Ang buong akala ko ay tapos na kami ni Damon Marquez sa gabing iyon. Nagkamali pala ako. Dahil nang pumunta kami sa kwarto, paulit-ulit namin iyong ginawa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses… ang alam ko lang, nakatulog ako ng mahimbing dahil sa sobrang pagod. Nang magising ako ay maliwanag na sa labas. Sumikat na ang araw. Napabangon kaagad ako nang mapagtanto na umaga na pala. Napabaling ako sa tabi ko, wala na si Damon Marquez. Nagmamadali akong tumayo para pulitin ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Mabilis kong sinuot ang mga iyon. Tumungo muna ako sa banyo pagkatapos kong magbihis. Naghilamos ako ng mukha at ginamit ko ang toothbrush na nakalaan para sa akin. Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Damon Marquez sa sala. Tutok na tutok ang mga mata niya sa kanyang laptop, na nas

