Aoife Paano ko kayo proprotektahan kung pinahihirapan niyo ako sa ginagawa niyong 'yan? Talagang dismayado ako sa mga diwata pero wala naman akong magagawa dahil ganito sila. Mga pinalaki't sinanay na maging mapagmahal sa kapwa. That's why love should always be coupled with justice. Love should set boundaries. Wala nang punto kung sisisihin ko sila. Nangyari na. Ang natitira na lang sa mga pagpipilian ay ang magpatuloy. Hindi ako si Aoife kung magpapatalo ako. "Sorry for making you wait, darling." Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi ko. Nang pumasok na siya sa kanyang silid ay kunwaring naglakad na rin ako papunta sa aking silid ngunit ang totoo ay hinahanap ko kung saan nagtatago si Nadetta. "Psst! Aoife." Sinuyod ko ng tingin ang paligid ngunit wala akong nakitang i

