SABADO ng umaga, kasalukuyang niluluto ni Ema ang ilan pang kakanin na ilalako niya. Tanging ang biko na lamang ang hindi pa tapos dahil sa maproseso itong gawin.
"Ema! Anak!" malakas na tawag ng kanyang ama sa pangalan niya.
Pinahinaan niya ang apoy sa de-kahoy na kalan bago pinuntahan ang ama.
"Bakit ho, Tatay?" tanong niya atsaka lumapit rito na nakatayo sa may pintuan.
"May bisita ka," tipid na tugon nito at niluwagan ang pagkakabukas sa pinto. Medyo nagulat siya noong makita kung sino ang dumalaw sa kanya.
"E-Esme?" utal niyang bulalas sa pangalan ng kababata.
Nginitian siya nito ng matamis. "Maaari ba akong pumasok?" tanong nito.
"Aba! Oo naman, hija. Halika," ang kanyang ama ang sumagot rito. "Tuloy ka." Iminuwestra ng kanyang ama ang papasok sa maliit nilang sala.
"Salamat ho, Mang Agustin," wika ni Esme.
"O siya maiwan ko muna kayo para makapag-usap," sabi ng ama niya at iniwan silang dalawa.
Nilapitan kaagad niya si Esme at inalalayan itong umupo sa kanilang upuang gawa sa kawayan. Buntis ito at delikado na baka madulas sa paglalakad.
"Salamat sa pag-alalay, Ema," anito. Naupo ito at tumabi siya. "Pasensiya kung ngayon lang kita nagawang dalawin," bigla itong humingi ng paumanhin.
"H-ha? Naku! Walang problema sa akin iyon. Alam kong mahirap mag-aral ng kolehiyo lalo na't nasa Maynila ka," sagot niya.
Sa loob ng labindalawang taon hindi ito nakauwi sa kanila. Ang mga magulang nito ang lumuluwas sa Maynila upang bisitahin ito. Maging siya ay nais niya rin sanang puntahan ito noon ngunit naisip niyang baka maligaw lamang siya roon. Wala rin siyang sapat na pera upang bumiyahe.
"Na-miss kita, bestfriend!" kapagkuwan ay excited nitong turan at sinunggaban siya nang yakap.
"Esme! Dahan dahan lang. Alalahanin mong buntis ka," pangaral niya rito. Niyakap niya ito pabalik at hinaplos ang malambot nitong buhok.
"Kumusta ka na?" tanong nito.
"A-Ako?" nautal niyang tanong pabalik. Sa tanang buhay niya ngayon lamang may nangumusta sa kanya. Hindi niya alam ang isasagot bagkus nanubig ang kanyang mga mata.
Ilang segundong namayapa ang katahimikan. Bumitaw sa yakap si Esme at tinitigan siya. Kumunot ang noo nito at nagtaka.
"Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama?" nag-aalala nitong tanong. Pinunasan nito ang mga nalaglag niyang luha gamit ang kanang kamay nito. Ang isa pa nitong kamay ay humahaplos sa kanyang likod.
"Ngayon lang kasi may nangumusta sa akin. Halos araw-araw wala akong mapagsabihan ng mga saloobin ko. Simula noong umalis ka rito, kinimkim ko lahat," malungkot niyang tugon. Mahina ang boses niya ngunit sapat lamang upang marinig ni Esme.
"Patawarin mo ako, Ema. Pinaghintay kita," pag-aalo nito sabay yakap muli sa kanya nang mahigpit. "Halika sa bahay. Doon tayo mag-usap. Atsaka marami din akong pasalubong sa iyo." Inilihis nito ang usapan upang gumaan ang kanyang pakiramdam.
"S-Sige. Pinauunlakan ko ang paanyaya mo. Ngunit saglit lamang dahil tatapusin ko pang lutuin ang biko. Ilalako ko pa ang mga iyon," aniya. Marahan siyang bumitaw sa pagkakayakap nito at tumayo upang bumalik sa kusina.
"Aba at business minded pala ang aking kaibigan," natutuwa at proud na turan ni Esme. Hindi niya namalayang sumunod ito at tumabi sa kanya.
"Hindi naman. Wala lang mapasukang ibang trabaho. Alam mo naman, hanggang elementary lang ang tinapos ko."
"Ema, dapat maging proud ka sa sarili mo. Hindi ka tulad ng iba na piniling maging tambay at tumunganga na lang maghapon."
"Salamat," nahihiya at tipid niyang turan. "Siyangapala, masaya at proud din ako sa iyo dahil naabot mo ang pangarap mong maging isang doktor."
"Sus! Hindi ako magiging doktor kung hindi dahil sa mga taong sumuporta sa akin. Isa ka sa mga taong iyon, Ema."
"Kaibigan kita, Esme at ang tunay na magkaibigan nagdadamayan."
"Salamat sa mga tulong mo noong ako ay nasa highschool. Hayaan mo babawi ako," madamdaming wika nito. "Sige, bilisan mo na diyan. Papakyawin ko lahat ng paninda mo ngayon dahil may munting salu salo sa bahay. Dagdag handa atsaka nasasabik din akong tikman ang iyong mga luto."
"T-Talaga? May salu salo? Sino ang mga dadalo?" natuwang tanong niya.
"Yung mga bisita ng asawa ko at siyempre ikaw. Iniimbitahan kita. Mamayang tanghalian ang salu salo kaya may sapat pa tayong oras upang maghanda mamaya, " sagot ni Esme na may paglalambing pang kumunyapit sa kanyang braso.
"Pakihintay na lang ako sa sala at tatapusin ko na ito kung ganoon," pinakiusapan niya ang kaibigan na agad siyang sinunod.
Ilang minuto pa nang sa wakas natapos ang biko. Tinakpan niya iyon gamit ang malaking dahon ng saging. Babalikan na lamang niya ang mga ito kapag magsisimula na ang salu salo.
Pinuntahan niya ang kaibigan sa sala na kausap ang kanyang madrasta.
"Esme, tapos ko na ang biko. Babalikan ko na lang itong mga kakaning niluto ko kapag magsisimula na ang salu salo. Maaga pa naman," sumulpot siya sa harapan ng dalawa at pinutol ang kanilang usapan.
"Tara na sa bahay," anyaya ni Esme. Tumayo ito at hindi pinansin ang pagpapaalam ng kanyang madrasta. Hinila siya nito sa kamay upang lumabas ng kanilang bahay.
DINALA ni Esme si Ema sa loob ng silid nito. Namangha si Ema dahil ngayon lamang siya nakapasok sa sementadong silid at may mga moderno pang disenyo. Idagdag pa na nasa loob ng silid ang banyo, may walk-in closet at may napakalambot na kama.
"Hindi kaya magalit ang asawa mo na dinala mo ako dito sa kuwarto niyo?" tanong niya sa kaibigan.
Magkatabi silang nakaupo sa malambot na kama. Kanina pa nito hindi mabitawan ang braso niya.
Mula pa noong mga bata sila ay si Esme na ang palaging naglalambing sa kanilang dalawa. Palibhasa ganoon rin ang mga magulang nito, mababait at maalaga. Kabaliktaran ng kinalakhan niyang mga magulang.
"Ano ka ba? Pamamahay ko ito. May karapatan akong papasukin ang kung sinumang gusto kong papasukin sa aking silid," sagot nito na may marahang pagpalo sa kanyang braso. "Atsaka sobrang bait kaya ng asawa ko. Dapat mo siyang makilala. Palagi din kitang naikukuwento sa kanya at sobra siyang nagpapasalamat sa mga naitulong mo sa akin kahit hindi pa man kayo nagkikita."
"T-Talaga? Pero kaunting tulong lang naman ang pagbibigay allowances ko sa iyo at pagtulong sa mga proyekto mo sa eskwelahan. Nakakahiya tuloy."
"Hindi kaunti iyon, Ema. Come on. Wala kang tiwala sa sarili mo? Sobra sobra ang tulong na iyon para makamit ko ang mga tagumpay na tinatamasa ko ngayon." Bumitaw ito sa pagkakakunyapit sa braso niya. Hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat at pinihit paharap rito. "Tinulungan mo ako noon kaya marapat lamang na tulungan din kitang bumangon. Magkaibigan tayo at ang magkaibigan dapat ay nagdadamayan."
"Pero hindi naman ako humihingi ng kahit anong kapalit sa mga naitulong ko. Masaya na ako na hindi mo ako nakalimutan," wika niya na sadyang iyon ang katotohanan. Ang pagtulong ng bukal sa puso ay walang hinihinging kapalit.
"Just let me help you as well, Ema. Trust me, okay?" puno ng kumpiyansang turan ni Esme. Animo'y mayroon na itong nakahandang plano para sa kanya at ang kailangan na lamang niyang gawin ay ang magtiwala.
"Ako naman ay palaging may tiwala sa iyo," nakangiting tugon niya atsaka ito niyakap. "Maniwala ka, sobra akong masaya dahil hindi mo ako nalimutan at nagtagumpay ka sa pangarap mo."
Nagtagal ang kanilang yakapan. Sobrang tagal rin ng labindalawang taon na hindi sila nagkita. Maraming kaganapan na ngayon lamang nila mapag-uusapan. At hindi nila sasayangin ang pagkakataong muli silang nagtagpong dalawa.
Ang kanilang pagkakaibigan ay napatunayan nilang matibay pa rin kahit ilang taon silang nagkahiwalay. Kanya kanyang pagsubok ang sinuong at wala ang bawat isa upang maging sandalan. Kinaya nila at kakayanin pa nila ang mga susunod.
NICHOLAS woke up late in the morning. It's already 10:30 a.m. when he checked his phone. Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid at namataan niyang naroon pa rin sa higaan nila ang dalawang bugok niyang kasama. It's Cozart and Onix he shared the room with. The three of them cannot sleep early last night. Mga hindi sanay sa buhay probinsiya.
Mahimbing pa ang tulog ng dalawa. Ayaw niyang istorbohin ang mga ito at gisingin. He knows how it feels to be disturbed while you're in a good sleep.
Bumangon siya at nameywang. He's thinking what to do now. Hanggang sa nagpasya siyang mag-stretching bago gumawa ng dalawampung push ups.
After his quick exercise he get his toiletries and towel. Then he went out the room and goes inside the common bathroom. Nasa second floor ang kanilang silid at may dalawang common bathroom na maaari nilang gamiting magkakaibigan.
He took a shower and brushed his teeth. After freshening up he went back to the room. Inayos niya ang kanyang toiletries sa ibabaw ng mesa sa gilid ng pintuan. Pumunta siya sa terasa upang isampay roon ang kanyang tuwalya.
Lumabas muli siya ng silid at tinumbok ang daan patungong kusina. On his way to the kitchen he bumped into Legend. Mukhang may pinagkakaabalahan ang kanyang kaibigan. Nilapitan niya ito atsaka inakbayan.
"Buddy, what are you up to?" he asked.
"Mangingisda kami ng Tatay ni Esme. Kaya bitawan mo ako at hinihintay na ako ng mga kasama namin sa labas," sagot nito bago iwinaksi ang nakaakbay niyang braso sa balikat nito.
"I'm bored! Can I go fishing too?" pahabol niyang tanong sa nagmamadaling umalis na kaibigan.
Wala siyang nakuhang sagot kaya naman nagpatuloy na lamang siya patungong kusina. Naabutan niyang abala ang mga kasambahay sa pagluluto. Napansin niya ang maraming putahe na kanilang inihahanda. Lumapit siya sa kanila upang mag-usisa.
"Hey, ladies!" agaw niya sa atensiyon ng mga ito. "Is there a party? Ang dami niyo naman kasing inihahandang pagkain," aniya.
"Magandang umaga ho, Sir," sabay na bati ng tatlong may edad na mga kasambahay.
"Nagluluto po kami para sa mga ihahanda mamayang salu salo," ang mayordoma ang sumagot sa kanyang tanong kanina.
"So I'm right. There's a party," natutuwang kumpirmasyon niya.
"Kung nagugutom ho kayo, mayroon kaming inihandang almusal sa hapag," wika naman nung mukhang pinakamatanda sa tatlo.
"By the way, I would like to know your names, ladies," naalala niyang itanong ang mga pangalan nila.
"Esther po ang pangalan ko, Sir," unang sumagot ang mayordoma.
"Ako naman si Trining," yung pinakamatanda ang sumunod na nagpakilala.
"At ako naman si Rebekah," huling sumagot ang mukhang pinakabata sa tatlo.
"All of you aged well, Esther, Trining and Rebekah," he complimented them. "But can I please lend a hand to help you in cooking?" he asked for their permission.
"Pwede po bang paki-tagalog, Sir? Pasensiya na ho pero mahirap kaming makaintindi ng Ingles," pakiusap ni Manang Trining.
"Oh. Sorry about that. Well, ang sabi ko po ay — if okay lang ba sana sa inyo na tumulong akong magluto?" he translated what he said earlier.
"Aba kung ganito kaguwapo ba naman ang tutulong e bakit hindi?" tugon ni Manang Rebekah. "Kung wala lang kaming mga asawa ay baka isipin naming pinopormahan mo ang isa sa amin," biro pa nito.
He chuckled. "You're all pretty but it's sad to know you're all taken already," pagsakay niya sa biro. Tinabihan niya ang mga ito sa may lababo kung saan naghihiwa sina Manang Trining at Manang Rebekah ng mga kailangang sangkap. Habang nakatuka si Manang Esther sa pagluluto.
Itinuon niya ang buong atensiyon sa mga putaheng nakalista sa reminder na nakadikit sa pintuan ng refrigerator. Kinabisado niya ang mga iyon at pinlano ng mabuti ang mga dapat magkakasunod na gawin.
Matapos magplano ay magalang niyang inalalayan at tinuruan ang tatlong mga kasambahay. He teaches them how to prepare the needed ingredients properly. Siya na rin ang nagrepresentang magluto upang maipakita niya ang tamang pamamaraan sa bawat putaheng ihahanda.
Masaya at magaan kasama ang tatlo. Hindi din sila nagreklamo na mas bata siya sa mga ito upang turuan silang gumaling sa pagluluto. They even asked him if he could also teach them tomorrow morning. He gladly agreed because he wanted them to be better cooks, not just for his whole stay here but for them to keep it as they serve for Esmeralda's family.
KAKATAPOS lamang ihanda nina Nicholas at ng tatlong kasambahay ang mga pagkain. Magtatanghalian na at siyang oras ng salu salo. Saktong nagsibabaan ang kanyang mga kaibigan at dumating na rin galing pangingisda sina Legend.
Maliit ang espasyo ng kusina para sa medyo marami nilang bilang. Nagpasya silang lumipat sa labas. Nagtulung tulong silang magkakaibigan na magbuhat ng sapat na kakailanganing mesa at upuan mula sa storage room. Iniayos nila ang mga ito sa malawak na bakuran. Nababalot ng bermuda grass roon at maraming nakapaligid na puno. Presko at sariwang hangin.
Doon lamang niya napagtantong maganda pala ang probinsiya. Kahit boring sa sarili niyang depinisyon ay nakakaengganyo naman ang kasimplehan ng pamumuhay.
"This is so peaceful, buddies," komento ni
Landon.
"I agree with you, Leoncio. This is what we really need. A break from our hectic schedules, " pagsang-ayon ni Xyne na umakbay kay Cozart.
"Remove your arm on my shoulder, Yeusaph. You're not my bestfriend," saway naman ni Cozart.
Kaagad inalis ni Xyne ang pagkakaakbay sa kaibigan at nilayuan ito. Siya ang nilapitan nito at inakbayan. He just let him be.
"Where's Legend and his wife? Sila na lang yata ang hinihintay," puna ni Laxus.
"Baka naligo at nagbihis pa. Legend just came home from fishing with his wife's father a while ago," ibinahagi niya ang kanyang palagay.
"He goes fishing without us? That's unfair," Onix blurted out.
Inirapan niya ang kaibigan at sinipa ito sa tuhod. "Paano tayo makakasama sa pangingisda kung mga tulog mantika tayo? Kung gusto nating sumama dapat maaga tayong gumising," pagtatanggol niya kay Legend.
"So that means I have to wake up early tomorrow. I want to go fishing and farming, you know," bawi ni Onix sa sinabi kanina.
Hindi humaba ang kanilang paghihintay dahil dumating na rin ang mag-asawa sa bakuran. Bihis na si Legend pati ang asawa nito.
His eyes were glued to the happy couple when he caught a familiar face from his peripheral view. Inilipat niya ang mga mata sa babaeng nasa gilid ng dalawa.
It was the girl from yesterday. Ang babaeng natalsikan ng putik noong dumaan ang sinasakyan nilang van sa gilid nito.
"She's beautiful," bulalas niya. Hindi man lang niya namalayan ang nasabi. Napatulala pa siya sa babaeng kasama nina Legend at Esme.
"Come back to earth, Shanny," Xyne said and snapped his fingers in front of his face.
Kumurap kurap siya at ibinaling ang tingin sa kaibigang kanina pa nakaakbay sa kanya. "Fvck off, Yeusaph. Mind your own business, will you?" naiinis niyang turan dito. Marahas na kanyang tinanggal ang braso nito sa balikat niya at lumayo.
Nagsimula ang munting salu salo. Nagdasal ang ama ni Esmeralda at nagpasalamat ang pamilya nito sa pagbibigay paunlak nilang magkakaibigan sa paanyaya upang magbakasyon dito sa kanilang lugar.
Nagsimulang kumain ang lahat ngunit hindi magawang tanggalin ni Nicholas ang mga mata sa babaeng nakabighani sa kanya. Wala sa bokabularyo niya ang salitang torpe. Dali dali siyang umupo sa tabi ng dalaga para kilalanin ito. This whole vacation will not be boring at all, he guess.