Chapter 1
PASAN ni Imelda sa kanyang ulo ang isang malaking bilao kung saan nakalagay ang kanyang mga paninda. Suman, biko, kutsinta, at puto na siya mismo ang gumawa at araw-araw niyang nilalako sa kanilang bayan. Kahit sobrang init at magkakalayo ang mga baryo ay tinitiis niya upang maibenta lamang ang lahat ng kanyang niluto.
Sa kanyang paglalakad patungo sa Baryo Maulap ay namataan niya sa di-kalayuan ang nakaparking na magarang sasakyan sa harap ng bahay ng kanyang kababata. Ang bahay ng kababata niyang si Esmeralda. Biglang nakaramdam na naman siya ng inggit dahil sa nababalitaang tagumpay nito samantalang siya ay narito pa rin at walang pag-unlad.
Ayon sa mga balitang nasasagap niya ay isa nang ganap na doktor si Esme. Ito rin ang nagpagawa sa bahay ng mga magulang nito, mula sa maliit na kubo ay mansiyon na ngayon. Naiinggit siya dahil napag-iwanan siya ng kababata, hindi inggit na may halong inis at galit. Isa pa, siya'y sobrang nagagalak sa narating ngayon ng dating kaibigan.
Nakita niyang may isang napakagandang babaeng lumabas sa magarang sasakyan at sumunod dito ang isang guwapo at makisig na lalaki. Laking gulat niya nang mapagtantong si Esme ang babae at ito'y nagdadalang-tao. Ayon sa balita ay nakapag-asawa ito sa Maynila at marahil ang kasama nitong lalaki ang asawa nito.
Mas lalo siyang natuwa sa magagandang nangyari at biyayang tinatamasa ni Esmeralda ngayon. Malapad ang ngiting nagpatuloy siya sa paglalakad at nilagpasan ang bahay ng kababata.
"Oh? Ema?" tawag ni Aling Paseng sa kanya noong siya ay mapadaan sa harapan nito. Ang matandang kapitbahay nina Esme. Kilala itong tsismosa at pakialamera sa kanilang baryo.
"Huwag ngayon, Aling Paseng. Maglalako pa ako ng aking mga paninda. Magandang araw na lang sa inyo," tugon niya sa matanda. Ayaw niyang tumigil upang makipagkuwentuhan dito dahil masasayang lamang ang kanyang oras.
"Aba? Nagmamalaki na ata sa kakapiranggot niyang kita sa paglalako kumpara sa kababata niyang isa ng doktor ngayon," pagpaparinig naman nito sa kanya noong hindi pa siya nakakalayo mula sa kinatatayuan nito.
Nasaktan siya at nadurog ang kanyang puso sa narinig mula sa matanda ngunit pilit niyang iwinaksi iyon. Hindi niya ito pinatulan dahil masisira lamang ang kanyang araw. Diretso siya nang lakad upang marating niya agad ang Baryo Maulap kung saan marami siyang suki.
Nasa maputik na siyang bahagi ng daan noong may biglang dumaan na van sa gilid niya. Hindi man lang nagdahan dahan ang nagmamaneho kung kaya't natalsikan ng putik ang kanyang palda. Napasimangot siya. Malayo pa man din ang bahay nila kung uuwi pa siya upang magpalit. Wala siyang nagawa kundi ang magpatuloy na lamang sa paglalakad.
Labinlimang minuto pa at narating din niya ang Baryo Maulap. Una siyang kumatok sa bahay nina Manang Carol, isang elementary school teacher at may asawa ito, si Manong Andeng na isang magsasaka. Pinagbuksan siya ng ginang at kaagad nitong napansin ang marungis niyang itsura.
"Naku! Anong nangyari sa palda mo, Ema?" kunot-noong tanong ng butihing ginang sa kanya. At Ema ang tawag ng karamihan sa kanya dahil masyadong mahaba ang pangalan niyang Imelda.
"Natalsikan po ng putik noong may dumaang van sa kalsada kanina, manang," sagot niya at nahihiyang itinatago sa likuran niya ang maputik na bahagi ng kanyang palda.
"Hindi magandang tignan na ganyan ang hitsura mo. Halika at hugasan mo iyang mga binti mo. Palitan mo na rin iyang palda mo," anyaya nito at mas niluwagan ang pagbukas ng pinto.
"Huwag na manang. Wala rin naman akong dalang pamalit," nahihiyang pagtanggi niya rito.
"Bibigyan kita. Marami akong palda rito na hindi na kasya sa akin. Alam mo na, tumaba dahil sa pagbubuntis."
"Sige, manang. Maraming salamat sa pag-aalala at pag-aasikaso."
Pumasok ang ginang sa loob ng bahay at sinundan niya ito. Ipinababa muna nito ang bilaong pasan niya sa ibabaw ng mesa sa sala. Itinuro nito ang banyo upang mahugasan niya ang kanyang narumihang binti. Matapos ang ilang segundo bumalik ang ginang sa banyo at inabutan siya ng palda.
Bulaklaking palda na sakto lamang ang hapit sa katawan niya ang ibinigay nito. Lagpas sa tuhod ang haba nito at sobrang nagustuhan niya. Natuwa siya at dali daling tinapos ang pagpapalit. Inabutan din siya ng ginang ng supot kung saan niya maaaring ilagay ang marumi niyang pinagpalitan.
"Maraming salamat talaga sa tulong, Manang Carol," sobra ang galak niya at pasasalamat.
"Walang anuman, hija," may matamis na ngiting tugon nito. "Siyangapala, tulad ng dati, sampung puto at anim na kutsida," pag-iiba nito ng usapan.
"Sige, manang. Sanadali at kukunin ko." Mabilis ang kilos na bumalik siya sa sala. Inilagay niya sa malinis at parisukat na dahon ng saging ang nais bilhin nito.
"Libre na sa inyo, manang," wika niya at iniabot rito ang binalot niyang mga kakanin. "Kapalit ng kabutihan niyo sa akin."
"Baka malugi ka nito, hija. Babayaran ko ito. Tinulungan kita at wala akong hinihinging kapalit," aniya.
"Huwag na po, manang. Hindi po ako malulugi. Parang sampung pirasong puto at anim na pirasong kutsinta lang iyan," pagpipilit niya sa nais at nagbiro pa siya.
Napabuntong hininga sabay iling na lamang ang ginang at hinayaan din siya. Kinuha nito ang iniaabot niya at hindi na nagbayad tulad ng nais niyang mangyari.
"Salamat din dito sa libre, hija." Ngumiti na uli ito at tinulungan siyang buhatin ang bilao upang ipatong muli sa kanyang ulo.
"Maraming salamat po ulit sa palda, manang. Magandang araw po sa inyo. Pagpalain kayo ng Diyos sa kabutihan niyo," muli siyang nagpasalamat bago nagpaalam at nagpatuloy sa paglalako.
ALAS SINGKO ng hapon noong makauwi si Ema. Pagod at gutom siya dahil sa maghapong paglalako. Mabuti at natinda niya lahat ng kanyang niluto sa araw na ito.
"Oh? Ema? Bakit nakaupo ka lang diyan? Magsaing ka na at magluto ng ulam. Pauwi na ang tatay mo galing bukid. Paniguradong gutom iyon," utos ng kanyang madrasta na mukhang kagigising.
Hindi siya nagreklamo kahit na sobrang pagod siya at hindi pa nakapagpapahinga. Kapag nagreklamo siya ay makakatikim lamang siya ng sampal at sabunot mula sa madrasta.
"Pautang nga din ng isang daan mo diyan. Talo ako sa sugal kanina. Babayaran kita agad kapag manalo ako mamaya," hirit pa ng madrasta niyang walang ginawa kung hindi ang humilata maghapon at magsugal tuwing gabi hanggang madaling araw.
Nagtimpi siya at tahimik itong inabutan ng dalawang tigsingkwenta pesos. Matapos makuha ang pera ay pumasok uli ito sa loob ng silid nito at ng kanyang tatay.
Pumanhik naman siya sa kusina upang magluto ng kanilang hapunan. Marami na siyang napagdaanang hirap at masasabi niyang nasanay na siya sa ugali ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang tratuhin siyang mababang uri, na animo'y katulong at utusan.
NAGPUPUMIGLAS si Nicholas mula sa pagkakatali nito sa upuan. He just gained back his consciousness. Magkahalong galit at gulat ang naramdaman niya dahil sa kalokohang ginawa sa kanya ng mga kaibigan. These devils!
"Fvck it, you morons!" he shouted out his anger while trying to free himself from being tied to his airplane seat. "Get me fvck outta here! I'm not going anywhere especially if it's somewhere in the province!" Pagpupumilit niya atsaka tinitigan ang mga kaibigan ng nag-aapoy sa galit niyang mga mata.
Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Nais kasi ng mga itong sumama siya sa pagbabakasyon sa probinsiya. Ang probinsiya kung saan galing ang napangasawa ng kaibigan nilang si Legend. Fvck that moron! Nauna itong bumiyahe kasama ang buntis nitong asawa.
"No, Shanny. You're coming with us," Xyne said as he chuckled.
"Trust me, buddy. You'll love it there," pagkumbinsi naman ni Maximus sa kanya.
"Oh! Shut up!" nanggigigil niyang sigaw. "Come on! Let me go before this fvcking plane takes off!"
"Uh-Oh? We are already flying up in the air," wika ni Sébastian.
Napatingin siya sa labas ng bintana at tama nga ito. Kasalukuyang nasa himpapawid na ang kanilang kinalululalan. Nalaglag ang kaniyang balikat at napabuntong hininga siya. He surrendered.
Nagsisi tuloy siya na sumama sa mga ito kagabi upang makipag-inuman. He doesn't have any idea that they plot an evil plan for him. Their evil plan to take him to vacation in the province. Unlucky days for him, he guess.
NICHOLAS and his friends took 1 hour and 8 minutes to travel from Manila to Ilocos Norte. A white van came to fetch them. They were eleven who came for this unplanned vacation, kompleto silang lahat, nauna nga lang yung ikalabindalawa kasama ang asawa nito.
Nasa daan sila patungong bahay ng asawa ni Legend. Doon sila tutuloy sa loob ng isang buwan. One fvcking month of staying in a place he doesn't want to be in.
He even feel disgusted to see the muddy road. This means no joyride and clubs to have fun every night. What a boring life.
"Anong gagawin natin sa ganitong klaseng lugar? Look! There's no buildings at all or even paved roads," nagsimula siyang magreklamo.
"Pasensiya na kayo, Sir. May mga ilang tao kasi dito sa amin na piniling manatili at mamuhay pa rin sa mga liblib na lugar. Tulad dito sa pupuntahan niyong baryo," pagpapaliwanag ng hired driver.
"Mas refreshing kaya dito, bugok ka! Kung ako lang masusunod, sinipa na kita palabas ng eroplano kanina. Nakakarindi ka na e," naaasar na sa kanya si Terrence.
"Whatever!" he shouted to Terrence and make faces when the latter turned back to glare at him.
"Yo, Kuya Driver! Dahan dahan ka naman natalsikan ng putik yung babae sa gilid," biglang saway ni Cozart sa nagmamaneho.
Lahat naman silang nakalulan ay napatingin sa sinasabi ng kaibigan. He felt pity to the girl because she looks helpless. But he ignored it since he doesn't have any idea how to help her.
"Naku? Pasensiya na, Sir. Hindi ko napansin yung babae e binilisan ko pa man din ang takbo ng sasakyan," paghingi ng paumanhin ng driver.
"Just be careful next time, Kuya," sabay na turan nina Onix at Laxus.
"Yeah. You better be, Kuya. The girl looks helpless. Tumigil ka sana muna kanina para mag-sorry man lang," suhestiyon ni Axel. Pero hindi ginawa ng drayber dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito.
Ilang minuto pa at narating na nila ang bahay. Nagsilabasan silang lahat. Sinalubong naman sila ng kaibigan nilang si Legend kasama ang asawa nito at ang pamilya ng babae.
"Welcome to Baryo Amianan, buddies!" natutuwang wika ni Legend at isa isa silang tinapik sa braso.
"Salamat at pumunta kayo sa paanyaya ko," matamis ang ngiting wika ng asawa ni Legend. "I just want all of you, especially my husband, to relax while enjoying fresh and clean air."
"Yeah, you're right. We need this, far from the polluted life in the city," turan naman ni Terrence.
"Polluted life, huh? May tampuhan na naman yata kayo ng asawa mo, bud," biro naman ni Landon na kaagad sinimangutan ni Terrence. Nagtawanan sila dahil sa naging reaksiyon ng kaibigan nila.
"Apo! Usto daytan, nanakkong!" (Diyos ko! Tama na iyan, mga anak!) saway ng ina ng asawa ni Legend.
"Ma, hindi sila nakakaintindi ng Ilocano," paalala ng babae sa ina. "Sabi ni Mama tumigil na daw kayo diyan. Halina kayo sa loob para makapagpahinga na kayo."
"That's better," he replied.
"Oh? By the way, some of you haven't met my wife before. Her name is Maria Esmeralda Argus Hudson." Legend proudly introduce his wife to them.
"Nice to meet you, Mrs. Hudson," pilit ang ngiting turan niya. Ganoon din ang ginawa ng kanyang mga kaibigan.
"Oh siya, pumasok na tayo sa loob, mga hijo. Ibibigay ng mayordoma namin yung mga susi ng kwarto niyo," Esmeralda's mother instructed them. Sumunod sila sa mga papasok sa loob. Sapat naman ang mga upuan at sofa para sa kanilang lahat. "Share share kayo ng mga kwarto, tig-tatlo per room."
"I'll share room with Aven and Cozart," he immediately suggested.
"What? No! Cozart is my bestfriend. I should share room with him," umangal si Onix.
"I'm outta there, bud. Kayo na lang tatlo ang mag-share kung ganun," wika ni Aven upang umiwas sa gulo.
"Okay," tipid niyang tugon.
Ang iba ay nag-usap usap na din kung sinu-sino ang magkakasama sa kada isang kwarto. After the discussion and an hour of rest they finally had their lunch.
As a professional chef, he somehow dislike some of the foods they served. But to show some respect he forced himself to eat what he put on his plate. He is not picky with foods but he focuses more on the taste and flavor. He just hope that they will improve their cooking because if they don't, he sure can give them free cooking class. Or maybe he can suggest in this house to hire him as their cook during his stay here.