Kabanata 16 PUMUNTA silang dalawa ni Trevor sa sinasabing lugar nga nito sa Saubea. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan sa lalaki na sa Saubea itatayo ang restaurant na pinaplano nilang gawin as business partners. Hinayaan niya kasi ang lalaki na pumili ng lugar dahil ito ang mas higit na nakakaalam kung saang pwesto sila kikita ng malaki sa oras na maitayo ito at mapangalanan. Buong akala niya kasi ay sa Metropolis din itatayo ito pero hindi pala. Sa pinakamalapit na café roon sa lugar sila tumigil upang kitain ng personal ang Engineer na gagawa sa nasabing building. Doon na rin sa café na ‘yon nila kikitain ang contractor under HDC upang kausapin tungkol sa planong gagawin. Eto ay initial pa lang naman at magkakaroon pa ulit ng panibagong meeting kung saan present ang lahat para sa

