Kabanata 8

3023 Words
Kabanata 8 WALANG ipinagbago ang Metropolis sa loob ng limang taon. Ang kaibahan lang ay lalong nagsilakihan ang mga gusali na mababa lang noon. Nakakagulat nga na imbes na saya ang maramdaman niya dahil bumalik na siya ay wala siyang maramdaman na kahit na ano. Wala siyang maalala kundi ang mga malalang sinapit niya bago siya nakuha ni Leo. Akala niya ay hindi na niya maaalala ang lahat pero pagkababa na pagkababa pa lang niya ng eroplano ay parang nagmistulang alon ang mga memoryang pilit niyang kinalimutan. Akala niya ay tuluyan na niyang nakalimutan ang mga ‘yon dahil limang taon na rin ang nakakaraan simula nang mangyari ‘yon. She bet no one could remember what happened anymore dahil marami na ang nagbago simula noong panahon na ‘yon. Her life rapidly changed too. She didn’t expect that her life and views will change even before she got married to the man that she wanted to spend the rest of her life. Pero mabuti nan ga rin siguro na nangyari ang mga ‘yon dahil paniguradong mas malala pa siguro sa impyerno ang tatamasin niya kung sakaling natuloy ang kasal niya kay Trevor. She became a stronger woman in five years. Pinilit niya magpakatatag sa loob ng limang taon. Nag-aral siya at nagtapos upang makapagsimula ulit ng bago sa tulong ni Leo sa bago nitong identity. She was happy of course. Marami siyang nalaman na hindi niya nalaman noong siya pa si Kaia. She enjoyed and tried a lot of things at nagpapasalamat siya kay Leo dahil hinayaan siya nito na gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Pero ngayong nandito na siya ay eto na naman. Nagsisimula na naman mamuo ang galit sa dibdib niya na pansamantala niyang kinalimutan sa limang taon. “Handa na ba ang lahat para sa engrandeng selebrasyon mamaya?” tanong ni Freya sa kanyang assistant na si Cheska. Umaga pa lang ay sobra na siyang abala sa pag-aasikaso ng mga dapat kailangan asikasuhin kahit kadarating niya lang kahapon galing ibang bansa. Kung tutuusin ay may isang linggo pa siyang pahinga dapat bago isagawa ang engrandeng selebrasyon para sa pagbubukas ng pangalawang branch ng kanyang kumpanya. Pero mas pinili niya na huwag na gamitin ang isang linggo upang makapagpahinga dahil ganoon din naman ang mangyayari. Hindi pa rin naman titigil ang utak niya sa kakaisip ng kung anu-anong bagay. Mas gusto niya na lang magtrabaho kesa ganoon ang mangyari kaya kahit kakalapag pa lang sa eroplano kahapon ay wala na itong sinayang na pagkakataon. Nasa office siya ngayon at inaasikaso ang mga ilan pang bagay na kailangan niya asikasuhin bago mangyari ang engrandeng selebrasyon mamayang gabi. Ang engrandeng selebrasyon na mangyayari ay para sa pagbubukas ng pangalawang branch ng kanyang kumpanya sa Metropoli. Ang La Parisienne II at mamaya na ang opisyal na pagbubukas nito. Nang dahil doon ay nag-imbita siya ng mga ilang tao na interesado siyang makita at gusto niya makita. “Yes Ma’am. Naipadala na rin po lahat ang invitations sa mga guest na pinili niyo padalhan pati na rin kay Sir Leo,” sagot naman ng kanyang sekretarya. “Have you schedule the meeting with Mr. Villar tomorrow?” tanong niyang muli sa kanyang sekretarya habang nakatingin sa mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Abala siya sa pagbabasa ng mga ito dahil takot siyang may makaligtaan. Higit niyang inaalagaan ang mga taong nagtatrabaho sa kanya dahil wala naman siya rito ngayon kundi dahil sa mga taong gusto siya makatrabaho at naglingkot sa kanya ng ilang taon. “Yes Ma’am. I got a news from his secretary that De Castro was one of the clients who wants to have partnership with them, Ma’am.” Inaasahan na niya iyon. Kilala ang mga Villar hindi lang sa business kundi pati na rin sa politika. Maganda silang partner pagdating sa negosyo dahil sa marami itong koneksyon. At katulad nga ng inaasahan niya ay target din iyon ng mga De Castro. In fact, alam ni Freya na kasama din ang mga Salvatierra sa planong pagkakaroon ng partnership sa mga Villar lalo na at gustong tumakbo ng ama ni Trevor bilang senador sa susunod sa eleksyon. “Make sure that Mr. Villar will choose us and not the De Castro.” Kagaya ng mga De Castro ay target din ng La Parisienne ang Villar. Mas mapapadali ang lahat kay Freya once na naging magkapartner silang dalawa sa negosyo. Bago siya pumunta at bumalik dito sa Metropolis ay sinugurado niya muna na kilala niya lahat ng maaari niyang makalaban sa oras na simulan niya ang pinaplanong paghihiganti. Wala siyang sinayang na oras at itinuon ang sarili sa dahilan kung bakit niya bai to ginagawa. At iyon ay gantihan ang mga taong nanakit sa kanya pati na rin ang bawiin ang mga bagay na dapat sa kanya lang. “Yes Ma’am. May kailangan pa po ba kayo?” “Wala na kaya makakaalis ka na.” Lumabas si Cheska sa kanyang office at pagkatapos ay saka isinandal ni Freya ang kanyang likuran sa swivel chair bago ipinikit nang tuluyan ang kanyang mga mata. Doon niya lang naramdaman ang pagod. Kahit sa hotel ay hindi siya nakatulog ng maayos. Hindi niya alam kung sadya lang bang namamahay ang kanyang katawan o dahil hindi siya kumportable sa lugar na tinutulugan niya kagabi. Narealize niya na kapag nandito siya sa lugar kung saan nangyari ang lahat ng pangit na karanasan ay alam niyang hindi siya makakahanap kailanman ng katahimikan. Kaya sinisigurado niya sa kanyang sarili na kung anuman ang mangyari simula ngayon ay tatapusin niya dahil alam niyang doon lang niya mararamdaman at makukuha ang katahimikan na matagal na niyang ninanamnam. Imbes tuloy na matulog ay nagtrabaho na lang siya hanggang sa dalawin siya ng antok. Tumawag siya sa mga taong kinakailangan niya upang maisagawa ang unang plano at saka naglaan ng mga proposals sa kanila. Pagkatapos ng ilang tawag ay doon lang siya dinalaw ng antok kaya naman ngayon ay puyat siya. Inikot niya ang swivel chair at humarap sa malaking bintana kung saan tanaw na tanaw niya ang mga nagsisilakihang building sa paligid ng La Parisienne. Hindi niya tuloy mapigilan na hindi magbalik tanaw sa mga nangyari noon sa kanya. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang hinangad kundi simpleng kasiyahan lang. Alam niyang dahil anak siya sa labas ng kanyang ama ay malabo siyang ituring ng mga kapatid niya na isang tunay na kapatid. Pero kailanman ay hindi niya ito pinakitaan ng kasamaan. Ang tanging gusto niya lang hanggang ngayon ay maging maayos sila. Pero habang lumalaki siya ay doon niya narealize na malabo na mangyari ang bagay na iyon. Puno ng inggit ang puso ng dalawa niyang kapatid. Nadagdagan pa ng mga asawa na sakim din sa pera. Sa kabila no’n ay pinilit pa rin niya itong pakisamahan ng maganda. She’s trying to have a close friendship with them. Para man lang maramdaman niya na may pamilya siya at kakampi. Alam kasi ni Freya sa sarili niya na kailanman ay hindi na magbabago pa ang paningin ng mga kapatid niya sa kanya lalo na ang tinuturing niyang ina dahil isa siyang bunga ng kasalanan na hindi dapat nangyari. Nagpapasalamat na lang siya na kahit ganoon ay naging maayos pa rin sila ng tinuturing niyang ina sa kabila ng kasalanan na nagawa ng kanyang ama sa kanya. Pero inaamin niya rin na hindi niya maiwasan na kainggitan ang mga kapatid dahil may nakakausap silang ina na gagabay sa kanila. Siya kasi, lumaki na mag-isa. Kahit na nasa iisa silang bahay, siya pa rin ang nag-aasikaso sa kanyang sarili. She never asked help from others. At kahit gusto niya, mas gugustuhin na lang niya na manahimik kesa makarinig ng iba pang masakit na salita galing sa mga taong mahahalaga sa kanya. She learned how to become an independent woman at early age. Kaya naman nang makita niya ang pinaghirapan niya ay ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya. At the age of 20, she became a CEO of her own hotel and restaurant who just became number one. Wala siyang inasahan na suporta mula sa mga kapatid maliban sa daddy niya. At sapat na iyon para maging masaya siya dahil nakamit niya ang pangarap niya na walang tulong na galing sa pamilya niya lalo na sa daddy niya. Doon niya napatunayan na she can stand on her own without the help of others. After building the empire of her own, lumipat siya sa sarili niyang bahay na ipinagawa niya gamit ang perang pinaghirapan niya. In fact, wala naman na siyang mahihiling pa. Ang gusto na lang niya ay katahimikan mula sa pamilya niya at ang makasama ang taong mahal niya hanggang sa pagtanda. Pero tila ata pinaglalaruan na naman siya ng tadhana dahil kung gaano kadali niyang naabot ang pangarap niya ay ganoon naman ito kahirap abutin. Nang malaman niya kung sino ang may pakana ng aksidente, limang taon na ang nakakaraan ay wala siyang maramdaman kundi galit, poot at lungkot. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng mga taong mahahalaga sa kanya lalo na ang lalaking pinagkakatiwalaan niya. Doon niya narealize na sa kabila ng pagmamahal na ibinigay niya sa mga taong nakapaligid sa kanya, sadyang sakim pa rin ang mananaig lalo na at pera at koneksyon ang pinag-uusapan. Marahil iniisip ng kapatid niyang si Diego at Henry na mas mabuting mawala na siya sa kanilang landas upang mapasakanila na ang kumpanya na ipapamana sa kanya ng ama. Kung tutuusin nga, wala naman siyang balak na manahin ang kumpanya. Masaya na siya sa Elle. But people in their company needs a leader. At maraming taong nagsasabi na deserve niya ang kumpanya na manahin. Narealize niya rin iyon nang sabihin iyon sa kanya ng daddy niya. A company needs someone who will not only take care of its money but people who works under them. At naniniwala siya sa sarili niya na kaya niyang panindigan ang posisyon na iyon. Pero minasama iyon ng dalawa niyang kapatid. Marahil ang iniisip ng mga ito ay pera lamang ang habol niya na hindi naman totoo dahil iniisip niya lang naman ang kapakanan ng mga taong nagtatrabaho sa De Castro Enterprises. At sa kabila ng mga nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang tatlo, sinubukan pa rin ni Freya na unawain ang mga ito at pakitaan ng pagmamalasakit. Pero ano pa bang inaasahan niya sa mga natural ng sakim at malaki ang inggit sa kanilang puso? Iyon nga lang, hindi niya inaasahan na hahantong ang dalawa niyang kapatid na makipagsabwatan sa babae ng dati niyang fiancée na si Trevor. Katulad nga ng sabi sa kanya ni Violet, malaki ang galit sa kanya ng babaeng ‘yon. Hindi pa niya sinasagot si Trevor pero napapansin na niya na nagpapansin si Lacey sa binata. At dahil nga nanliligaw ito sa kanya, hindi pinapansin ni Trevor ang dalagang naghahabol sa kanya. Wala naman siyang pakialam kay Lacey noong una. Pero nang mapansin niya ang sinusubukan nitong gawin ay doon na niya ito kinompronta. Tandang-tanda pa nga niya na nag-away pa sila ni Trevor dahil sa babaeng ‘yon. Kinakailangan pa siya bigyan ng binata ng assurance para lang magtigil siya sa kaka-overthink na kahit anong gawin noong babaeng ‘yon ay hindi sila masisira pero iyon pa rin ang nangyari sa huli. At isa pa mismo sa mga dahilan ang lalaki kung bakit nangyari ang lahat nang ito sa kanya. Until now, hindi niya maiwasan maisip kung bakit ginawa iyon ni Trevor sa kanya. She didn’t do anything bad to him. All she did was to love him pero hanggang sa huli ay nagawa pa rin siya nitong traydurin. Now that she knew what kind of man he is, pinapangako niya na hinding-hindi na siya magpapauto sa mabulaklak nitong mga salita. Kakalimutan ni Freya kung paano niya minahal ang lalaking nagpaikot sa kanya upang masagawa ang plano at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya at pati na rin sa kaibigan niyang si Leo. Sa kabila ng mga nalalaman niya ay hindi pa rin sapat ang mga ebidensyang hawak niya sa loob ng limang taon upang madiin ang mga taong gumawa nito sa kanya. Alam niyang, hindi lamang si Lacey ang nag-udyok sa dalawa niyang kapatid upang ipakidnap siya at gawan siya ng masama. Alam niyang may mas malalim pa itong dahilan lalo na at narinig niya mismo sa mga kidnappers niya noon ang apelyido ni Trevor. Iisa lang ang alam niya sa ngayon, hindi lang pera ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat nang ito at kung anuman ang bagay na iyon ay handa siyang alamin para makuha ang hustisya na gusto niyang makamtan at ang katahimikan na karapat-dapat sa kanya. Nawala siya sa kanyang malalim na iniisip nang pumasok ang kanyang secretary na si Cheska na nandyan na ang mag-aayos sa kanya at handa na rin ang lahat para sa engrandeng party na inihanda niya sa mga taong dadalo. Tumango siya sa kanyang secretary at pagkatapos ay tumayo na maya-maya at nagtungo sa sarili niyang dressing room na matatagpuan lang din dito sa kanyang opisina. She has a very large office and the room next to her office is her private room or bedroom. Sinadya niyang ipagawa ang kuwartong ‘yon upang doon siya matutulog kapag wala na siyang oras na umuwi pa sa condo na binili niya kamakailan lang. May sarili rin itong dressing room kung nasaan siya ngayon at ang kanyang stylist na pinapasok ng kanyang secretary na si Cheska kani-kanina lang. She was sitting on her vanity chair nang simulant siya ayusan ni Rumina, her personal stylist ever since she became the CEO of La Parisienne. Isa rin si Rumina sa pinagkakatiwalaan niya dahil kaibigan siya ni Leo. Bagama’t wala itong alam sa totoo niyang pagkatao ay pinagkakatiwalaan niya ito sa ilang mga bagay lalo na sa mga damit at make-up. She likes Rumina or Romeo kung tawagin dahil totoo ito sa kanya. In fact, she was very fond of him. Kung kaya’t hindi na ito nawawala sa mga events na pinupuntahan niya dahil palagi niya itong kasama. Katulad na lang ngayon. Today is the official opening of La Parisienne Hotel and Restaurant sa Metropolis at kasama si Rumina sa mga guest. “Ang ganda mo talaga, sis!” manghang wika ni Rumina sa kanya. “Nambola ka na naman,” natatawa niyang wika sa bakla. “Hindi nga sis! Maganda ka talaga! Nakakainggit ang kutis na mayroon ka at natural lang na kainggitan ka,” eksaheradang wika nito na may kasamang pagwasiwas pa ng kamay habang hawak ang brush na pangblush-on. “Mas maganda ka naman sa akin, Rumina.” Tumawa ng mahina ang bakla kung kaya’t lalo siyag natawa. “Ay gusto ko ‘yan sis! Pareho tayong maganda pero mas maganda ako!” Pareho silang natawa at marami pang napagkwentuhan. Pagkatapos ng dalawang oras ay pinuntahan na siya muli ni Cheska upang bumaba na sa party hall kung saan gaganapin ang engrandeng selebrasyon sa pagbubukas ng La Parisienne. “Are they here?” tanong niya kay Cheska. Hindi pa siya tuluyang bumababa sa malaking hagdanan. Nasa may hallway siya sa pangalawang floor kung saan tanaw na tanaw niya ang mga taong nasa ibaba at naghihintay sa kanya. Iyon din ang dahilan kung kaya’t hindi pa rin siya napapansin ng mga karamihan pero tunay ngang dagsa na ang mga tao sa baba at katulad nga nang inaasahan niya ay marami ang mga dumalo. Maging ang media ay hindi ito pinalagpas dahil sa iilang reporters na nakikita niya sa ibaba. “Yes Ma’am. They are already here. Sasabihan ko na ba ang emcee, Ma’am?” “Yes,” sagot niya sa dalaga. Bumaba naman kaagad ang dalaga upang sabihan ang emcee na nasa ibaba na simulan na ang party. Pagkatapos ng mahabang intro ay tinawag na siya ng emcee sa baba kaya naman dahan-dahan siyang bumaba sa malaking hagdanan na puno ng rosas na nakapaikot sa hawakan nito. Ang ilaw ay nakatutok sa kanya at sumusunod sa kanya kada hakbang niya paibaba sa hagdanan. “Let’s welcome again, the CEO of La Parisienne, Mrs. Freya Velasco!” masayang bati sa kanya ng emcee. Ibinigay naman sa kanya ang microphone habang pumapalakpak ang mga taong nasa paligid pagkaakyat niya ng stage. Maraming umaalalay sa kanya sa paligid at halos lahat ng media ay abala sa pagkuha sa kanya ng letrato. She was feeling nervous pero wala siyang oras para kabahan dahil alam niya na sa oras na tumuntong siya rito sa entablado ay simula ang kanyang pagpapanggap at paghahanap ng hustisya. Everyone was staring at her. At katulad nga ng inaasahan niya ay nakita niya kaagad ang dalawa niyang kapatid na ngayon ay nakaprenteng nakaupo malapit sa kanya sa pabilog na lamesa. Lacey was also there. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya at hindi inaalis ang titig. “Thank you for coming here. I am Freya Velasco, the CEO of La Parisienne. Nais kong magpasalamat sa mga taong dumalo para sa espesyal na araw na ito. Sana— “Biglang napatigil si Freya sa pagsasalita nang makita niya ang lalaking minsan nang gumimbal sa kanyang pagkatao noon. Ang lalaking una niyang minahal at binigyan ng atensyon na hindi niya kailanman ibinigay sa iba. The man that she almost marries before showing his true colors that day. Nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki. Nakabrushed up din ang buhok nito at halos walang pinagbago ang mukha. Gwapo at malakas pa rin ang dating. Kahit ayaw niya ay nagawang sundan ng kanyang mga mata kung saan ito papunta at tama nga ang hinala niya. Umupo ito sa tabi ni Lacey Esperanza kasama ang kanyang dalawang kapatid na si Diego at Henry na ngayon ay nakatitig sa kanya. Parang may tumalahib na kung anong matalas na bagay sa kanyang dibdib nang makita mismo ng kanyang mga mata kung paano hinalikan ni Trevor si Lacey sa pisngi at umupo sa tabi niya. “Ma’am?” tanong sa kanya ng emcee. Tumingin siya sa emcee at napakurap ng ilang beses bago ngumiti sa lahat ng mga taong nasa harapan niya. “I-I hope you’d enjoy the rest of the party. Thank you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD