Kabanata 13 “When are you coming back?” tanong ni Freya kay Leo. Alam naman niya kung kailan ito uuwi, iyon nga lang ay naiinip siya. Gustong-gusto na niya makasama ang lalaki dahil wala itong makausap kapag mag-isa siya sa condo na tinitirhan niya. “Naiinip ka na?” nakangiting tanong ng lalaki sa video call. Umirap si Freya dahil doon. Alam na alam ng lalaki kung paano siya aasarin kahit magkalayo sila. At katulad noong una nilang pag-uusap ay nasa ospital ito at nakasuot ng puting uniporme. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi nito suot ang kanyang salamin. Katulad ni Leo ay nasa opisina rin siya. Nagkataon lang na libre siya ngayon kung kaya’t nakakapag-usap siya ngayon. Pero sigurado siya na sa mga oras na ito ay magtutungo ang kanyang sekretarya sa loob para ipagbigay alam na may na

