Kabanata 15 Flashback Five years ago… “Huwag ka nang umiyak, Kaia,” wika sa kanya ni Leo. Kakagising lang niya sa malagim na panaginip kung saan naalala niya ang mga taong walang awang bumaboy sa kanya. “H-Hindi ko na kaya, Leo…” iyak nito sa lalaki. “Binaboy nila ako…” nanghihina niyang pagpapatuloy. “Diring-diri ako sa sarili ko ngayon. Paano nila nagawa iyon? Wala naman akong kasalanan sa kanila. W-Wala akong ginawa kundi maging mabuting tao…” piyok niyang wka. “Pero sa huli, ako pa rin ang naging masama, Leo.” Pumalahaw siya ng iyak sa harap nito. Wala na siyang pakialam kung ano ang itsura niya o di kaya’y kung nakakarindi ba ang boses niya. Gusto niya lang mabawasan iyong sakit na nararamdaman niya ngayon dahil kahit ilang beses na niyang sinabi na tanggap na niya ay iba pa ri

