Kabanata 7

3070 Words
Kabanata 7 “Nabalitaan mo na ba ang nalalapit na kasal ng dati mong papakasalan at ang bago nitong fiancée?” tanong ni Leo sa kanya. UMIRAP SI KAIA sa sinabi ni Leo sa kanya. Syempre ay alam niya kaagad iyon dahil kalat na kalat ang balitang iyon sa kanilang bansa. Everyone knows Tres and that Lacey. Hindi nga lang siya makapaniwala na magagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa babaeng iyon. She doesn’t understand why he would like that woman. Hindi naman sa binubuhat niya ang kanyang sarili pero totoo namang mas disente siya kesa roon sa babaeng iyon. Ilang buwan na ang nakalilipas simula nang mangyari sa kanya ang kalunos-lunos na aksidenteng ang may pakana ay ang dati niyang fiancée na si Trevor. Pagkatapos ng aksidenteng iyon ay kinakailangan niya magpokus sa pagpapagaling dahil sa natamo niyang sugat sa bahagi ng kanyang mukha. Iyon din ang dahilan kung bakit kinakailangan niya magbago ng itsura dahil nasira na nang tuluyan ang mukha niya sa aksidente. Nangako siyang babalikan niya ang mga taong gusto pumatay sa kanya. Pero alam ni Kaia na marami pa siyang dapat ayusin lalo na at hindi pa siya magaling. Ayon kay Leo ay aabutin ng apat na buwan bago tuluyang humilom ang sugat niya dahil sa operasyon. “What? You didn’t want to be updated with them? I thought you want a revenge?” tanong niya rito. Totoo naman iyon. Gusto niyang gumanti. Wala siyang ginusto ngayon kundi ang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Alamin ang totoo at patawan ng karapat-dapat na kaparusahan ang taong gumawa nito sa kanila. Pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto na niya palaging makarinig ng tungkol sa mga taong pinaghihinalaan niya. Kung tutuusin nga ay gusto na nga lang niya manahimik eh. Pero paano naman siya tatahimik kung ayaw naman siya patahimikin ng mga taong ‘yon? Halos araw-araw nan ga tinatanong ang sarili kung bakit at anong kasalanan niya para gawan siya ng masama? All she did was to be a good person to them. Oo nga at may ugali siya pero lahat naman ng tao ay may ganoon diba? Lalo na at kung may kinakailangan siyang tao na ilagay sa tamang lugar upang alam nito kung saan dapat ito lumugar. “Kahit naman hindi ko i-update ang sarili ko ay tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para malaman ko kung ano ang nangyayari sa kanila kahit na hindi naman ako interesado, Leo,” seryosong wika ni Kaia sa lalaki. Sa totoo lang ay kung siya ang masusunod ay nanaisin niya na hindi makarinig ng kahit na anong balita sa kanya. Dahil alam niyang hindi nito papatahimikin ang galit na nanatili sa kanyang kalooban. Gusto niyang kalimutan ang galit na nararamdaman niya ngayon dahil ayaw niyang magpaalipin sa negatibong emosyon pero paano mangyayari iyon kung halos sampalin siya ng reyalidad na ang lalaking mahal niya ay tinangka siyang patayin? Na kaya siya gusto pakasalan ay para magamit sa sariling kagustuhan at motibo? Kahit hindi niya gusto ay walang natitira ngayon sa kanya kundi poot at galit. Walang mapaglagyan ang iba pang emosyon sa kanyang dibdib matapos ng mga pinagdaanan niya. Parang kahapon lang nangyari ang mga ‘yon kaya imposibleng makalimutan niya iyon ng ganoon din kadali. Pakiramdam nga niya ay kahit anong hingi ng patawad ng mga ‘yon ay hindi niya magagawang hanapin sa puso niya ang pagpapatawad dahil sa kasalanang ginawa nito sa kanila. Maghihiganti siya pero sa tamang panahon. Gugulin niya muna ang oras niya sa pagpapagaling. Leo encouraged her to finished a master degree since she has already a bachelor degree of Business Management. Kaonti na lang naman ang kanyang aaralin at pagkatapos ng apat na taon na pag-aaral ay pwede na siya magpatayo muli ng negosyo. Alam niyang hindi niya kaagad mababawi ang Elle kaya mas mabuting magtayo siya ng negosyo na gigimbal sa kanilang lahat. She will become the most powerful woman in the business world. Sisiguraduhin niya na kahit si Lacey ay luluhod sa kanya at hahabulin siya sa kadulu-duluhan ng mundo para lang maambunan ng atensyon. Maging ang dalawa niyang kapatid na mukhang pera ay paluluhurin niya at patatakimin ng hirap sa kanyang mga kamay. Kukunin niya ang lahat ng dapat sa kanya. At para naman sa kanyang dating asawa na niloko siya at ginamit para sa pansarili nitong kagustuhan at motibo ay paglalaruan niya ito ng higit pa sa akala niya. She will play his heart just like how he played her. She will seduce him, make fall in love with him and make him feel the pain that he deserves. “By the way, Kaia… your new id and other papers as well is on the process. It might take some time pero sigurado ako na bago ka mag-aral muli ay bago na ang pangalan mong gamit.” Tumango si Kaia sa kanya. Ayon kay Leo, she will borrow his late wife’s name. Dahil ang bago niyang mukha ay ang mukha din mismo ng namatay niyang asawa. Hindi nga lang ganoon kamukha dahil may mga ilan pang parte sa kanyang mukha ang natira at hindi nabago sa kabila ng aksidenteng natamo niya. “Leo? Is it really okay that I will borrow her name?” Kung siya nga lang ang papipiliin ay mas gusto niya na humanap na lang ng ibang pangalan at iyon ang gamitin. Nahihiya siya kay Leo dahil alam niya kung gaano kaimportante ang namatay na asawa sa kanya. Pero ang lalaki mismo nagsabi sa kanya na mas dapat niyang gamitin ang pangalan ng asawa upang magulantang ang mga taong akala na patay na ito. Tumango ang lalaki sa kanya. “That’s fine. Walang nakakaalam ng totoong nangyari kay Freya, Kaia.” Minsan na binanggit sa kanya ni Leo noon ang nangyari sa kanila pero hindi niya pa alam ang buong kuwento nito. She was afraid to ask on what happened that day. Alam niyang hanggang ngayon ay sensitibo pa rin ang topic na iyon sa lalaki. He loved Freya with all his heart and now, she died without knowing the truth behind her death. Tinanong niya kung sino ba talaga ang pumatay sa asawa nito. Akala niya nga ay hindi nito sasagutin ang tanong niya pero sinagot iyon ng lalaki. “Kasabwat ng ama ng iyong fiancée ang pumatay sa asawa ko, Kaia,” masakit na wika nito sa kanya. Kitang-kita ni Kaia ang sakit nang sabihin nito iyon sa kanya. She was literally out of words. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin pagkatapos no’n kung kaya’t nanahimik na lang siya at hindi na muli pang kinausap tungkol doon. Hindi niya rin inaasahan na halos magkakakonekta lang din ang mga taong may gawa nito sa kanya kaya palak ilala rin nito ang fiancée niyang si Trevor. Marahil sariwa pa ang sugat sa puso nito at naiintindihan niya iyon. It was not easy to lose someone that you loved in your entire life. It wasn’t easy for him to move on and forget about what happened lalo na at alam nito sa sarili niya kung ano talaga ang nangyari. Kahit gusto nitong manahimik, may mga pagkakataon talaga na hindi papatahimikin ng tadhana ang utak ng taong ‘yon hangga’t hindi nito nakukuha ang sagot na gusto niya sa mga tanong na walang tigil sa pagtakbo sa kanyang utak. Para sa lalaki ay hindi isang aksidente ang pagkamatay ng dati nitong asawa. He’s seeking justice until now. And Kaia is hoping that she could help him to find the truth about his wife death and the peace inside his heart. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. You let me use her face… tapos ngayon ay pati ang identity niya ay hihiramin ko. Talaga bang okay lang iyon sa’yo?” “Kung nandito si Freya at malalaman niya kung anong purpose ng paggamit mo sa pagkatao niya, wala iyon magiging kaso sa kanya,” sagot ng lalaki sa kanya. Hindi ito nakatingin ng diretso sa kanya dahil abala ito sa pagbabasa ng makakapal na libro sa kanyang lamesa nang maya-maya ay tumingin din ito sa kanya at ipinagpatuloy ang sinasabi. “Kaya sana ay matulungan mo akong hanapin ang hustisya sa kanya, Kaia.” Biglang kinabahan si Kaia roon. Alam niyang matagal na itong naghahanap ng kaginhawaan sa kanyang dibdib pero hindi iyon binigay sa kanya ng mga taong pumatay sa kanyang asawa. Kung tutuusin ay ayaw naman nitong magalit at magtanim ng galit sa kanyang puso. Sino ba naman ang may gusto no’n hindi ba? Pero nangyari ang lahat nang iyon dahil sa pumatay sa kanyang mga asawa. Doon niya narealize na may pagkakapareho nga silang dalawa ni Leo. Pareho silang nasaktan at kinuha ang mga mahahalagang tao at bagay sa kanila. Pareho silang pinagmalupitan ng mga taong gustong mawala sila sa mundo at dahil doon ay gusto niya itong tulungan dahil kung tutuusin ay utang na loob niya rin ang kanyang buhay dito. She wouldn’t be here if Leo didn’t help her. Tumango siya sa lalaki habang nakatingin ng diretso. “Tutulungan kita, Leo. Ipinapangako kong makukuha natin pareho ang hustisya na kailangan natin.” After five years “Mrs. Freya Velasco, totoo bang may relasyon kayo ni Gabriel Altazar na siyang tagapagmana ng Altazar Enterprises?” tanong ng isang reporter sa kanya. KAKAUWI lang ni Freya sa Metropolis galing sa ibang bansa at eto kaagad ang bumungad sa kanya. Nasa airport pa lang siya pero kagaad na naglipana roon ang mga reporters upang interview-hin siya sa mga isyung nasangkutan niya bago umuwi ng Metropolis. She admits that she’s reckless sometimes at iyon ang madalas na pinag-aawayan nil ani Leo. Ever since she finished her master degree and build the empire that she’s been dreaming of, hindi na natapos ang bangayan nilang dalawa ni Leo. La Parisienne. Iyon ang bagong pangalan ng ipinagawa niyang Hotel and Restaurant sa tulong ni Leo. It was hard at first. Marami silang pinagdaanan sa loob ng limang taon bago nila makamtan ang kinakamtan nila na popularidad ngayon. At sa limang taon na iyon ay sinigurado ni Freya na hindi mawawala sila sa paningin ng mga De Castro at Salvatierra. At nagtagumpay siya roon dahil nagpunta ng personal si Diego, ang kanyang kapatid para kilalanin at ibigay ang proposal nila upang mag-invest sa kumpanya. But she rejected it right away after she read the proposal. Wala siyang balak na tanggapin ang proposal na iyon. Kaya sinabi niya sa kanyang secretary na si Cheska na ipagbigay alam sa mga De Castro na hindi niya ito tinanggap. Hindi rin siya humarap sa mga ito nang pumunta si Diego kasama si Lacey at si Trevor sa kanyang kumpanya. She was not ready to face them yet. Hindi pa iyon ang oras para magharap-harap silang apat. Alam niyang dahil sa ginawa niya na paulit-ulit na pag-reject sa proposal nila ay magiging mainit ang pangalan niya sa kanilang tatlo. At iyon naman talaga ang plano niya. Balak niyang pagmukhain itong mga aso na maghahabol sa kanya at pagkatapos ay bibigyan ng tira-tirang atensyon bago muling iwanan sa ere. Hindi pa kilala ang mukha niya pero ang pangalan niya ay tumataginting na sa larangan ng negosyo. Kaya naman marami na ang naku-curious sa kanya kung sino talaga si Freya Velasco. Bukod doon ay kasunod din nito ang isyu na matagal ng namatay sa aksidente ang asawa ng doctor na si Leo Velasco kaya naman nang maging kilala siya ay ganoon na lang ang gulat ng lahat at sunod-sunod na naglabasan ang mga isyu doon. Mabuti na lang at nagawan ng paraan iyon ni Leo. Leo hate media. Noong naghahanap pa siya ng hustisya tungkol sa totoong nangyari sa kanyang asawa ay sinubukan niyang humingi ng tulong sa media pero ni isa rito ay walang tumulong sa kanya. Pikit-mata silang tinatanggihan si Leo na siyang wala namang alam kundi alamin ang totoong nangyari sa kanyang asawa. Ayaw nilang tulungan si Leo dahil natatakot sila sa maaaring mangyari sa kanila at sa pamilya nila. Dahil doon ay hindi na ito nagtiwala sa mga ito. Pero napilitan siyang magpa-interview dahil hindi makabubuti sa kanila pareho kapag hindi nito sinagot ang mga ‘yon. “My wife has been in coma for many years since that accident. I can’t tell you the exact date when she woke up from the coma but yes, she’s alive. The reason why I didn’t tell anyone about this is because I am busy to help my wife to recover from the incident.” Iyon ang mga salitang binitawan ni Leo sa isang interview pero marami pa rin naglilipana na mga tanong tungkol sa kanilang dalawa at ngayon ay nagawa siyang abangan ng mga ito sa airport dahil may lumabas na ngayon ang uwi niya sa Metropolis at gusto ng mga ito na makita siya ng personal. Mabuti na lang at maaga siyang naabisuhan ni Cheska at Callie na siyang kanyang bodyguard na sa isang way sa airport dumaan at hindi sa mismong exit kung saan nandoon ang mga reporters. Si Callie ang kasa-kasama niya sa paglalakad sa isang way habang si Cheska ay naiwan at doon dumaan sa exit. Nang dahil doon ay napagkamalan nilang si Cheska si Freya Velasco katulad ng naisip nilang plano. Sinabi din ni Freya kay Cheska na maaari niyang sabihin kung sino siya at sumagot ng ilang tanong sa reporters lalo na kung may itinanong itong kainte-interesante para sa kanya. Napailing na lang si Freya sa narinig na tanong sa kanya ng reporter. Hindi niya alam kung bakit siya nalilink ngayon sa iba’t ibang lalaki. She understands that every man is running after her because of fame and wealth that she has. Pero siguradong kapag nawala ang mga ito sa kanya ay hindi na muli siyang hahabulin ng mga ito. Ganoon naman ang mga lalaki eh. At isa pa, wala rin siyang gusto kay Gabriel. She just used him to know more about her brother Derrick dahil ang ilang kaibigan nito ay kilala si Derrick at kasosyo rin sa negosyo. Gabriel was not aware that she’s married dahil nagpakilala siyang single. And now that she’s done with him, sinabi n anito ang totoo. At pagkatapos ay umuwi na sa Metropolis upang asikasuhin ang dapat asikasuhin pero hindi niya naman akalain na magiging sobrang kontrobersyal pala ang bagay na ‘yon at makakaabot pa rito sa pag-uwi niya. “Totoo ba na inayawan mo ang proposal ng De Castro Entreprises at pati na rin ang kasosyo nitong Salvatierra Empire? Anong dahilan at inayawan mo ito? Totoo bang may galit ka sa mga De Castro at Salvatierra?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng reporter. Yes, it was true. Iyon ang sagot niya sa kanyang isipan habang pasimpleng pinapakinggan ang mga tanong ng reporter sa secretary niyang si Cheska. She simply rejected it without thinking the potential of their proposal. Kung tutuusin nga ay hindi naman niya dapat irereject iyon dahil maganda naman ang proposal na ipinadala sa kanya. In fact, she’s actually reconsidering of accepting their proposal but Leo has a better idea. Gusto nitong pahirapan ang mga ‘yon kaya umayon siya sa kagustuhan nito at inireject ang proposal na ipinadala sa kanya. Ininis pa nga niya ang mga ito. Literal na pinaghintay niya ito ng isang buwan para roon sa proposal at pagkatapos ay ‘your proposal has been rejected by Mrs. Velasco’ ang naging sagot ni Cheska sa mga ito na alam niyang ikinainis ng mga ito. Dahil bukod sa nakuha nila itong puntahan siya ng personal ay sinadya niya rin talagang hindi magpakita. She was testing their patience. Tumigil sa paglalakad si Cheska at tumingin sa reporter. Binigyan niya ito ng isang confident na ngiti at saka sumagot. “First, I am not the person that you’ve been waiting. I am just her secretary and to answer your questions, my boss has nothing to do against them. Sa totoo lang, maayos ang parehong kumpanya. They are both entertainers. Maganda rin naman iyong mga proposal nila kay Madame. It’s just that…” Ngumiti si Cheska at muling nagsalita pagkatapos ng limang segundo. “Madame has high standard and unfortunately, they failed to reach it.” Pagkasabi na pagkasabi ni Cheska no’n ay umalis na ito. Kumaripas ng takbo si Cheska upang hindi siya mahabol ng mga ito at sumakay sa itim na sasakyan na naghihintay sa kanya kung saan nandoon si Callie at si Freya. “Good job, Cheska,” wika ni Freya. Buong akala niya ay hindi magiging successful ang plano niya dahil sa kapalpakan ni Cheska. Mabuti na lang at naging okay ang plano na pinaghandaan nilang dalawa. “Sigurado na ba kayo rito, Maam? Tiyak na manggagalaiti na naman ang mga taong nagpunta sa atin noong nakaraan lalo na iyong babae dahil sa sinabi niyo.” “Let them be, Cheska.” May sasabihin pa sana ang makulit niyang secretary nang magring ang telepono ni Freya. Lumabas doon ang pangalan ni Leo na ikinabuntong-hininga niya. “Yes, Leo?” sagot niya kaagad sa lalaki. Hindi niya maiwasan na hindi mapangiti dahil kakalapag pa lamang ng eroplano ay tinawagan na kaagad siya nitop, masigurado lang na ligtas siya. He’s actually worried of letting her go alone pero hindi naman basta-basta nito maiiwan ang trabaho roon. In five years, he became a surgical doctor again. Nag-aral siyang muli upang maalala ang mga pinag-aralan niya sa nakalipas na taon na tumigil siya sa pagdodoktor. Ngayon ay hindi na lang siya basta doctor na ang expertise ay sa plastic surgery kundi isa na rin siyang general surgeon. At ngayon ay kakatalaga lang sa kanya bilang bagong chairman ng ospital kung saan siya nagtatrabaho. “Kamusta? Okay ba ang naging plano niyong tatlo?” “Yes. Papunta na kami ngayon sa La Parisienne kaya huwag ka ng mag-alala,” wika niya at saka tumingin sa bintana kung saan natanaw niya ang billboard ng dating asawa na si Trevor. Wala man lang pagbabago ang mukha nito kahit noong huli niya itong nakita. He’s still the handsome Trevor she used to know and the person who betrayed and used her. Dahil doon ay nakaramdam si Freya ng biglang pag-usbong nag alit sa kanyang dibdib. Hindi niya maisip kung bakit sa kabila ng pagiging matalino ay nakuha niya magpauto sa lalaking kagaya ni Trevor. “I already sent them your invitations. Are you ready to see them?” Bahagyang napatigil si Freya roon at bumuntong-hininga bago tumango sa kanya na may kasamang pagsagot. “Yes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD