do’n ko na napagpasyahang bumili ng pagkain. At dahil nandito na rin naman ako sa mall, bibili na ‘ko ng mga gamot niya. Mag g-grocery na rin ako ng mga prutas at pagkain para may madala ako kay Nanay at Tatay sa ospital. “Celine?” Napatingin ako sa likod ko nang may kumalabit sa akin. Nakapila ako sa isang p

