Kabanata 17 HALOS mabigla siya sa ginawa ni Trevor. Literal na nanlaki ang mga mata niya at hindi nakakilos dahil sa ginawa nito sa kanya. She was caught off guard. Kung hindi pa niya naalala lahat ng mga katarantaduhan na ginawa ng lalaki sa kanya ay hindi niya magagawang itulak ito palayo sa kanya. “What the fvck are you doing, Trevor?” galit na sigaw niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita. He was staring at her na para bang may naalala. Pinunasan ni Freya ang labi niya at saka sinamaan ng tingin muli si Trevor. “I thought you wanted to show me how to cheat behind your husband’s back and you can’t even do a kiss properly?” Marahang natawa si Freya at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. How can he be so shameless? “I rather see you cheating with me than flirting with other guys be

