Kabanata 14 “Are you okay, Freya?” tanong ni Trevor sa kanya. Hindi siya nakakilos kaagad dahil hindi niya inaasahan na makikita ang lalaki sa restaurant kung nasaan sila ni Mr. Villar. Hindi niya rin inaasahan ang pagtawag nito sa kanyang pangalan na puno ng panglalambing. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi kasuklaman ang sarili niya dahil sa nangyayari ngayon. Porket lang ba may narinig lang siya na ikalalambot ng kanyang puso ay nagiging marupok na naman siya. Bumabalik na naman siya sa Kaia na maunawain noon when in fact, hindi niya ito dapat kaawaan. This man in front of her cheated on her while they are married. He chose that woman over her. Sigurado siyang kung ano man ang rason niya kung bakit nito balak bilhin ang kumpanyang itinayo niya ay hindi siya kasali roon sa dahilan na ‘y

