LAKING pasalamat ni Nicholas dahil dumating ng umaga sa huling araw nila sa probinsiya ang mga inorder niyang duster dresses para kay Ema. Halos labin limang dusters iyon galing sa iba't ibang brands and fashion boutiques abroad. Kaagad niyang hinanap ang nobya pagkatapos makuha ang mga parcels na naglalaman ng mga bestida. Nahanap niya itong nagdidilig ng mga halaman sa hardin. He happily approached his girlfriend. Hindi siya gumawa ng ingay. Tahimik na ibinaba niya sa ibabaw ng mesa sa malapit ang mga dalang maliliit na karton at sealed plastic bags. Lumapit siya sa abalang dalaga na hindi pa rin napapansin ang kanyang presensiya. Mabilis niyang tinakpan ang mga mata nito mula sa likuran. Nabitawan nito ang garden hose na gamit nito sa pagdidilig. "Sino ka? Alisin mo ang mga kamay mo

