Kabanata 18 “What do you mean, Mr. Dela Vega?” nakakunot-noo niyang tanong sa lalaking kaharap. Nasa conference meeting ngayon si Freya dahil sa isang urgent meeting na ginawa ng board members ng kanyang kumpanya. “I found out that you invested money in JK Holdings.” “And what about that?” “The project that you invested in JK Holdings was failed. You’ve just lost Ten Billion, Mrs. Velasco,” giit niya rito. Matagal naman na niyang alam iyon. Mag-iisang linggo matapos niyang tawagan ang real estate broker ng JK Holdings para sabihan na gusto nitong mag-invest sa kanila ay ibinalita na failed ang project na ito kaya maraming nadismaya na investors dahil buong akala nila ay magiging doble ang perang makukuha nila. Isa siya sa mga nainis dahil sa laking pera na nawala niya. Bukod doon, n

