Kabanata 1. No Second Chance
Kabanata 1.
NAPATIGIL sa pagpasok ng condo si Stacy nang makita ang mga saplot na nakakalat sa sahig. Bukod pa roon ay may dalawang pares ng sapatos ang nasa pintuan. Kumabog ang dibdib niya at napahigpit ang kapit sa bitbit na box ng cake.
Kinakabahan man ay dahan-dahan siyang naglakad tungo sa silid ng nobyong si Renz. It’s their fourth anniversary today and she lied that she can’t celebrate it with him because she wanted to surprise him.
Dahan-dahan niyang itinulak ang nakaawang na pintuan at tumambad sa kanya ang walang saplot na likod ng nobyo habang binabayo ang babaeng nakahiga sa kama. Rinig na rinig niya ang ungol ng mga ito. Hindi siya nakahuma at parang ipinako ang mga paa sa kinatatayuan.
Rinig na rinig niya kung paanong banggitin ng mga ito ang pangalan ng isa’t isa na tila sarap na sarap sa ginagawa nila. Habang siya ay bumukal na ang luha sa mga mata.
“R-renz…” ni hindi niya alam kung may sound ba ang pagtawag niya sa pangalan nito. Pero mukhang narinig nito ‘yon at napalingon.
Tumigil ito sa ginagawa at tila binuhusan ng malamig na tubig ang hitsura. Kinuha nito ang unang bagay na nahawakan at itinakip sa p*********i nito na noon lang niya nasilayan.
“S-s-stacy… I-i thought you can’t come? T-this is not what you think it is—” bago pa man nito matapos ang sasabihin ay sinampal na niya rito ang dalang cake.
“Then what is it I’m thinking? Ano sa tingin mo ang iniisip ko ngayon?” Puno ng hinanakit na tanong niya. Hindi niya napigilang gumaralgal ang tinig.
Hindi na niya hinintay na magpaliwanag ito at tumalikod na siya para umalis. Pero tumigil siya nang nasa pintuan na siya.
“Why can’t you wait till I give you what you want?” Mapakla siyang tumawa at pinunasan ang luha. “Tama lang pala na hindi ko ibinigay ang sarili ko sa ‘yo dahil ang cheap mo. Kasing cheap ng babaeng kasama mo ngayon.”
Walang lingon likod niyang nilisan ang condo ni Renz. Habang nasa elevator ay napahagulgol na siya ng tuluyan. Hindi niya lubos maisip kung bakit nito nagawa ‘yon sa kanya. Wala siyang ginawa kundi maging mabait na nobya. Kahit anong gusto nito ay sinusunod niya.
Nasa basement parking lot na siya ng maabutan siya ni Renz at pinigilan siya nito sa braso.
“Babe, let’s talk, please?” Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakabihis na ito ‘yon nga lang mukhang nagmadali dahil gulo-gulo ang buhok nito.
“Wala na tayong dapat pag-usapan, Renz. Stop calling me babe. We are done.”
“What? Is that it? Itatapon mo na lang ang apat na taon na relasyon natin?” animo hindi makapaniwalang tanong nito.
Mapakla siyang natawa. Nais man niyang murahin ito ay hindi niya magawa. “Really? Am I the one who cheated? Am I the one who got busted for having s*x? You—” Iniangat niya ang kamay at akmang sasampalin ito pero itinikom niya na lang ‘yon at tinalikuran na ito.
“Come on, Stace, let’s talk. I’m sorry. Please, forgive me, please?” Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
“I can’t live without you. Please, give me a second chance?”
Muli niya itong hinarap. “I’m sorry, Renz. I”m not a pawn shop. I don’t take second hand items. I know my worth and I deserve more of what you can give. Goodbye, Renz…” Lumulan na siya sa dalang sasakyan at pinaandar ‘yon palayo.
“STACY…?” Nabalik sa kasalukuyan ang diwa ng dalaga ng may tumapik sa balikat niya.
“I-i’m sorry, Tita. Ano nga ulit ang sabi mo?” tanong niya sa Tita Helen niya. Nakatatanda itong kapatid ng daddy niya.
“Tinatanong ni Mama kung may balita ka pa kay Renz? You still remember him, right?” tanong ni Kelly, anak na panganay ni Tita Helen. Ito ang numero unong nakatutok sa buhay niya na para bang isa ‘yong teleserye.
“I-i don’t know. Should I check on him?” sarkastikong turan niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito ang nangyari sa kanila dahil kasabay ng paghihiwalay nila ay ang pag-pull out ni Renz ng investment nito sa farm nila.
“Come on, Maria Estancia! Bitter ka pa rin ba sa nangyari hanggang ngayon? It’s been four years—”
She stood up. “Bitter? Who told you I’m bitter? Yeah, it’s been four freakin'years and yet you people can’t move on. Bakit kailangang maging panghimagas ang buhay ko sa tuwing may family dinner tayo?”
“Stace, we didn’t mean to offend you,” anang Tita Helen niya.
“Then, why are you all so interested in my personal life? Am I the only one who messed up? Why don’t you bring up Kelly's problem? Or your alcohol problem? How about Tito Ed’s gambling debt?” Tukoy niya sa asawa nito.
“Tama na ‘yan, Stacy,” wika ng Papa niya. Humingi siya ng paumanhin at tinalikuran ang mga ito. Pero bago pa man siya makaalis ay nagsalita ulit ang kanyang ama. “Ayoko nang maulit pa ang nangyari rito. Nasa pamamahay ko kayo at kung sino man ang magpakita ng kawalan ng respeto sa anak ko kailanman ay hindi na pwedeng umapak rito.”
May nangilid na luha sa mata niya matapos marinig ang sinabi ng Papa niya. Samantalang ang mga kamag-anak na nasa hapag ay nanatiling tahimik. Tumingin siya rito at saka ito tinanguan. Nilisan niya ang hapagkainan na nakangiti.
She didn’t feel bad for speaking up. Matagal na siyang nagtitimpi sa kawalan ng respeto na ipinapakita ng mga ito sa kanya.
Hindi man lang siya hinabol o sinuyo ni Renz ng maghiwalay sila. Alam ng Diyos kung paano siyang umiyak gabi-gabi habang pinipigilan ang sarili na kontakin ito at magmakaawa na balikan siya.
She cried for months hanggang sa ma-realize niya na wala iyong maidudulot na maganda sa kanya. Then, after a year biglang nagpakita ang dating nobyo sa kanya. He’s asking for forgiveness… and a second chance. Diumano napagtanto nito na siya talaga ang mahal nito. His relationship with the cheap w***e didn’t last long because she only wanted his money.
Hindi niya ipinagtabuyan si Renz pero nilinaw niya rito na wala na itong aasahan sa kanya. Patuloy pa rin siya nitong sinusuyo. He even asked her to marry him but she turned him down.
If it happened four years ago on their anniversary she might say yes with so much enthusiasm. But she’s glad he didn’t. Mabuti at maaga palang ay nalaman na niya kung anong klaseng lalaki ito.
Now, she’s free and she’s not looking for another heartbreak waiting to happen. Though, she’s already thirty-five and her parents are asking her when she will give them a grandchild.