Prologue
"Sa dinami-rami ng escape room na pwede kong mapasukan ito pa talagang math escape room na 'to! Kanino bang idea 'to? Aabangan ko sa gate!" reklamo ni Vaughn. Pinahila ko kasi siya rito para apat kaming mag-lalaro.
Nasa math escape room kami at kami pa lang ata ang unang sumubok dito sa buong school. It's fun game though pera nalang kapag hindi mo na kayang i-solve ang mga series ng math puzzles at logic riddles para makuha ang key code nang makalabas kayo.
We're doing a math and technology integration. Obviously, kasi March 14 ngayon. Ibig sabihin ay International day of Mathematics kaya may pa ganitong event ang school.
Sayang din naman ang price.
"Shet. May calculus. Derivatives at Integral," si Jam.
Sinilip ko ang station 4 kung nasaan na kami.
It says that we need to provide a set of functions. Then we must find the derivative f'(x) of each. May clue rin na nakalagay. Sabi ay iyong coefficients daw ng mga sagot kapag pinagsamasama ay mag po-provide ito ng pang fourth digit sa code.
S'yempre ako itong bida-bida at may gustong patunayan sa babaeng kanina pa nakakunot ang noo sa akin ay kinuha ko na ang white board at mga large posters na may equation.
Sa problem A: x³+5x, sa problem B: -x²+10, sa problem C: 2x⁴-7x². Step by step ang ginawa kong pag solve hanggang sa matapos ako at makapunta sa final calculation ng station 4.
3+(-2)+8=9. The station 4 code is 9.
"Galing!" puri ng mga kasama ko bukod kay Cerys na naka poker face na ngayon.
Ano na? Gusto ko lang naman ng bagong reaksyon galing sa kanya, overrated na sa 'kin ang pag kunot ng mga noo niya! Siguro hanggang ngayon ay gusto n'ya pa rin akong sakalin dahil sa debate sa Philosophy noong nakaraang araw.
Galit pa rin ang crush ko sa 'kin.
Long story short, matagal ko na siyang crush. Simula first day ng senior high school. Kasi, bakit naman hindi? Nakita ko siyang mag speech sa harap ng auditorium noon. She's confident, smart, and pretty.
Siya ang dahilan ba't nag shift ako ng track to strand. From Arts and Design to STEM real quick. Sabi ko ay mag a-architect ako kaya nag A&D ako pero wala eh, nakita ko siya, na in-love ako kaya nasa STEM ako ngayon.
Sabi niya din noon nung nag introduce yourself siya na Nursing ang dream career niya kaya mag s-shift na rin ako ng dream career, siguro. Wala namang hahadlang do'n, kaya ko naman mag alaga, 'no.
Her focus in her studies is one of many reasons I admire her so much. Hindi naman niya napapansin ang pag papapampam ko kaya step back muna.
I'll let her focus on her goals, and I'll focus on mine, too. Mag hihintay ako. And maybe when the right time comes—once we've moved past high school and taken that next step—I'll finally be brave enough to tell her how I feel directly. No more games, no more beating around the bush, and no more just trying to get her attention.
⊹₊˚‧︵‿₊୨ᰔ୧₊‿︵‧˚₊⊹
I love you from the bottom of my hypothalamus,
the true center of every feeling I never knew I could have.