bc

The Revenge of Dracula

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.6K
READ
murder
dark
possessive
reincarnation/transmigration
boss
twisted
bxg
mystery
vampire
city
like
intro-logo
Blurb

Hindi malaman ni Aleah ang kanyang gagawin nang makita niya’ng sinaksak ng kalalakihan ang anak ng boss niya na si Drake. She pretends that she didn’t witness a crime to avoid some risk. But it seemed like a curse as she felt Drake’s presence-the ghost.

A month later, Drake's body was found-which was declared to be dead due to some evidence provided by the investigator. Pero bigla itong bumalik nang buo. Dati ay hindi siya nito napapansin, ngayon ay ayaw na siya nitong lubayan. He was the hottest lawyer that she’d ever known, and she can’t deny that she admires him at the first time they met.

She thought that Drake was just needed her for his case, but he was also entering her private life. Is she willing to risk her life for the sake of love? Or maybe she wakes up one day when everything is just a nightmare.

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI na pinatapos ni Drake ang litanya ng stepbrother niya’ng si Tyler. Palagi na lang nito isinusumbat sa kanya ang pagiging paborito niyang anak. Well, Tyler has been insecure to him ever since they both working for their father’s group of companies. Anak siya ng ama nila sa orihinal na asawa, habang si Tyler ay anak sa kabit. Pero hindi niya isinusumbat sa kapatid na bastardo ito ng kanyang ama dahil wala naman itong kasalanan sa pagkakamali ng kanilang ama. He’s been busy doing his advocacy to help those people who can’t hire a lawyer. His father begged him to stay in the company due to his medical condition. Talagang nagtampo siya noon sa kanyang ama dahil pinatira nito sa bahay ang kabit nito at bastardo matapos mamatay ang kanyang ina. Pero hindi niya ito matiis. Nangako siya sa kanyang ina na hindi niya pababayaan ang kumpanya. As a legal son and a future heir of the Sebastian-Santiago group of companies, he has the right to decide the future of the company. But as he expected, his brother would disagree. Alas-siyete na ng gabi pero nasa opisina pa siya. Tinambakan siya ng maraming paperwork dahil ilang araw na hindi nag-report sa office ang daddy niya. Obligado siyang gawin ang trabaho nito kahit may mga kaso pa siyang hinahawakan. Nang humilab ang sikmura niya ay lumabas siya ng opisina at nagtungo sa cafeteria. May iilang empleyado pang naka-duty, lalo na ang nasa accounting department. Nag-o-overtime ang mga ito dahil malapit na ang pasweldo. Humihikab siya habang hinihintay na mapuno ang tasa niya ng kape, na nakasahog sa gripo ng coffee machine. Inaantok na siya, halos mapikit ang mga mata. Nagulat siya nang umapaw ang kape sa baso niya. Napaatras siya nang matapon sa paa niya ang kape. Mabuti na kasapatos siya. Pero sa pag-atras niya ay may masagi siya. May nagkandalaglagang babasaging bagay sa likuran niya. Inilapag niya sa lamesa ang tasa ng kape saka pumihit sa kanyang likuran. She saw a woman picking the shattered plate and glass. He can’t see her face because of some hair strand. Nagtawag siya ng janitor. Kaagad namang may lumapit. Umalis naman kaagad ang babae. Sinundan niya ito ng tingin habang patungo sa counter. Inaayos nito ang nagulong buhok. Nakasuot ito ng dress code, slacks and white blouse. Hindi talaga ito humarap. Aywan niya bakit gusto niyang makita ang mukha nito. Balingkinitan ito, katamtaman ang kaputian, matangkad at maganda ang tindig. Siguro ay hindi siya nito kilala kaya hindi man lang nagsalita. O baka malayo ang iniisip nito kanina. Kinuha na lamang niya ang kanyang kape saka siya bumalik sa opisina. Paglabas ni Drake ng opisina ay sumakay kaagad siya ng elevator. Nasa fifth floor ang parking lot at naroon ang kotse niya. Kanina pa tumatawag ang daddy niya pero hindi niya sinasagot. They didn’t talk yet since he got home from Davao. He just receives his text messages and he didn’t reply. Hindi pa rin pormal na inililipat ng daddy niya sa kanyang pangalan ang tatlong dekada nang Real Estate Developer at ang Construction company nito-bagay na ipinangako nito. Sa security and investigation agency naman na pag-aari rin nito ay maghahati sila ni Tyler. Hindi pa raw na-finalize ng daddy niya ang Last Will and Testament nito. Alam niya na naghahabol sa yaman si Tyler at malamang pati ang ina nito. Wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay makuha niya ang dapat sa kanya. Pagdating ni Drake sa garahe ay iilang kotse na lang ang nakaparada. Alas-diyes na ng gabe. Hindi na niya matiis ang antok kaya ipinabukas na niya ang ibang trabaho. Tinungo niya ang kanyang sasakyan at sana’y bubuksan nang biglang may humaklit sa balikat niya. Pagpihit niya paharap sa kanyang likuran ay nakita niya ang malaking lalaki na may suot na bonnet sa ulo. Inambaan siya nito ng suntok pero mabilis niyang tinadyakan ang sikmura nito. Tumalsik ito. Susugurin pa lamang niya ito ay may dumating pang tatlong kalalakihan na pawang naka-bonnet. Pinagtulungan siya ng mga ito. Nasuntok niya ang isa sa mukha, habang ang isa pa ay nasipa niya sa leeg. Pagtayo niya nang tuwid ay bigla na lang may matulis na bagay na bumaon sa likod niya. “Aaahh!” daing niya nang gumuhit ang sakit likha ng pagpunit ng kanyang balat at laman sa likod. Kahit unti-unting bumabalot ang kirot sa buong katawan niya ay nagawa pa niyang hiklasin ang ulo ng lapastangang sumaksak sa likod niya. Pero bonnet lang nito ang nahila niya. Hindi nito hinugot ang patalim sa likod niya. Ginapos pa siya nito. He can’t move due to a sudden pain slowly draining his strength. Labis siyang nanlumo nang maghari na ang sakit. Hindi niya maintindihan bakit siya napapahamak. Wala siyang kaaway. Kinakapos na siya ng hininga. Ang isa pang lalaki ay ginapos ang mga kamay niya at inapakan ang mga paa niya. Naninilim na ang paningin niya pero pilit niyang nilalabanan ang sakit. Alam niya makaliligtas siya. Nabaling ang tingin niya sa pinakamalapit na poste. May nagtatago roon na babae-nakatingin sa kanila. Nasa mukha nito ang takot. Gusto niyang humingi ng tulong ngunit naisip niya na wala ring magagawa ang babae at mapapahamak lang ito. Their eyes met from a distance. Tumatak sa balintataw niya ang mukha nito, lalo na ang mga mata nito. Iyon ang huling nakita niya bago nilagyan ng packaging tape ang bibig niya at binalot ng kalalakihan ng plastic ang ulo niya. Lalo siyang hindi makahinga. Naramdaman niya ang pagbuhat ng mga ito sa kanya at inihagis siya sa masikip na lugar. Nakatulos pa rin ang kutsilyo sa likod niya. Kung hindi siya nagkakamali, nasa loob siya ng compartment ng kotse. Nanginginig na ang katawan niya dahil sa walang tigil na pagdurugo ng sugat niya. Napakasakit niyon… sobrang sakit. Pakiramdam niya’y malalagutan na siya ng hininga. Naisip niya, ano ba ang kasalanan niya bakit may gumagawa niyon sa kanya? Pagkalipas ng ilang minutong biyahe. Binuhat na naman siya ng mga walanghiya. Impit siyang sumigaw nang biglang hugutin ng mga ito ang nakabaong kutsilyo sa likod niya. May gumagapos sa mga braso niya. Maya-maya ay sinaksak na naman ng mga ito ang sikmura niya. Minsan pang tinamaan ng kutsilyo ang dibdib niya. Pero alam niya hindi tinamaan ang puso niya. Pero matapos ang magkasunod na saksak ay hindi na maramdaman ni Drake ang presensiya ng paligid. Nang muli siyang makaramdam ay gumugulong na siya sa paibabang lupa, siguro sa may bangin. Sa kabila ng hirap, nakuha pa niyang magdasal. Tumigil ang katawan niya sa matigas na bagay. Wala siyang ibang naramdaman kundi walang kapantay na sakit. Napaluha na lang siya. Nasa dulo na siya ng kanyang paghinga nang may mas masakit siyang naramdaman sa kanyang leeg, na para bang may kumagat doon na matutulis na ngipin o pangil. Kasabay ng sakit na iyon ay tuluyan na siyang nakalimot.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
970.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.8K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.8K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook