MARAMING pasalubong na ibinigay si Esme para kay Ema. Mga tsokolate, bagong damit, sapatos, pabango, make-ups at skin care products. Lubos ang tuwa na dala ng mga iyon kay Ema. Ngayon lamang siya nakatanggap ng mga ganoong bagay.
"Sobrang dami naman nito, Esme?" hindi makapaniwalang bulalas niya. Namamangha sa magagandang damit at sapatos. Nalula rin siya sa mga presyo.
Tinanggap pa rin niya ang mga make ups kahit hindi naman niya alam kung paano gamitin ang mga iyon. Baka sakaling kailanganin niya sa hinaharap.
"Kulang pa iyan sa mga naitulong mo sa akin. Gusto kong maranasan mo ang buhay na mayroon ako ngayon," nawiwiling turan ni Esme. Masaya itong pinapanuod siya habang hindi siya magkandaugaga sa mga binigay nitong gamit.
Tinulungan siya ng kaibigan upang isilid ang mga pasalubong sa tatlong malalaking paper bags. Habang abala sila ay siya namang pagdating ng asawa nito. Ang guwapo at makisig na lalaking nakita niya kahapon na kasama ni Esmeng bumaba sa magarang sasakyan.
Natuod siya sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Sobrang hiya ang nararamdaman niya. Nababahala siya na baka ang pagpapasok ni Esme sa kanya sa silid ng mga ito ang maging dahilan ng kanilang pagtatalo.
"Hey, love. How's your day so far?" tanong ng lalaki. Nagsalubong ang dalawa atsaka mabilis na ginawaran ang isa't isa nang halik.
Mas lalo siyang nahiya. Tiyak na namumula ngayon ang magkabila niyang pisngi. Masyado pang inosente ang pag-iisip niya tungkol sa pakikipagrelasyon. Lumaki siyang paghahanap buhay ang dapat pagtuonan ng pansin at hindi mga bagay na makakaaksaya sa oras.
"I'm fine, love. By the way, this is my bestfriend, Ema," sinagot ni Esme ang tanong ng asawa nito bago siya ipakilala. The couple both looked at her. "She's the person I always talked about," may pagmamalaki sa boses na saad ng kanyang kaibigan.
Kahit kinakabahan ay pilit siyang ngumiti at kumaway sa asawa nito. "H-Hello po, Sir," iyon ang mga katagang lumabas sa kanyang labi. Hindi siya nakapag-isip ng mas matinong sasabihin dahil sa hiya at kaba.
"Hi, Ema. Nice meeting you, finally," relax ang ngiti ng lalaki atsaka inilahad ang mga palad nito sa kanya. Marahan niyang inabot iyon at nakipagkamay. "I am very thankful for being a big help to my wife when she was still living here," pagpapasalamat nito.
"And please, don't call me Sir. I am your bestfriend's husband. Just call me Legend," dagdag pa nito.
Nakahinga siya ng maluwang kahit papaano dahil mukhang hindi naman suplado at hindi pangit ang ugali nito. Pero hindi pa rin niya mapigilang mahiya. Kahit basa at medyo marungis ito ngayon ay hindi maitatago ang kakinisan ng lalaki.
"W-Walang anuman. Matalik kong kaibigan si Esme kaya nararapat lamang na tulungan ko siya," tugon niya.
"At sobrang saya naming dalawa dahil nagkita muli kami matapos ang ilang taon," komento naman ni Esme. Nakakunyapit ang braso at nakahilig ang ulo nito sa balikat ng asawa nito.
"Naku! Siyangapala, nakalimutan natin ang oras dahil sa kuwentuhan. Malapit nang magtanghalian, marapat lamang na umuwi na ako. Sa gayon ako ay makapaghanda at gayundin kayong mag-asawa," naalala niya ang oras ng salu salo. Kaagad siyang nagpaalam upang makapaghanda silang tatlo.
Kailangan pa niyang umuwi upang maligo at magbihis. Kukunin din niya ang mga kakanin na binili ni Esme at ipapandagdag handa.
Nagpaalam ulit si Ema sa mag-asawa. Umuwi siya dala ang mga pasalubong na bigay ng kaibigan sa kanya. Itinago niya ang mga iyon sa kanyang lumang aparador sa loob ng sarili niyang silid.
Naligo siya at nagbihis ng presentableng bestida. Mabilis ang bawat galaw niya dahil ayaw niyang paghintayin sina Esme. Inayos niya ang mga kakaning niluto niya kaninang umaga. Ipinatong niya sa kanyang ulo ang bilaong pinaglagyan niya ng mga ito.
Bumalik siya sa bahay ng kaibigan. Natuwa siya nang makitang hinihintay siya ng mag-asawa sa labas ng bahay. Nagpresenta si Legend na ito na ang magbubuhat sa dala niyang bilao.
Naunang pumasok ang dalawa at nakasunod lamang siya sa likuran nila. Sa malawak na bakuran ng mga Argus naganap ang salu salo. Napansin niyang puro nagguguwapuhan at matatangkad na mga lalaki ang panauhin. Ito marahil ang mga kaibigan ni Legend na nabanggit sa kanya ni Esme.
Nagdasal muna sila at may kaunting mensahe ang pamilya Argus sa mga bisita. Matapos niyon ay nagsimula na ang salu salo.
"Ema dito ka sa tabi ko umupo," tawag ni Esme sa kanya sabay pagpag sa upuan sa kaliwang bahagi nito samantalang nakaupo sa kanan ang asawa nito.
Kaagad siyang umupo sa tabi ng kanyang kaibigan. Inabutan sila ng asawa nito ng kanilang plato, kutsara't tinidor.
"Ema! Hija!" nagagalak na lumapit sa kanila ang ina ni Esme, si Aling Iska, kasama ang asawa nitong si Mang Ramon. "Mabuti at nagkita na kayo ni Esme. Palagi kang bukambibig nito sa tuwing bibisita kami sa kanya noon sa Maynila," pagkukuwento ng ginang.
"Nagagalak po ako na hindi niya ako nakalimutan. Maski ako ay sobrang natutuwa na makita uli siya, Aling Iska," tugon niya rito at ngumiti ng tipid.
"Kung gusto mo ay tumuloy ka muna dito sa bahay hanggang matapos ang bakasyon niya. Kahit papaano mapunan man lamang ang ilang taon na hindi kayo nagkasama," suhestiyon ni Mang Ramon.
"Naku, 'tay! Maganda iyang opinyon mo. Gusto ko dito ka muna sa bahay para makapagbonding tayo, Ema," mabilis na sinang-ayonan iyon ni Esme sabay pagkumbinsi sa kanya.
"Yeah. That's a good idea, 'tay Ramon. I'm just thankful that my wife's bestfriend is not a boy," pati ang asawa nito ay gusto ang sinabi ng ama ni Esme.
"S-Sige ho. Susubukan ko pong magpaalam kay Tatay," gusto niya sanang pumayag ngunit natatakot siya sa kanyang ama. Walang mag-aasikaso sa bahay nila kung mananatili siya rito sa mansiyon ng kanyang kaibigan.
"O siya, hija. Huwag naman sanang magdamot iyong tatay mo sa kasiyahan mo," komento na lamang ni Mang Ramon at tinapik siya sa kanyang balikat.
"Ipagpatuloy niyo na ang inyong pananghalian kung ganoon. Kami ay naroon lang sa kabilang mesa," nagpaalam si Aling Iska bago ito umalis hila hila ang asawa nito.
"Hayaan mo, Ema. Sasamahan kitang magpaalam sa tatay at madrasta mo. I'll bribe them," wika ni Esme habang nilalagyan nito ng kanin ang kanyang plato.
"I'm starting to feel jealous already, love," biro naman ni Legend na pinapanuod ang ginagawa ng asawa.
"You can get your own food, love," sagot ni Esme dito.
"Ema can do it as well, you know," kibit balikat na tugon ni Legend.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang mapatawa dahil sa asal ng mag-asawa. Napakagaan panoorin ang kulitan ng mga ito.
"Ako na lang diyan, Esme." Biglang may sumulpot sa kanyang tabi at kinuha sa kaibigan niya ang serving spoon at lagayan ng kanin. Ito ang nagpatuloy sa paglalagay ng pagkain sa kanyang plato. Hindi niya namalayang may umupo sa bakanteng upuang nasa kanyang tabi. Lumingon siya sa gawi roon upang alamin kung sino iyon.
Tinitigan niya ang estranghero. Tulad ni Legend ay hindi maikakailang galing sa mayamang pamilya ang binata. Napakakinis, maporma, sobrang bango at sobrang guwapo, idagdag pa ang matipuno nitong katawan.
"You can stare at me later, baby," bulong ng binata sa kanya. Tumayo ang balahibo niya at nakaramdam siya nang kiliti. Awtomatikong napalayo ang ulo niya rito.
"B-Bakit mo ako tinawag na baby? Mukha ba akong sanggol?" hindi niya napigilang maisatinig ang tanong sa kanyang isip.
Nawala ang ngisi nito sa mga labi at namula ang magkabila nitong pisngi. Tila ito napahiya. Napansin din niyang nakatingin lahat ng naroon sa gawi nila. Hindi tuloy niya napigilang magtaka kung bakit sila pinagtitinginan.
"Hoy, Shanny! Pati ba naman sa probinsiya naghahanap ka ng sanggol mo?" matapos ang ilang segundong katahimikan ay mayroong nagsalita mula sa mga binata. Nagtawanan pa ang mga ito at kita niya kung paano natuod sa upuan nito ang binatang nasa kanyang tabi.
"Type mo ang bestfriend ko?" nagtanong si Esme habang nakadungaw upang matitigan ang binata.
"H-Hey, people. Easy lang," utal na saad nito atsaka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
May nais pa sanang sabihin ang binata ngunit biglang may dumating at sumigaw.
"Ema! Ema! Yung tatay at kapatid mo nagpapatayan!" isang malakas na sigaw ang umagaw sa kanilang atensiyon mula sa eksena nila ng binata.
Sandaling nakalimutan niya ang nakakaaliw na sitwasyon ngayon at mabilis siyang tumakbo upang umuwi. Kahit sa mga oras na pinagbibigyan niya ang sarili upang sumaya ay mayroon pa ring problemang sumusulpot.
Hindi ganoon kalayo ang mansiyon sa bahay nila kaya kaagad siyang nakauwi. Nadatnan niya ang eksena sa labas ng kanilang tahanan. Walang malay na nakahiga sa lupa ang kanyang tatay. Akmang pupukpukin ng kanyang kapatid ng bato ang ulo ito. Maraming tao ang nanunuod ngunit walang umaawat.
Kaagad niyang tinakbo ang pagitan niya at ng kapatid niya sabay yakap sa likuran nito. Ibinuhos niya ang buong lakas upang mahila ito palayo sa kanilang ama.
"Kuya tama na! Please! Huwag mong patayin si tatay! Parang awa mo na!" pakiusap niya at hindi niya napigilang mapahagulhol.
"Bitawan mo ako, Ema! Papatayin ko iyang walang kuwentang taong iyan!" sigaw ng Kuya Adel niya habang nagpupumiglas sa kanyang pag-awat. Pilit itong lumalapit sa kanilang ama.
Kumpara sa kanya bilang babae ay di hamak na mas malakas ang kanyang kapatid. Nakawala ito sa yakap niya at tumakbo palapit sa ama nila. Nawalan siya ng pag-asa. Pabagsak siyang napaluhod sa lupa dahil sa kaba, awa sa sarili at kalituhan sa mga pangyayari.
"Kuya! Huwag!" sigaw niya at umaasang makikinig ang kapatid niya sa kanya. Ngunit nagkamali siya. Mas malakas ang pagnanais nitong kitlin ang buhay ng sarili nilang ama.
Nawalan siya ng lakas upang pigilan muli ito at tulad ng mga nakapaligid doon ay natuod siya. Napatulala at nanuod na lamang sa eksena.
Sa oras na iyon na wala siyang maisip na nararapat gawin. Mayroong isang tao na sumulpot upang iligtas ang kapatid niya sa paggawa ng krimen.
Dalawang magkasunod na suntok ang iginawad ng binata sa kuya niya. Sa sobrang lakas niyon ay nawalan ng malay ang kaptid niya at natumba ito sa lupa.
"Everything is fine. Don't cry already," lumapit sa kanya ang binatang sumuntok sa kuya niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at hinaplos ang kanyang likod. "Shhh... It's fine. Your father is safe," pagpapagaan nito sa kanyang loob.
Natulala siya at hindi makagalaw. Sa unang pagkakataon naramdaman niyang may isang tao na hindi nagdalawang-isip upang tulungan siya. Naramdaman niyang mayroong isang tao na handang dumamay sa kanya. Hindi niya lubos akalain na ang taong iyon ay ang binatang nasa tabi lamang niya kanina. Ang lalaking tinawag nila sa pangalang Shanny.
"Ema! Are you okay? Anong nangyari at ganyan ang naging asal ni Kuya Adel?" sumulpot si Esme kasama ang asawa nito. Tumabi ang mga ito sa magkabila niyang gilid.
"We should report him to the police," suhestiyon ni Legend.
"Let her calm down first," sumabat sa usapan si Shanny at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Tinulungan din siya nitong tumayo.
Noong medyo kumalma siya tsaka lamang niya napansin na sumunod lahat ng binatang kaibigan nina Legend at Shanny. Tinaboy ng mga ito ang mga nakiusyuso sa pangyayari habang inaalalayan siya ng tatlo.
Lubos ang pasasalamat niya ngunit hindi niya alam kung papaano iyon masusuklian. "Maraming salamat sa inyo. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kanina kaya malaking tulong na nakialam kayo. Baka napatay na ni Kuya si tatay kung hindi kayo dumating," pagpapahayag niya ng kanyang nararamdaman.
"You should thank Shanny the most. He punched your brother before he could even kill your father," isa sa mga binata ang nagsalita.
May punto ito kung kaya't humarap siya kay Shanny. Hinawakan niya ang mga kamay nito at tinitigan ito sa mga mata.
"Ako ay lubos na nagpapasalamat, Shanny. Iniligtas mo si tatay pati na rin si kuya," puno ng sinseridad niyang turan.
Tumikhim ang lahat ng naroon atsaka may sumipol pa. Hindi niya maintindihan ang mga asal ng mga binata ngunit hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Magkaiba siguro ang kanilang mga pag-uugali dahil sa Maynila sila namulat samantalang iba rin silang taga-probinsiya.
"I can smell sweetness over here."
"New type of girl huh?"
"I can feel that one of us will tie the knot soon."
"Isn't he inlove?"
"I want to p**e right now."
"That's why I don't like him as my bestfriend. He's got ninja moves."
"What just happened?"
Iba't ibang komento ang maririnig mula sa mga kaibigan ng mga ito. Sa kanyang palagay ay inaasar nila si Shanny. Hindi nga lang niya alam kung bakit.
"You should rest. Kami na ang bahala sa kuya at tatay mo," hindi pinansin ng binata ang mga tudyo ng mga kaibigan nito. Sa kanya nakatuon ang buo nitong atensiyon.
"P-Pero..." nais niyang umangal dahil hindi naman sila dapat nadadamay sa gulo ng kanyang pamilya.
"I already called the police, Ema. Sige na, pumasok ka na sa bahay niyo at kami na ang bahala sa kanila," saad ni Esme na mukhang may tapos kausapin sa cellphone nito.
"And I bet you're hungry. I will bring you food later, Ema," muling nagsalita si Shanny.
"Let's go and let her rest already," yakag ni Legend sa mga kasama habang isa ito sa bumuhat sa tatay niya. Ang ilan pa sa mga binata ay ang kuya naman niya ang kanilang binuhat.
"Gusto ko sanang samahan ka pero baka hindi nila alam ang isasagot sa mga pulis. Sige na, magpahinga ka muna at babalik ako mamaya,"!nagpaalam si Esme bago sumama sa mga binatang akay ang kanyang kuya at ama.
Huling umalis si Shanny dahil muli siyang niyakap nito. Nagulat siya ng kaunti sa naging asal nito at hindi niya mapigilang maasiwa.
"Thank you ulit," anas niya malapit sa tainga ng binata bago ito bumitaw at tuluyang makalayo sa kanya. Ito ang unang pagkakataong naranasan niyang may mga tao na totoong nagmamalasakit sa kanya.
Kailanman ay hindi niya malilimutan ang mga ito. Hindi lamang sila guwapo ngunit mabubuti ring mga tao.